WebNovelTHE NUMB20.59%

seven

The Numb by JeAnnPulido

Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)

Anyways, enjoy the story guys!

*

Chapter 7

Ashley's POV

"Oo naman. Sinong hindi nakakatanda don? Tanga lang nun eh" sagot nung nasa tabi niya

"Tama. Mga gago kaya 'yung mga Black Seal Gang. Bakit? May balita ka na ba sa kanila?" tanong nung isa pa

Nangangati na ang kamay ko. Gusto ko na manuntok.

"Oo. Pumunta daw sila 'dun sa dating headquarters ng Sweet Six Chix" sagot nung nagpasimuno ng convo

"Oh? Yung mga dating lider ng HCP?" tanong nung isa pang lalake

"Oo. Malapit ba naman daw nilang sunugin 'yung HQ ng SSC'x. Buti nalang meron 'yung graduate dito sa PC na kabatch rin nila ate Chesca mismo. Yung nakasama nila sa Inter-school nun na mga lalake. Akalain mo 'yun. Mga gangsters rin pala yun sila" sagot niya

Pumikit na ako pero nanatili paring nakikinig pinaguusapan nila.

Mga gago. Sa lahat ba naman ng pwedeng kalabanin. Tsk

"Ah. Buti naman pala kung ganon. Kung hindi patay talaga 'yung mga gagong 'yun" sabi nung isa

Sinabi mo pa.

"Tama. Sa lahat ba naman ng pwedeng banggain, sila ate Chesca pa" sang-ayon rin nung isa

"Pero may isa pa dapat silang hindi banggain na grupo eh" sabi naman nung nakasalamin sa kanila

"Sino?" tanong nung mga nakikinig

"Sila Ashley" sagot nung nakasalamin sabay tingin sa direksyon namin

Minulat ko na ang mga mata ko saka ko sila tinitigan na para bang sinasabing kong I-don't-give-a-damn' kaya naman napalunok sila kaya naman nginitian ko na sila dahilan kung bakit sila nabigla at talagang nag-blush pa 'yung iba bago sila nagiwas ng tingin.

"Syet! Tumingin siya dito pre! She probably heard the whole conversation!"

"Ang ganda niya talaga! She's seriously like a an angel that came from heaven!"

"Sh*t! Ngumiti siya pre! Suswertehin ako ngayon pre!"

"Oo nga! Nagtama ang mga mata namin!"

Umirap na ako sa pagfa-fanboy nila.

"Anong nangyayari diyan sa likod? Ba't maraming nagi-ingay?" tanong ni Sir

"W-wala po Sir" sagot nung mga lalake

"Okay. Magkakaroon kayo ng early dismissal ngayon para maayos niyo ang mga booths niyo" sabi ni Sir at lumabas na kasabay nang pag "YEHEY!" ng mga classmates ko

Tumayo na ako at kinuha ang bag pack ko.

"Magpapautos nalang ako ng gagawa ng booth para hindi na tayo mahihirapan" sabi ni Alice saka may tinawagan sa cellphone

Sa aming apat, si Alice ang pinaka-mayaman. Sa aming apat, si Kath ang pinaka matalino. Sa aming apat, si Tori ang pinaka-talented.

Ako? Hah, ako lang naman ang leader ng mayaman, matalino at napakatalented na mga babae sa buong balat ng lupa.

"Okay daw. 'Dun daw nila itatayo sa pinakagilid, para malaki raw" sabi ni Alice sabay kuha ng bag niya

"Tara sa labas. Kwek kwek tayo. HOHO~" sabi naman ni Kath sabay apir kay Tori at nauna nang maglakad kaya naman sumunod nalang kami ni Alice

Pagkalampas namin sa gate ng Public Colleges, dumiretso kami sa isang stall. Okay lang naman dun sa guard kung lumabas kaming apat eh.

Aba, kami pa. Baka mabugbog pa namin siya eh.

DE JOKE. Hahahaha. Malakas ang karisma ng mga 'to no. Gustong gusto kami ng mga gwardya.

