ELLIE
"Hi Ellie good morning." Ang bati ng mga nakakasalubong ko papasok sa school.
"Ellie!" Napalingon ako ng bigla akong tinawag ni Leo na halatang hingal na hingal.
"Leo?"
"Hindi mo ba kasabay pumasok si Luna?"
"No. She just leave a note ang sabi niya mauuna na siya." Pagkasabi ko nun ay halata na naging malungkot si Leo.
"Wh-" hindi ko na natuloy ang pagtatanong ko ng makita kong naglalakad si Luna.
"Ang ganda talaga ni Luna , kaya lang I didn't see her talking with someone except kay Leonardo." Siniko naman nung kasama nung lalaki dahil nakita nila si Leo. Tiningnan ko naman si Leo and I saw in his eyes how happy he is when he saw Luna, tumakbo siya palapit dito and I saw them talking with each other.
Nasasaktan ba ko?
No! No! Ellie nararamdaman mo lang yan because she is your friend that's all! You're jealous as a friend!
Okay I'm just convincing myself.
Naglakad na lang din ako papunta sa next class ko then I saw Belle doing her warm up.
Nilabas ko yung bag na naglalaman ng breakfast na ginawa ko para sakanya 5am palang kasi umalis na sila, agad ko tong pinakita sakanya kaya mabilis siyang napatayo para yakapin ako.
"Ellie!" She hug me tight kaya nakuha namin ang atensyon ng iba. I just tap her shoulder kasi hindi na ko makahinga, mabuti na lang at binitawan na niya ako.
"Alam kong hindi ka pa kumain that's why I brought you this." Inabot ko na to sakanya.
"May hot choco din ako na ginawa na nasa tumbler, but I think it's not hot at all." This is the least thing that I can do for her lalo na sa mga effort na ginawa niya noong mga panahong kailangan na kailangan ko ng kadamay.
"Thank you so much Ellie okay lang hot naman na ko." Hindi ako tumawa sa joke niya.
"By the way where is Cici? May dala din ako para sakanya." Bigla naman lumungkot yung mukha ng isang to.
"Oh bakit?"
"Akala ko naman special ako kaya ako lang merong ganito." Tsss arte talaga.
"Sa bahay tayo nila Cici naka-" she covers my mouth to shut me up.
"Shhh! Wag mong sasabihin sa iba yun okay?! By the way andun siya o sa may bleachers talking with some of her toys." Tumingin naman ako sa tinuro ni Belle and nakita ko siya na may kausap na isang babae.
"Bibigay ko lang to sakanya." Pero napahinto ako sa paglalakad ng hawakan ni Belle yung kamay ko.
"Wag kang lalapit sakany Ellie. She have this bad reputation here in school baka madamay ka pa, just lend it to me and I'll give it to her instead." Inabot ko na lang sakanya yung bag.
"Punta na ko sa classroom ko. Good luck."
"Yeah thanks for this." Seriously? Magiinarte nanaman siya?
"Haist cheer up Belle mas special yung sayo, I added an additional bacon for you and for your hot choco I put an extra milk for that." Dahil sa mga sinabi ko it helps up to lightened her mood.
"Sige na see you Belle." Umalis na ko but I saw her hiding sa likod ng puno.
"Luna." Ang nakangiti kong sabi then lumabas na siya.
"What are you doing there?" Unti unti ay lumapit na siya sakin.
"W–w—well k–kas-"
"Ellie!" Tumingin naman ako sa tumawag sakin na lalaki na hindi ko naman kilala tsss istorbo hindi tuloy natuloy ni Luna yung sasabihin niya.
"A-ano hihintayin kita mamaya sa field may sasabihin ako 4pm!" Pagkasabi nun ay nagtatakbo na yung lalaki, But I don't feel nothing, hindi ako natuwa hindi ko naramdaman na excited ako...
"Ano yung sasabihin mo Luna?" Umiwas siya ng tingin.
"Wala tara na sa classroom." Naglakad na lang kaming dalawa and havang naglalakad kami I hate the attention na binibigay nila sakin, if Lucas is here for sure he make a scene para lang mawala sakin yung atensyon, hindi ko tuloy maiwasan na mangiti habang inaalala yung kabaliwan nung isang yun.
"Napapangiti ka pa diyan mag-isa." Napatingin tuloy ako kay Luna at inalis yung ngiti sa labi ko.
"Wala yun nga pala bakit ka maagang umalis?"
"Ahmmm wala, may dinaanan lang ako."
"Okay I see." Pumasok na kami sa loob ng room naupo lang kami sa isang sulok kami lang dalawa ang magkatabi dahil hindi na kailangan pumasok nila Cici at Belle sa lahat ng klase namin for 1 straight week for their preparation sa nalalapit nilang laban.
Kung sasabihin ko ang mga nangyari sa araw ko wala.
I just end my day like that.
"Luna sabay ka nasakin umuwi?" Ang tanong ko sakanya habang nag-aayos kami ng gamit naming dalawa.
"Di ba may lalaking maghihintay sayo field" shoot! I forgot about him.
"Wala din naman akong balak na kaus-"
"Kahit na wala kang balak na kausapin siya or sagutin sya just go there and kausapin mo siya. Mahirap kumuha ng lakas ng loob para lang magtapat sa isang tao." Okay what's wrong with her? Bakit sobrang big deal naman sakanya?
