Sa dinami rami ng bilin nila mommy at daddy, halos isa lang ata ang nasusunod ko. Ang mag-aral ng mabuti.
Hindi ko nga alam kung paanong hindi pa nakararating sa kanila yung mga pag-uwi ko na inuumaga madalas, yung mga pag-uwi ko ng lasing ng hapon, pagdadala ko ng barkada at nag-iinuman pa kami. Well, ngayon hindi ko na sila nakakasama dahil nalaman kong nakagrupo sila sa isang fraternity at ang baho ng ugali, even their breath and all! Mapapaaga ang tegi ko sa kanila!
Kaya eto mag-isa ako ngayon. Umiinom dito. Saan ba ako natutong uminom? Hindi ko na matandaan. Basta nagulat nalang ako bumibili na ako ng canned beer while crying back when I was just in the 9th grade. I was so broken, no shoulder to lean on, no person to talk to. Just me, so I decided to be friends with this drink called alak.
Mas nakakapag-isip ako ng mahinahon, napapakalma at minsan tumatalino pa. If I can't do my homeworks, I will just drink a glass of beer then in a minute- well it depends how many activities, it is already answered properly. When I have an art project, after a glass, my creativity will come out like it can just only be summoned when I get a drink. I don't know, I just feel it. Ha?
Well, lagi ako dito kaya kilala na rin ako. Simple lang naman itong inuman. Just a long table at the left na nasasakop nun mula sa counter hanggang pinto papuntang restroom. Two circle tables at the front of the videoke, one at the center. Two square tables at the right. May cottages dim sa bandang left ng inuman na ito. Dalawang maliit at tatlong malawak na may maliit na pakwarto at munting lavatory yun sa loob. Open at buho lang ang nagsisilbing dingding dahil wala naman nang ibang bahay malapit dito. A sure place where you can actually chill. Well, the owner is actually a friend of mine. We're not super close but close enough to be called as my friend.
I am alone in this corner. Silently drinking my beer and smoking my menthol cigarette when a girl entered this place and ordered a rhum and a pitcher of juice. I was just watching her pour high shots of rhum at the shot glass and fill the other not-so-tall glass with juice. She straightly drank the rhum. Nalukot pa ng bahagya yung mukha niya sa lasa nun saka uminom ng juice. She looks angry and sad. She look so broken and furious at the same time.
She has black straight hair, a nice nose, almond shaped eye with a not so long but thick lashes. Her lips were pink and has a nice shaped face that suits her other face parts.
Suddenly an arm was already at my shoulders. I looked at the man who owns it and he made his eyebrows move up and down. I got irritated and pissed at the same time kaya kinuha ko yung hintuturo niya at inikot iyon paalis kasama ng braso niya sa balikat ko nang hindi tumatayo.
"What the- OW!" gulat at sakit ang naramdaman niya roon. Huh! That's what you get, you dumbass.
Hinayaan ko lang siyang mamilipit sa sakit na parang hindi ako ang may gawa kung bakit niya ngayon nararamdaman 'yun. Pakialam ko. Bigla ba naman kasi mang-akbay. Tch. Buti nga sa' yo.
Paglingon ko sa harap ay nakita ko yung babae na nakatingin na sa gawi namin. Nalipat ang tingin ko sa bote ng rhum at nakitang medyo marami na ang nabawas doon. Ang bilis huh? Tinungga niya ba yung bote? Goodluck sa headache later ghurl.
Nang medyo nakabawi na siguro siya sa gulat ibinalik niya ang tingin sa sarili niyang bote ng alak at nagsimula nang uminom. Itong baliw na lalaki naman medyo nakarecover na rin sa sakit at saka ulit umupo sa upuan na hindi ko pa namalayang itinabi niya pala sa akin.
"Alam mo miss, bad ka. Nananakit ka ng lalaki."
"So kapag lalaki ang nanakit ng babae okay lang?" he looked at me, amazed.
"That's not what I mean. Well. Uhm you see-"
"Can you just please shut the fuck up? I'm trying to relax here." iritado na talaga ako.
"Well you can chill and relax with me here by your side."
"Yes I can, but with your noisy big mouth? I don't think so." masungit parin na sabi ko.
I heard him chuckle a bit but he didn't bother to talk. Well, his chuckle sounds sexy but hell no, I won't fall and he will never be my crush. Mukhang collector ng barbie 'to eh. Ang gago tumayo, akala ko nga tatantanan na ako pero kumuha lang pala ng beer para sabayan ako.
We just sat there, not talking to each other but I can tell that he is looking at me but I didn't bother to look back. Mahal ang lingon ko, mga isang case pa ng beer.
Nang maubos ko na ang dalawang iniinom ko, tumayo ako para kumuha pa ulit ng dalawa. Nakita ko pang sumunod lang siya ng tingin sa akin pero hindi ko nalang pinansin. Pagbalik ko may dala na akong dalawa pang bote ng beer at isang malaking supot ng junkfood. Kinuha naman nila yung lagayan ng ice at ibinalik na puno na. Nagsalin ako kaagad ng beer sa baso at nahuli na ng maalalang tunaw na pala ang yelo. Well, this won't be that bitter right?
Agad kong nilagok iyon, hindi tinigilan hanggang hindi nauubos ang laman ng baso. Matapos ay naglagay ako yelo sa baso at sinalinan iyon ulit hanggang mapuno.
"Bilis mo namang tumagay miss. Makakalahati ko palang yung sa akin, mababa na sa kalahati yung sa'yo."