Alam nilang masarap kumain sa loob pero mas masarap lang talaga sa labas. Hahaha

"Hello po Aling Aneng!" bati ni Tori sa matandang nagpapabili sa labas ng school namin

"Oh, mga iha. Kayo pala. Hali kayo. May mga bagong luto na mga itlog dito" sabi ni Aling Aneng at inayos yung mga upuan na nakapaikot sa isang bilog na table

Umupo kami 'dun saka kami binigyan ni Aling Aneng ng kwek kwek tsaka yung pishbol at tempura ba 'yun?

Sorry, sila Kath lang ang kumakain nun eh. Tinanggal ko yung balat nung itlog. 'Yung color orange. Saka ko kinain yung itlog. Ayoko ng pipino at balat.

"Hay naku, Melody. Hindi ka pa din nagbabago" sabi ni Aling Aneng na nakangiti habang umiiling iling

Nagshrug lang ako at kumain ulit. Melody ang tawag niya sa akin, which is my second name.

Nakakailang nga eh, di kasi kami ganun kaclose. Pero okay nalang. Nililibre niya kami minsan eh.

"Aling Aneng, ano po bang nangyari dyan sa kamay niyo?" tanong ni Alice kaya napatingin kami dun sa kamay ni Aling Aneng

"Ah, ito ba? Nadaplisan lang ng baril mga iha" sagot ni Aling Aneng sabay ngiti

Eh? Nabaril na nga, nagawa pang ngumiti? I don't really get people sometimes.

"Po? Paano po? Bakit? Saan?" tanong ni Tori

"Oa" bulong ko pero narinig niya ata, sinapa ako sa ilalim ng mesa eh

"May mga nang-holdap sa akin sa palengke nung isang araw. Pero nahuli rin naman sila ng mga tanod. Napagbantaan lang ako at natamaan sa kamay ng bala galing dun sa baril ng isa sa kanila" sagot niya at nagluto na ulit

Tsk. People these days..

"Ay. Buti naman po at nahuli sila. Mga walang respeto naman yung mga 'yun" sabi ni Tori at umiiling iling pa

"Oo nga. Dapat po pinalapa muna yun sila sa mga aso namin!" sangayon ni Kath

"Tapos pakainin po ng kwek kwek na niluto niyo na nilagyan namin ng lason!" singit din ni Alice

"Tapos mapapaospital sila"- Kath

"Tapos sasaksakin natin sila kahit saang parte ng katawan nila"- Alice

"Tapos bubuhusan sila ng alchohol para humapdi yung mga sugat"- Kath

"Tapos mamamatay na sila"- Alice

"Pero ihahatid muna natin sila sa impiyerno" - Kath

"I-double kill nalang kaya?"- Alice

Nakatingin lang kami nila Aling Aneng at Tori kina Kath at Alice. Tumatawa pa sila na parang tawa ni Drakula.

It's ridiculously insane really. Nawalan ako ng gana kumain eh.

"The Eff?" tanong ko kaya naman napatigil sila at napatingin sa akin

"Eh?" tanong ni Kath

"Natatakot na" sabi ko sabay turo kay Aling Aneng na halatang natatakot na tumingin sa dalawa dahil nanlalaki ang mga mata niya't hindi siya makapagsalita

"Ay. Ahehe. JOKE LANG PO 'YUN ALING ANENG!" sigaw ni Kath sabay yakap kay Aling Aneng

"Ah. Ahaha. Akala ko ba naman kung ganyan talaga kayo kabrutal. Iba talaga ang henerasyon ng mga kabataan ngayon" sabi ni Aling Aneng at niyakap rin si Kath

"Group hug!" sigaw ni Tori sabay hila sa amin ni Alice kaya naman sinamaan ko siyang tingin kaya naman nilampasan niya lang ako at nagyakapan na nga sila kasama si Aling Aneng na tumatawa tawa nalang kahit hindi na makahinga sa GROUP HUG nila Kath.

Hays. If you only knew, Aling Aneng.

Gagawin po talaga nila 'yun kung may chance lang sila.