WebNovelTHE NUMB70.59%

twenty-four

The Numb by JeAnnPulido

Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)

Anyways, enjoy the story guys!

*

Chapter 24

Ian's POV

Natigilan ako sa iniisip ko't agad na napaubo saka iniwas ang tingin ko.

"Asan nga pala 'yung mga kaibigan mo? Ang alam ko pa naman hindi kayo mapaghiwalay eh. It's weird not seeing those three with you" sabi ko dahilan kung bakit siya ngumiti kaagad

She must love her friends, eh? Isang banggit lang ng kaibigan, napangiti na siya kaagad

"It's not like we share the same body, you know. May kanya kanya kaming mga buhay kaya naman hindi na kailangang magkakasama kami parati" sagot niya kaya naman tumango tango ako

"You have a point there. Ilang years na ba kayong magkakaibigan?" tanong ko

"Since we were kids"

"Really? Coincidence lang ba?"

"It's fate" sagot niya't nginisian ako

Damn. Another sudden attack.

I'm worried my heart wouldn't be able to recover from all these attacks! It's seriously not fair!

"Fate?" tanong ko habang pinipigilan kong ngumiti dulot sa kakaibang karismang pinapakita niya sa akin

Binuksan niya naman ang bunganga niya para magsalita pero agad niya rin itong isinara't tinignan ako ng matalim.

"Are you interrogating me and my friends? What are you? Who are you? A part of some kind of an organization or something?" sunod sunod niyang tanong kaya naman napahalakhak ako

"Hindi ba't parang ikaw pa tong nagi-interrogate kaysa sa akin?" tanong ko pabalik kaya naman umayos siya ng upo sa bench na kaharap ko

"Whatever your reason may be, it's fate who brought us together. We have tons of reasons in living in this suicidal yet beautiful world. Always remember that" sabi niya kaya naman napangiti nalang ako

That must have been great for a long time.

Pero dahil kasali nga sila sa mga candidate ng mga mamumuno sa Public Colleges, ewan ko nalang kung marami pang rason ang pagkakaibigan nila.

"Ate Alice, pumasok na raw po kayo sabi ni Tita Luci" napatingin naman kami doon sa nagsalita, siya si Nera, siya 'yung isa sa mga pinsan ni Alice na sinama in case na kung hindi si Alice ang napili ko, pwede siya sa choice.

"Okay" sagot naman ni Alice saka ako tinignan kaya naman umayos ako ng tayo

Nag-bow ako ng konti at inilahad ang kamay ko patungo sa restaurant.

"After you, milady" sabi ko dahilan kung bakit siya natawa

"Konting pogi points lang ang dagdag nan no" sagot niya at nauna nang maglakad kaya naman natawa nalang ako

Magye-yes na sana ako pero tinignan ko kaagad si Nera dahil maramdaman ko ang matalim niyang tingin na tila bang may gusto siyang hanapin sa ekspresyon ko. Iba ang tingin ng batang 'to ah?

Wala siyang ka ekspre-ekspresyon. Kumbaga, walang emosyon ang mga mata niya. Para siyang batang version ni Ashley. But just a bit normal looking.

"Ian or whatever, make sure you won't lay a finger on Alice" aniya saka ako tinitigan ng ilang minuto bago siya tumakbo papunta sa loob ng restaurant

Kahit naguguluhan ako sa sinabi niya ay nag-shrug nalang ako't sumunod nalang. Puno talaga ng mga psycho-path ang mundo.

May balak pa ata ang batang 'to na guluhin ang magandang plano ko para sa love life ko. Tsk

"Mauna na kami, okay? Kean, Ian, I expect greater things from you guys, okay?" tanong ni Tita Luci kaya naman tumango ako

"Of course, Tita Luci! See ya" paalam ni Kean kaya naman nag-bow nalang ako kay Tita

Feeling close ang mokong.

"Tita, kapag may nagustuhan na ako, ite-text nalang kita, okay?" pahabol naman ni Kean kaya naman natawa si Tita Luci at napailing nalang ako

"Okay, dear. Until we meet again" nagulat naman ako nang bigla akong sinilip ni Tita Luci at nginitian.

What's that supposed to mean?

*

Alice's POV

Napatitig ako sa wine glass na hawak hawak ko.

My heart's still wavering.

"Hoy! Ano ba! Aliceeeee!" sigaw ni Kath kaya naman pasimple ko siyang tinignan na para bang bored ako masyado

"Ano?" tanong ko

"I'm so curious now, I could die! Ano na? Anong nangyari? Sinong fiance mo?" tanong niya kaya naman napakunot ang noo ko dahil bumilis nanaman ang tibok ng puso ko't natulala nanaman ako sa walang hanggan

"It's unbelievable. It's fate," bulong ko

*

Ashley's POV

Napangisi ako nang marinig ko 'yung binulong ni Alice pero dahil malayo layo sila Kath at Tori sakanya ay napakunot ang mga noo nila nang bumulong siya dahil hindi nila narinig.

"Ha? Ano? Anong sabi mo?" tanong ni Kath

"Anong sabi niya, Ash?" tanong naman ni Tori kaya naman nag-shrug nalang ako

It's better not to say that someone's probably in love. She herself knows that it's cliche so she probably won't admit it and tell them yet.

Nang biglang napangiti si Alice at natawa ay napabugtong hininga nalang 'yung dalawa't tumungo na sa dance floor. Natanggap na ata nilang wala sa sarili 'yung kinukulit nila kaya naman binaling nalang nila ang atensyon nila sa dance floor and well.. nagpaka-wala nanaman dun.

"Alice," tawag ko kay Alice kaya naman agad niya akong tinignan

"Hmm?"

"You seem satisfied about the engagement. Congratulations," sagot ko dahilan kung bakit siya nag-blush

"Well, I planned to make a fool of myself at the meeting because I didn't want to marry someone I don't know and I don't have feelings for. But knowing that he was my fiance, I never even hesitated to stay polite and stay pretty. I was acting differently like how I did at school. He was shocked to see me in my normal state. His reaction.. was kind of cute" sagot niya kaya naman napangiti nalang ako saka siya pinat sa ulo niya

"He's probably as satisfied as you are. He'd be a fool to not know how lovely you are inside and out," sagot ko dahilan kung bakit siya natawa

"Well, he's more lovely inside and out than I am. I don't know how to explain everything to you guys but.. I think I'd fight for this arrangement," sagot niya kaya naman tumango tango nalang ako

"Just tell us all about what happened when you've collected your thoughts and feelings. Don't worry about those two, just tell us whenever you're ready," sagot ko

"Thanks, Ash" sagot niya saka siya huminga ng malalim saka ngumiti