"Eh ano naman?" saka lumagok doon, kinalahati ang laman.
"Baka magsisi ka, andito pa naman ako."
"Tapos ka na? Pwede ka nang tumahimik ulit? Ginugulo mo ako eh."
"Well, guguluhin talaga kita."
"Oh please." inis na sabi ko. Nawawalan ng pasensya.
"Yayanigin ko mundo mo at bibigayan kulay."
"Shit. Ano ka lindol? Saka ano ba tingin mo sa buhay ko, coloring book? Excuse me ha, ayaw ko sa lindol kaya layuan mo ako. Pangalawa, hindi black and white ang mundo dahil nakikita ko nga kung anong kulay nitong iniinom at kinakain ko eh. See? So, can just please, PLEASE stop your nonsense words and shut your filthy mouth? I can't relax!"
"Okay, okay! Chill bruh!" itinaas pa niya ang dalawang kamay at saka natawa.
Maya maya pa ay may lumapag na bote ng rhum sa lamesa kasunod ng pitcher. Nalipat ang atensyon ko sa kaniya. Bumalik siya sa lamesa niya at kinuha pa ang shot glass pati ang baso ng juice.
"C-can I join here? As you can see, I'm all alon-"
"Daming satsat. Di ka nalang umupo."
Mukhang napahiya pa siya, napatungo eh. Nagbuntong hininga nalang ako at saka iniusog ang upuang katabi ko sa kanan at itinuro iyon.
"I didn't mean to embarass you. J-just sit. You can join me here. Mag-isa lang din naman ako." nahihiya pang sabinko.
"Mag-isa? Bakit siya hindi mo kasama?" nakaupo na siya ngayon.
"Don't mind this guy." pertaining to this annoying guy on my left.
Nagtatanong lang kami sa isa't isa tungkol sa kung saan, no specific topic. Nakikisabat yung gago pero hindi ko nalang pinapansin, hindi naman ako ang sinasagot, itong babae naman.
"Kanina pa tayo nag-uusap hindi ko pa alam pangalan mo." natatawang sabi niya.
"Neshia Louisse. Just call me Nel nalang."
"Laurel."
"Hannah."
She extended hee hand infront of me when gago held her hand first and had a shake and after him, I did it too. I saw her awkwardness when Laurel did that. I drink at my beer to hide my smile. Natatawa ako.
"Eh bakit ka pala umiinom? Problemado ka?" tanong Hannah.
"Just chillin' may gagawin kasi akong projects mamaya."
"Eh di pano mo magagawa kung uuwi kang lasing?" si Hannah ulit.
"Mas magagawa ko yun kapag nakainom ako. Don't worry." I smiled a little.
"Sana all." si gago.
"Eh ikaw?" tanong ko pabalik.
Natahimik lang siya. Hindi rin ako nagsalita pero ang gago as gago, umepal na binasag yung katahimikan. Gago talaga.
"Nagbreak kayo ng boyfriend mo 'no?"
She smiled bitterly as tears began to be visible in her eyes and then it fell.
"Tarantado eh. Pinagsabay kami nung ex niya. Sabi niya wala na pero ayun at nagbalikan sila without me knowing it. Guess what? Nalaman ko pa nung mismong susuko na ang bataan sa kaniya. Tang ina niya." Napainom siya bigla pagkatapos magsalita.
"Tang ina niya. Sabi niya mahal niya ako. Puta nananahimik ako tapos guguluhin niya buhay ko? Tapos ang sabi pa niya 'Sorry dahil mahal ko parin siya.' gago ba siya? Sabi niya hindi na. Todo deny pa. Tapos malaman laman ko nagkikita na pala sila ulit, na may nangyayari na pala sa kanila? ' umiiyak na sabi dagdag niya ng malunok na niya yung nainom.
Nakikinig lang ako sa mga hinanakit niya habang nagkukwento kung gaano siya namumuhay tahimik ng magulo dahil sa tarantadong ex niya, na kung gaano siya nasaktan. Dami. Hindi ko na nga masundan eh. Inalo ko lang siya ng humagulgol na siya. Hinihimas ko ang likod niya habang si gago ay tahimik at seryoso lang siyang nakikinig.
"Gago talaga siya Hannah. Huwag ka nang umiyak." gulat ako sa sinabi ni Laurel.
Nakita ko kung paano magseryoso ng sobra ang mukha niya. Parang napaligiran siya ng itim ng aura.
"Nagsalita ang hindi gago."
"I always inform them about my intention. Not like this. I will never ever hurt a woman."
Hindi nalang siya pinansin at tinuloy ang pang aalo kay Hannah. Nang mahimasmasan ay nagsorry pa siya pero sinabi kong okay lang.
Bumili pa ako ulit nang maubos namin ang mga iniinom pero ligjt drinks na lang. Nang maubos ay nagpalitan kami ni Hannah ng number bago siya umalis pero nagtaka ako ng iabot din nung gago yung cellphone niya. Nilagpasan ko lang.
"H-hoy sandali!" hinawakan niya yung pulsuhan ko. Napatingin ako doon kaya binitiwan niya rin agad.
"H-hindi ba tayo magpapalitan ng number?"
"Excuse me lang ha? Una hindi kita crush, pangalawa ayokong may lumalandi sa akin sa text, at pangatlo, ayaw ko ng collector."
Yun lang at tinalikuran ko na siya bago ako tumayo at sumunod kay Hannah paalis.