"Kwarto"
Ang bahay namin ay iisa lang ang kwarto. Siksikan kami roon kaya mas ginugusto ko nalang manatili sa sala.
Walang tao ngayon sa bahay kundi ako lang. Nasa sala ako habang nanonood. Natuon ang atensyon ko sa isang katok ng aming pintuan. Inisip ko na sila mama yon. Pag bukas ko, walang kahit sino ang naroon. Wala man lang naiwan kahit anong bakas. Hinayaan ko nalang at bumalik sa loob. Di kalayuan ay namataan kong bukas ang aming kwarto. Napakatagal na din ng panahaon. Hindi ko pa ito nasisilip. Tila akong papasok sa isang kahong walng ilaw na dumadaloy. Ako lang ang nasa bahay. Ngunit tila may humila sa akin papasok ng kwartong iyon. Huli kong nakita ang isang babaeng may puting damit saka ako nawalan ng malay.
"Arcee gising na" bungad saakin ng nanay ko "papasok ka pa" dugtong niya. Nakapagtataka, akoy nsa sofa. Ngunit sa pagkaka alam ko ako ay nasa kwarto. Kumakain na kami ngunit natuon parin ang aking titig sa kwartong iyon. Iba ang pakiramdam ko. Tila may nagmamanman saakin. Pinaspasan ko ang pagkain at saka umalis. Sumakay ako ng jeep. "Manong matagal pa ba?" Bigkas ko. "Puno na po ito hindi pa ba aandar" pasigaw ko kasi late na ako. "Sir pano aalis? Eh ikaw palang nakasakay" "nababaliw kaba?" Bigla niyang sagot. Napalaki ang mga mata ko at nanahimik nalang. Andami naming nadaanan. May nakita pa akong mga nagsasaksakan at tila nanghihingi ng tulong sa akin. Nabaling ang pansin ko sa isang ale. Nagrorosaryo at tila sa akin ang mga panalangin niya. "Patnubayan mo ang lalaking ito. Hindi tama ang mga nakikita niya. Hindi dapat siya nakakaranas ng ganito." Mga sinasabi ng kanyang bibig
Pag baba ko sa jeep. Kasabay siang bumaba. Sinundan nia ako at pawang nawala ako sa pagiisip at nandilim ang paningin. Napunta ako sa kwarto. Kwarto ng aming pamilya. Hindi ko mabuksan ang mga pinto at walang bintana. At narito nanaman ang babaeng nakaputi. Nanghihingi ng tulong. Ngunit may isa pa. May kasama pa kaming lalaki. Tila hindi ako nakikita ng lalaking iyon. At akoy natulala. Ang lalaking yon ay si papa. Ginagahasa niya ang batang babae. "Pa tama na, hindi ito tama. Anak moko" sigaw ng babae. Pilit kong pinipigilan ang lalaki ngunit di ko sia mahawakan. Natuloy ang pagnanais ni papa at iniwan ang bata. Kapatid ko pala siya. Nakatitig sa akin ang bata at umiiyak. "Bakit di mo ako tinulungan?" Bigkas niya kahit nagdurugo na ang bibig. "Hindi na nga magawa ni mama na tulungan ako pati ba naman ikaw" sigaw niya sa akin. Tuloy parin ang pag hiyaw nia hanggang nagising ako sa sofa. Puno ng luha ang aking unan at namimilipit na sakit ng ulo. Tumibgin ako sa kwarto. "Patawad ading". Nadurog ang aking puso at naawa. Hindi pala kumpleto ang aming pamilya.
-end of chapter 1-