WebNovelTHE NUMB61.76%

twenty-one

The Numb by JeAnnPulido

Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)

Anyways, enjoy the story guys!

*

Chapter 21

Alice's POV

The day has come.

Ilalabas na nila ang mga result sa examination na naganap nung araw na meron kaming mission.

Makabanas nga dahil hindi ako masyadong nakapag-study dahil doon sa kasong hinahawakan namin ngayon.

Nagiging mas maingat na kami ngayon. Tatlong gang ang nagtutulungan para lang mapatumba kami. At ang nakakainis pa, hindi man lang namin alam ang dahilan. Well, except for the most possible reason: the Royalties.

And the thing that is really bothering me, why are the Black Ninjas, Saturno troop, and Famiglia gang fighting against us? Ganito na ba talaga silang kawalang tiwala sa mga kakayahan nila na pumunta pa sa puntong papasabugin pa nila ang bagong tirahan ni Ashley at para makasisigurado silang mamamatay talaga kami para wala nang maging hindrance pa?

Kung ganon, magiging malaking storbo lang sila sa bawat mission na magagana sa ngayon. Ang mission nga pala naman noon ay bawiin ang mga ninakaw nung mga magnanakaw at hatulan sila ng kasong robbery.

Ang agency kasi na sinalihan namin ay isang agecy specially for gangsters who wants to help the government to solve crimes. Ang pangalan ng Agency ay J, J Agency.

"Miss Dwyer, you got the highest score. Congratulations" sabi ni Ma'am na parang nagdadalawang isip pang ibigay kay Kath 'yung test paper niya

As expected of Kath! Siya ang sunod na pinakamatalino kay Ashley sa aming apat eh! Kahit hindi na siya mag-study, masasagutan niya parin ang mga katanungan sa kahit anong klasing test. AHAHA ^.^

"OMG. How could that possibly be true?"

"Ikr. Ang alam ko, hindi lang sila mga walang modo pero mga bobo rin sila"

"'Yan rin nga ang alam ko eh"

"Maybe, she cheated"

Peste kayo. Lagot kayo kay Kath mamaya. t(-.-t)

"Don't worry about it, Kath. Mga insecure lang sila" sabi naman ni Tori kay Kath

"I know. Hindi mo naman kailangan sabihin, sissy. Atsaka imposibleng hindi sila maiingit eh, 96 over 100 ang score ko?" aniya na para banag pinaparinggan niya pa 'yung mga babaeng pinaguusapan siya kanina dahilan kung bakit nasira ang mga mukha nila't nagsibulungan ulit

"Well done" pahabol niya pa saka nagbigay pa ng iba pang mga test papers sa iba pa naming classmates

"So, since karamihan naman ay nakapasa. Valid ang examination. Hindi na tayo magkakaroon ng retest at makakapagconcentrate na lang kayo sa project niyo for this month"

For this month? Does she mean every month may project dito? Sa Public Colleges wala namang ganito ganito ah! Gosh, they're going to kill us with stress men!

"Your projects will be easy. Magkakaroon kayo ng half day na walang class para lang gawin ang mga projects niyo. And it's to paint a family picture. Your family picture, to be clear"

Napakunot naman noo ko. Painting my family's a piece of cake pero 'tong sila Kath, Tori at Ashley paniguradong mahirap to para sa kanila.

"And what if we don't have one?" napatingin naman ako sa likod ko, it's Ian

"Hoy, Ian, 'wag ka ngang bastos. Buhay pa sila tita't tito" rinig kong bulong ni Wayne

"I know and besides, maraming gustong itanong to" sagot niya tapos napatingin siya bigla sa akin dahilan kung bakit ako napatitig sakanya

Did.. did he just read my mind?

Lumukso ang puso ko nung bigla niya akong ngitian dahilan kung bakit tinaasan ko siya ng kilay saka inirapan. Hindi naman pala ikaw yung nasa posisyon tapos ikaw pa ang may ganang tumanong? Tss.

Anyways, he has pogi points for asking that question.

"Well, we all have families. So, kahit wala na sila pwede niyo parin silang i-paint. Wala namang mawawala eh. It's just for the project and for your grades. I guess it's settled. Dismiss" nagsitayuan na kami saka lumabas ng room

"Saan tayo ngayon?" tanong ni Tori

"Ewan. Ikaw, Alice?" tanong din ni Kath sa akin kaya naman napatingin ako kay Ashley

Pasapasahan nanaman people. Hahaha

"Asan, Ash?" tanong ko dahilan kung bakit kumunot ang noo niya saka kami Inilingan at naglabas ng car keys.

"Cutting" sagot niya kaya naman nagsigawan kami

That's right!

Mage-enjoy muna kami at hindi nalang muna pansinin yung problema sa agency at dito sa Academy.

*

Hannah's POV

"You stupid fools!" rinig kong sigaw ng isang babaeng malamig na malamig ang boses dahilan kung bakit panandaliang tumaas ang balahibo ko

"P-pasensya na po, mist--"

Nagulat naman ako ng nakarinig ako ng isang malakas na palo at ubo. Pinapalo ba nung babaeng malamig ang boses 'yung babaeng sumagot?