"O—okay? Magkita na lang tayo sa bahay." Nauna na syang lumabas ng room ako naman ay dumiretso na sa field and I saw him there standing alone.
"E-Ellie nagounta ka." I don't even know his name.
"I know masyado tong mabilis I'm Carlo and I like you, please go out with m-"
"No." I just cut him off.
"Please Ellie." Haist
"Why?"
"Ha anong Why?" Ang nagtataka niyang tanong.
"Why are you asking me for a date?"
"Because I like you."
"Then why do you like me?"
"Because you're beautiful, you're smart and I heard that you also good in sports."
"No. I'm sorry Carlo but I don't have time for this kind of things." Tinalikuran ko na siya at pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse ni papa. 18 na ko I'm in my legal age I have my driver license.
Napasandal ako sa upuan ng kotse ko. Why? Bakit wala akong maramdam sa mga lalaking nagtatapat sakin? Bakit hindi ko maramdaman sakanila yung naramdaman ko nung una kong makita si Luna?
Napabangon agad ako sa pagkakasandal ng matauhan ako ng may kumakatok sa bintana kaya pinagbuksan ko siya.
"Luna?" She just gave me a little smile.
"Pwedeng makisabay?" Napangiti na lang din ako.
"Sure." Dumaan na muna kami sa supermarket para mamili ng ulang mga kailangan namin.
I'm about to ask her if she wants to buy some tea with Mr.Yamamoto pero paglingon ko sakanya ay tulog na sya. Baka napagod sa maghapon?
LUNA
Pagkadaan namin sa super market nagpanggap na lang ako na tulog ako because i know she will ask me if I want to buy some tea with Mr.Yamamoto ewan ko but I feel this unexplainable feelings. Yung gusto ko kasama ko lang si Ellie.
Kaninang umaga pa to eh!
I saw her with Leo, matagal ng nanliligaw sakin si Leo but wala akong maramdaman sakanya kagaya ng naradaman ko nung una kong nakilala si Ellie, and when I saw Ellie with him nakaramdama ako ng selos hindi kay Leo but kay Ellie. I don't know ang sakit lang na makita ko siya na may kasamang iba. I'm about to approach her pero nilapitan naman ako kaagad ni Leo and siya naman ay naglakad na palayo, nagpaalam ako kay Leo nun na may dadaanan pa ko, then I saw her taking with Belle.
She smiled with her.
Tapos eto para kong ewan na pinanood na may nag confess sakanya pero ng nag no siya dito nakaramdam ako ng saya. Hindi dapat ako sasabay sakanya umuwi I don't want to feel the awkwardness with her na ako lang naman ang nakakaramdam. Haist.
"Luna we're here wake up." Bumangon ako and help her na magbitbit ng mga pinamili namin.
"Ellie do you want me to hel-"
"El!!!!!" Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang yumakap sakanya si Belle na amoy alak.
"Belle uminom ka nanaman?" Ang nag-aalalang tanong ni Ellie.
"I'm sorry I tried to stop her but haist-" padabog na binaba ni Cici yung bag ni Belle at lumapit kila Belle and Ellie.
"Ako na magdadala sakanya sa kwarto niya." Cici?
"Okay gagawa na ko ng soup para sayo din." Inakay na ni Cici si Belle papasok sa kwarto niya.
"Cici?! Ehhh! I want my Ellie!" Lasing na talaga siya
"Shut up Orabelle!" Kasunod nun ay ang padabog na pagsara ng pintuan ni Cici sa kwarto ni Belle, pero pamaya maya pa ay sumilip naman si Cici sa pintuan.
"Ellie pahingi ako ng maligamgam na tubig and a towel." Ang utos ni Cici.
"Ako na." Kumuha Ako ng palanggana na mayroong tubig at ng bimpo at tsaka to dinala sa kwarto ni Belle. Nakita ko din na nabihisan na din ni Cici si Belle.
"Thanks Luna." Nakita ko kung gaano kaingat na pinupunasan ni Cici si Belle.
"You like her?" Why I'm asking her, this stupid question? Tumingin siya sa mga mata ko, her cold black eyes.
"Yes I like her, are you jealous?" I knew it she will ask this question. Again.
Sa tuwing may dine-date siyang babae lagi niyang tinatanong kung nagseselos ba ko?
"No." She just put a smirk on her lips.
"I like her, but I love you Luna." Umiwas na ko ng tingin.
"Lalabas lang ako tutulungan ko lang si Ellie." Palabas na sana ko ng kwarto ko ng maramdaman kong bigla na lang akong yakapin ni Cici mula sa likuran ko.
"Please this time choose me like I always did for you Luna" I take a deep sigh, inalis ko yung pagkakayakap niya sakin at tsaka humarap sakanya then hinawakan ko ang pisngi niya.
"Look Cici I love you b-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may bigla na lamang nabasag at paglingon ko it's Ellie.
"S—sorry... Na out of balance sa kamay ko yung s–soup." Ramdam ko na...
"Ellie." Ang tanging nasabi ko na lang palapit na sana ko para tulungan siya.
"No. Luna I can handle this." Tumalikod siya samin bitbit ang mga nabasag niya. .
I just love Cici as my sister, but not the way I love her.
- - -