Finding Stealer 20

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa lahat ng nalaman. Ang sakit. Sobra. Pero alam mo 'yung parang wala nang luhang lumalabas sa mata mo dahil naubos na? Parang naging manhid at bingi ako panandalian.

Hindi ako makapag-salita. Para akong tinakasan ng dila ko.

"Mahal, wala kaming relasyon ng estudyante ko." Naiiyak na saad ni Paul habang hawak ang kamay ng tinawag niyang mahal.

Masakit palang itanggi. Masakit pala yung hindi ka kayang ipagsigawan ng nag-iisang taong minamahal mo ng lubos.

"Sa lahat ng nandito." Sigaw ni Gian bago ako hawakan sa braso ko. "Girlfriend ko siya. Nahuli kami ni sir Paul sa rooftop kaya pinagsabihan kami. Hindi namin alam na pag-iisipan ng babaeng 'to na kabet si Ange. Girlfriend ko siya." Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan.

Hindi ako nakapalag pa dahil sa gulat. Naestatwa ako dahil sa ginawa niya. Marami na ring mga teachers ang nandito upang awatin ang ginawang eskantalo ng asawa ni Paul.

Maisip ko pa lang na may asawa siya ay nadudurog na ang puso ko. Binuo nga niya ulit ang puso ko pero dinurog niya ulit, and this time sobrang durog na. Yung parang hindi na ulit ito mabubuo.

Wala akong maramdamang kahit ano, kahit pa hinalikan ako ni Gian. Siguro nga ay manhid na ako.

"Nice one, bro!" Sigaw ng mga kaklase ni Gian. "Ang ganda naman niyan!" Kantyaw pa nila.

"Halika ka na," aniya. Hinila niya ako paalis sa mga estudyante at iilang guro.

Alam kong 'pagkatapos nito ay marami nang mababago. Baka hindi na makapag turo si Paul kapag nalaman nilang lahat na totoong may relasyon kami. Masakit pero nag-aalala pa rin ako sa kanya. Kasalanan ko rin naman, eh.

Hindi ko alam kung saan ako dinadala ni Gian. Sumusunod lang ang mga paa kung saan man niya ako hilain.

Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala. Pero ayaw kong may madamay dahil sa mga kagagawan ko. Ayaw kong madamay si Gian sa lahat ng ginawa ko na dapat ako lang at si Paul ang magbayad.

Huminto kami at agad na hinawakan ni Gian ang mukha ko upang iharap sa kanya. "Okay ka lang?" Aniya.

Something about his words triggered the emotions I've been trying to bottle up ever since my depression came.

It may sounds stupid for some but for me, it means a lot. It means everything.

"Yeah." Yumuko ako. Para akong naiiyak dahil sa pagtatanong niya. Pinipigilan ko lang dahil ayaw kong makita ng iba na mahina ako.

"Halika ka nga." Bigla niya akong niyakap. "I always save you but please, save yourself, too. You need to look after yourself too."

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Niyakap niya lang ako nang mahigpit at hinahagod ang likod ko.

Iyak lang ako nang iyak. Sobrang sakit ng nararamdaman ko sa lahat ng nalaman ko. Lahat pala 'yon ay kasinungalingan lang. Lahat pala 'yun hindi niya kayang panindigan. Nagtiwala ako sa kanya, siya lang bukod tanging pinagkatiwalaan ko pero nagawa niya pa rin akong lokohin.

"A-ang sakit. L-lahat ba ng mamahalin ko, i-iiwan lang ako?" I sobbed.

Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nandito at kung bakit siya nagsinungaling para lang linisin ang pangalan ko.

"'Y-yng nag-iisang taong n-nagmamahal sa akin, n-nawala pa. Bakit ganun? Ha? Bakit? Wala na ba talagang nagmamahal sa akin?"

"If nobody loves you, I'll be your nobody."

"Nasasabi mo lang 'yan dahil 'di mo ako kilala. Wala kang alam sa akin. Pero kapag mayroon na, iiwan mo lang din ako katulad nila. Pare-parehas lang kayo." Pinahid ko ang luha ko. Hindi ako mahina. Ayaw kong maging mahina sa harap ng ibang tao. Kumawala na rin ako sa pagkakayap niya.

Alam ko namang kahit anong gawin ko o pakita kong mahina man o malakas ako, wala naman ding may pake eh. Kung mamatay ako alam kong wala ring may pake. At handa na ako, handa na ako para tuluyang mawala sa mundo.

Tama na, hindi ko na kaya lahat ng sakit na pinaparamdam sa akin ng mundo. Sobra na. Lahat na lang mawawala sa akin, ito na nga lang yung nag-iisang taong nagpaparamdam sa akin na karapat-dapat akong mahalin ay nawala pa.

"May alam ako sa 'yo. Oo, hindi lahat pero may alam ako sa 'yo. Tsaka pwede mo namang sabihin sa akin lahat. Lahat ng gusto mong sabihin. You can free to share what's on your mind. You can free to rant with me. I'll never judge you."

Mapakla akong tumawa. Awa. Alam kong awa lang ang nararamdaman niya sa akin at ayun ang pinaka-ayaw ko, ang kinaaawaan ako.

"H'wag ka na kasi kay sir Paul. Sa dami ng tao sa mundo bakit kas siya pa? Bakit kasi risk-taker ka?" Base sa tingin niya ay nag-aalala siya sa akin. Nag-aalala na naaawa.

"Kasi sa dami ng tao sa mundo, siya lang ang kayang mahalin ako. Siya lang ang nagparamdam sa akin na special ako, siya lang 'yung nagparamdam sa akin na pwede akong mahalin. Siya lang at wala ng iba."

"Ikaw na ang pinaka-marupok na tao na nakilala ko." Natawa ako dahil sa sinabi niya kaya natawa na rin siya.

"Kung magiging marupok man ako, wala ka ng pake do'n." Tumalikod ako at iniwan siya.

He's too kind. Hindi kami bagay, walang puwang yung nararamdaman niya sa akin. Hindi dapat ako ang ginugusto niya dahil wala siyang mapapapala sa akin. Hindi dapat ako ang binibigyan niya ng oras niya dahil madami niyang mas better sa akin at kayang mahalin siya. Madaming mas better na baabe sa 'kin, 'yung hindi komplikado katulad ko.

Hindi kami bagay. Naaawa ako sa kanya dahil sa akin siya nagkagusto. Nakakaawa siya dahil 'yung gusto niya, hindi siya gusto dahil may iba itong gusto. Nakakaawa siya dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi magiging kami.

Nakakaawa siya dahil pareho kaming nagmamahal ng taong hinding-hindi namin pwedeng makuha. Parehas kami ng kapalaran, na yung taong mahal namin ay may mahal ng iba. Mas nakakaawa nga lang ako dahil yung taong mahal ko may asawa na.