Gabi na ako ng makauwi ng bahay inaya kasi ako nila Angelie at lyn magmall ngayon tumambay at nanood kami ng sine hindi naman nakakapagod ang buong maghapon at nakakaalis din ng pagod ang isipin nakasama ko sila ngayon dahil namiss din namin ang isa't isa.Pagkatapos magpalit ng damit humarap na ako sa computer ko kaya nabansagan na akong Computer addict. First I check may Friendster account dami kong friend request at nisa isa ko muna ung mga ngpapaadd sakin di kasi ako mahilig magadd ng di ko kakilala kaya filtered lahat pero my isang name akong nakita na familiar sa akin kaya tinignan ko ang profile niya pero failed ako dahil nakaprivate ang account niya pero nakakataka dahil marami kaming mutual friends at halos ang iba ay kaklase ko noon elementary. Inaaccept ko ang friend request niya at dun ko nakita ang lahat ng pictures niya.
Nagulat ako sa nakita ko ang lalaki sa picture na nasa profile niya dalawang beses ko ng tiningnan at hindi ako nagkakamali siya ang seatmate ko noon
My Knight and Shining armor!!
Nakaramdam ako ng pagkagalak matagal kong hindi nakita si kim mula nag magtranfer siya ng school noon grade 4 kami, nalungkot ako noon dahil nalipat ako ng section pero mas nalungkot ako ng malaman kong ngtransfer siya ng school. Siya ang kaklase ko na madalas akong ipagtangol sa mga nambubully sa akin. Lalo na sa nakakainis ko ng kaklase na bading.
Sumimangot ang mukha ko at napatanong sa aking sarili bakit nga ba lapitin ako ng mga bully? Bakit ako na lang Lagi ang nabubully?
Anyways bahala sila basta ang alam ko kahit anong sabihin nila about sayo, Ikaw parin ang mas nakakalala sa sarili mo. Matuto kang mahalin ang sarili at tangapin kung ano ang ako at sino ka dahil lahat ng tao may sariling kapintasan walang perpekto sa mundo.
After checking Kim's profile nagOnline na ako sa YM at nagsign in sa Chatroom.Tulad ng Inaasahan asaran at kulitan nanaman pero wala ang Cross ko.
Opps Cross ko nagclaim ng hindi sa akin ngingiti ngiti habang kausap ang sarili sa isip ko.Dito nagmessage si kuya Grey Back c2c kami ang haba at ang ganda ng hair niya nasabi din niya na model din siya dati hindi ko lang naitanong kung model siya ng ano.
Cute naman si kuya Grey pero siyempre and like ko parin si Cross. Sa tagal naming magkausap may sinabi siyang naging dahilan na nakaramdam ako ng konting kirot sa puso.
BL GreyBack: si Cross trip mo? Alam ko may gf na siya
Huli niyang sinabi bago ako magpapaalam. Ayokong manilawa agad dahil hindi ako ang taong naniniwala agad sa sabi sabi pero paano nga ba kung totoo? Bakit nga ba my konting sakit akong nararamdam ano nga ba kami ni Cross? Gaano ko nga ba siya kilala.
Nagoffile agad ako at hindi na ulit nagOnline nawala ako sa mood na hindi ko alam kung bakit?
Ngoffline agad ako nung gabing un kasi di ako alam kung totoo or hindi I want to find it out by my self.
Inopen ko ang Friendster account ko at tiningnan ko ang account niya pero wala akong nakita malinis, status single. May nakita ako sa right side ng profile niya isa pang account niya kaya madali kong pinuntahan ang isa pang frienster account niya pero nakaprivate naisip ko baka niloloko lang ako ni kuya Grey back.
HAY! Isang buntong hininga ang aking pinakawalan at dahil sa nangyari tinamad akong magOnline sa YM kaya nagpunta na lang ako sa youtube at naisipan kong isearch ang music video ng black listed daming lumabas na mga video medjo nahirapan kong Makita ang video.
Sa wakas nakita ko rin at si Cross nga ang gumawa ng video. Pero since matagal na ang video hindi ako kasali at dahil bago rin ako sa clan. Pinuntahan ko ang account niya sa youtube dun ko nakita na my 2 videos siya ang isa my one and only boo may bagay na pumipigil sa akin na tingnan ang video na un pero dahil sa pagiging curious ko bumulaga sa akin ang katotohanan may girlfriend nga siya. Kitang kita sa video kung gaano niya kamahal ang girlfriend niya but this video was uploaded a year ago pero monthsary nila ngayon kaya ba hindi siya online? Napansin ko sa comment box
Happy anniversary boo.... Konting tiis na lang mabilis naman ang panahon eh...
Nakaramdam ako ng sakit pagkabasa ko ng comment niya, halo halong tanong ang pumasok sa isip ko puro Bakit?
Bakit nga ba nag sweet niya sa akin kung may girlfriend naman siya, bakit nagpapakita siya ng motibo kung ganito nmn pala. Ilang minuto rin akong nakatitig sa computer at sa video ni Cross pero sa kabilang banda nakakaramdam parin ako ng saya para sa kanya.
That's life inside the cyber world you'll never know who's serious or not anyway it's not that painful like Someone I used to fall for.
Hay bitterness...bitterness...bitterness..sambit ko sa aking sarili habang ang aking dalwang kamay nakatakip sa aking mga mukha.
Dahil wala ako sa mood ngayong gabi pinili ko nang ihiga ang aking katawan sa kama ko kahit hindi pa ako inaantok nakatitig sa kisame at nagmumuni-muni.
All I want is to find someone that will show me true love exist in the cyber world. That I can find someone who will truly love me even he came on the other side of the world
May mumunting butil ng luha ang dumaloy sa aking mata pababa sa may aking tenga dahil nakahinga ako. Hinayaan ko lang itong umagos kahit papaano maibsan ang kirot na nararamdaman.