Pagkalabas ng hospital hindi na siya pumasok.
Kaya, tuwing hapon, dinadalaw ko nalang siya sa kanilang bahay,minsan aabutin pa ako ng gabi pag umuwi, bestfriend na talaga ang turing namin sa isa't -isa.
Isang araw natanaw ko naman siyang malungkot.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumunta sa tabi niya.
Hindi niya namalayan ang paglapit ko,
" Anong iniisip mo,? tanong ko.
" Ikaw pala," tipid niyang ngiti sa akin.
"Birthday ko na sa makalawa." sambit niya.
"Yeah, what do you want?malambing na sambit ko.
"Gusto ko maabutan ko pa yung birthday ko para na i-celebrate, kahit yun lang ang last birthday ko" nakangiting bangit niya.
"Don't worry, gusto mo i-celebrate natin yung birthday mo araw-araw.?
Sumang ayon siya sa suhestiyon ko.Mabilis siyang tumango.
Nagtawanan kami.
Halos gabi -gabi andun kami ni Mama sa bahay nila.Doon na kami kumakain may kunting kwentuhan at kulitan. Wala ng mas masaya pa sa araw na yon. Doon mo masaksihan ang malulutong niya tawa at lalo ko siyang makilala ng masinsinan.
2 days before her birthday.
Dapit- hapon. Nakaupo kami sa beranda habang nakatanaw sa papalubog na araw.
"Maraming salamat, talaga.!! ang saya-saya ko." sambit niya habang nagsusubo ng sandwich. Nasa kasalukuyan kaming nagmemeryenda.
" Wala yon, 2 araw nalang birthday mo na!!
" Oo nga!, dami kong gusto, gawin sa araw na yon.
Ngumiti nalang ako sa kanya habang pinagpatuloy ko ang pagkain.
Nababahala ako.
Paano kung sa araw na yun ang huling araw niya dito. Matatanggap ko ba?
Napailing nalang ako.
Hindi ako handang tanggapin ang kung sakaling mangyari iyon.
Ayaw kong isipin yon.