"Mga bata lang 'yung mga 'yon! You piece of trash! This should be a piece of cake to you guys! F*cking useless" sigaw ulit nung babaeng malamig ang boses dahilan kung bakit ko na tinignan ko na ang mga kasama ko

"Hannah, do you think we're allowed to be here?" napatingin naman ako kay Sue, ang isa sa mga partner ko sa mga missions

"Duh. Even though we're working as amateur undercover agents, gangsters parin tayo and that's the only thing required for you to be able to be here" sagot ni Reah

"Hindi 'yun. I mean, here as in here in front of that noisy room?" patanong na sagot naman ni Sue

"Shh" sabi naman ni Dianne

Sue, Reah and Dianne. Sila 'yung mga kasama ko sa missions na ibinibigay sa amin ng agency.

Ang minimum kasi ay 2 at maximum ay 4 kaya naman hindi na ako nakasali sa group nila Ashley. Pero paminsan minsan naman, nagtutulungan kami.

Nandito nga pala kami ngayon sa auditorium ng WOG, ang lugar kung saan madalas ginagawa ang mga gang fights sa World of Gangsters. Nandito kami kasi kami ang inutusang magbantay kung meron bang mga taong suspicious sa WOG.

And literally, halos lahat ng mga tao dito suspicious. 'Lalo na tong naririnig naming mga boses sa tabing kwarto ng comfort room for girls.

"Bullshits! I've wasted money for you to buy these stupid women! Tsk! This will be your last chance and if you failed---"

Hanggang doon nalang yung narinig namin kaya naman hindi ko nalang pinansin. Ganun naman rin kasi parati eh. Papatay. Bubugbog. Suntok. Sipa. Palo at marami pang iba.

Ganyan ang buhay ng mga gangsters. Fighting is our nature. Nasa pinakatuktok ng mga vocabulary nila 'yan. Okay, namin nalang nga.

"About nga pala doon sa kasong na-halt ng 'di inaasahang sinasabi mo, Reah. What happened?" tanong ni Sue kay Reah na busy nagne-nail polish

"Hmm. It's the ambush case, dear" sagot niya

"Ambush? Kailan ba 'yun nangyari?" tanong ni Dianne

"Yesterday" casual na sagot ni Reah kaya naman napaisip ako

Ambush? Ngayon lang 'yan nangyari ah. How were they ambushed?

"Tungkol saan ba 'yung kaso? Tsaka sigurado ka bang ambush 'yon?" tanong ko

"I don't know. Basta ang alam ko hindi nagnakaw ang mga suspect non, it's either they planned to ambush the gang who were given a mission there or napalaban lang talaga sila" sagot niya

"Teka, sino bang naka-asign na gang doon?" tanong ni Dianne

"The honorable Anonymous Gang" sagot ni Sue habang nagtataas at baba ang kanang kilay niya dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ko

The honorable Anonymous Gang? Ang gang nila Ashley?

Magsasalita na sana ako pero agad ding napatingin dun sa katabing kwarto ng comfort room for girls dahilan biglang bumukas 'yung pinto ng pagkalakas lakas at lumabas ang isang grupo ng mga babaeng duguan at may dala dalang mga bag.

"Hell. Para silang mga zombies. Ang kakapal pa talaga ng mga make up" sabi ni Reah pero hindi ko siya pinansin ang inakaso ko lang ay ang paghahanap dun sa babaeng boss nila na malamig ang boses

Nang makalabas na yung huling babae, pinatay niya yung ilaw saka sinara yung pinto.

Ha? So, where's the leader?

"Saan ang leader nila? Ay teka, tatawagan ko pa pala sila First" agad kong denial si Ashley at mga ilang segundo rin naman ay sinagot niya na

Ang lakas ng tugtog. Nako, nagpaparty nanaman ba 'tong babaeng 'to?

"Hi, Hannah! Nasa party nga pala kami ngayon, tamad daw magsalita si Ash kaya ako nalang muna ang kakausap sayo" napangiti nalang ako sa pagiging cheerful ng babaeng kausap ko sa kabilang linya. It's Tori.

Wow, dati si Alice ngayon si Tori? Si Kath nanaman ba sa sunod?

"Fourth, it's fine if you're the one to answer the call. I just want to ask First something because I heard about the ambush just now" sagot ko

"Oh" hinihintay ko kung may kasunod pa pero wala na pala, 'yun lang ang natatanging saot niya sa katanungan ko

Mukhang may nangyari nga.

"May masama bang nangyari?" tanong ko pero agad niya akong tinawanan

"We're fine, nothing serious happened, Han. And besides, hindi naman talaga 'yun ambush. Inatake lang nila kami habang hinahabol namin sila kaya self defense ang tawag dun. Pero syempre, ano nga bang maaasahan mo na sasabihin ng agency? Kinalat ba naman nilang in-ambush ang Anonymous Gang"

"I didn't actually ask an explaination pero okay na. I'm at ease. Are you all safe and secured now?" tanong ko

"Yep. Considering that we're partying like there's no tomorrow now, we're perfectly fine" sagot niya kaya naman natawa ako

"You should be, you're the honorable and invincible Anonymous Gang after all"