CHAPTER XV. Commander's Strike back
ANG MGA kumandante ay nahati sa dalawang pangkat ang isa ay nagtungo kung saan naroroon ang magkakapatid na beastman. Ang isa namang pangkat ay nakaharap ngayon sa binatilyo na may siyam na buntot. Makikita sa mukha ng binatilyo ang mala demonyo nitong ngiti na mas ikina-inis ng babaeng komandante na kabilang sa pangkat na iyun.
Ang mga mandirigma naman ay agad kumilos at pinalibutan ang binata. Lahat sila ay may ibat ibang sandata. May espada, sibat, palakol at maliit na patalim. Mayroon din sa kanila ang may gamit na panangga o Shield na kanilang pang depensa.
Ang tatlong kumandante ay nasa tatlong sulok ng pwesto ng binata. Nag hahanda sila ng Formation laban sa binatilyong pumaslang ng marami nilang kasamahan. Ang Tatlong kumandante ay inilabas ang kanilang malakas na enerhiya.
Ang mga ito ay mga pawang 8th level Angel Rank. Sa kabila ng kanilang enerhiya ang kanilang ginagamit ay hindi pa ang kanilang buong lakas. Susubukan nila kung hanggang saan ang kanilang makakaya lamang sa binatilyo na may Siyam na buntot.
Ang babae na isa sa mga kumandante ay si Chrisha Abillion Furtugius siya ay mayroong berdeng mga mata at puting buhok na hanggang bewang. Ang babaeng ito ay naglalabas ng kulay puting enerhiya na simbolo na ito ay isang angel rank.
Ganun din ang ginawa ng dalawa pang kumandante, inilabas nila ang kanilang mga enerhiya. Kumalat iyun sa paligid ng binatilyo na ngayon ay mahinahon na nakatingin sa babaeng nasa harapan niya mismo. Pinag mamasdan niya ang dalaga na tila kinikilatis kung anong uri ito.
"Isang elves'. Sabi ng binata at pumasok sa kaniyang isipan ang impormasyon sa lahing ito. Ilang sandali lang ay lumabas na ang impormasyon mula sa system. Ang babaeng nasa harapan niya ay isang uri ng elven na mas mataas sa mga normal na elves.
Ang babaeng ito ay isang "High Elf". Ang isang high elf ay mayroong mas mataas na kalidad ng Mana. At malalakas na mahika na mas mataas pa ito sa kalidad na ginagamit ng mga tao. Ang high elf ay hindi basta bastang nilalang dahil sila ang klase ng mga nilalang na hindi mo gugustuhin na makalaban.
Karamihan sa mga High Elf ay gumagamit ng dalawang elemento. Ang elemento ng Hangin at elemento ng liwanag. At eksperto sa larangan ng pakikipaglaban sa malapitan at malayuan. May lakas rin silang pandama na mas mataas sa pandama ng mga ordinaryong nilalang.
Nag simula nang ilabas ng tatlong kumandante ang kanilang kaniya kaniyang sandata. Si binibining Chrisha ay may inilabas sa kaniya suot na singsing na isang malaking pana. Ang panang ito ay naglalabas ng berdeng Aura. Ganun pa man ang kalidad ng enerhiya ng sandata niya ay Top-tier Angelic Armament.
Tama!. Ang sandata ni Chrisha ay isang Top-tier Angelic Armament at higit sa lahat ang sandata ni Chrisha ay nagtataglay ng elemento ng hangin at sariling skill na kaakibat ng taglay nitong elemento.
Sa kaliwa pwesto naman ni Zuki makikita ang isang kumandante namay asul na buhok at may asul na mga mata. Medyo natawa siya sa itsura ng buhok nito. Sapagkat ang buhok nito ay naka tirintas sa gitna ng nuo nito na umaabot sa baba nito.
Ang kumandante na ito ay si Zellon Silvago. Si Zellon ay nag lalabas ng asul na aura. At ang kalidad ng kaniyang enerhiya ay 8th level angel rank. Mayroon itong sandata na kung tawagin ay Grimoire. Ang grimoire ay ginagamit ng mga wizard.
Tama si Zellon ay isang Wizard. At ang asul na aura nito ay aura ng taglay nitong elemento. Ang elemento ng tubig. Ang mga wizard ay magaling sa larangan ng mahika. Ang sandata nito ang Grimoire ay ang naglalaman ng ibat-ibang spell na naka sulat sa bawat pahina nito.
Ang mga wizard ay ang mga tao na nagtataglay ng mana na pundasyon ng mahika. At ang mga tao na mayroong mana ay matatawag na bilang wizard. At base sa aura na nakapalibot kay Zellon ang kaniyang tinataglay na mahika ay nakadepende sa kung ano ang elemento na tinataglay niya.
Sa kanan naman ni Zuki makikita naman ang isang lalake na mayroong malaking katawan. Kapansin pasin sa katawan nito ang kaibahan sa mga naroroon. Sapagkat ang lalakeng ito ay mayroong makapal na balahibo sa kaniyang katawan. Ang kulay ng buhok nito ay kulay dilaw at ang mga mata nito ay kawangis ng mata ng isang tigre.
At ang aura na bumabalot dito ay Violet Aura. At ang aura nito ay may hugis na sinusunod ito ay hugis ng isang mabangis na Tigre. Ang lalakeng ito ay walang iba kundi si Keros. At sa impormasyon na binigay ng system ay ang lalakeng ito ay isang beastman na napapaloob sa anyo ng mabangis na hayop sa kahit anong Realm ang Tigre.
Nakaramdam ng kasayahan si Zuki sa kaniyang mga makakalaban. Isang Elves, isang Wizard at isang Beastman at dalawangpung mandirigma. Doon nga ay ngumiti ang binata at ang kaniyang espada ay kaniyang inilabas mula sa kaniyang interspatial ring.
At doon ay inilabas niya ang isang katana na nakalagay sa isang itim na lagayan. At makikita ang itim nitong hawakan na makikitaan agad ng pagkinang. Napa-alerto naman ang tatlong kumandante ng Makita nila ang paglalabas ng binata ng sandata.
Hindi sila pwedeng magkamali. Ang kalidad ng espada ng binata. Isa itong Demonic Armament. Hinawakan ng binata ang kaniyang katana. Inihanda ng mga mandirigma ang kanilang mga sarili. Ang iba naman na mga mandirigma ay ipina alala nila ang kakayahan ng mga buntot ng binata.
Mayroon itong kakayahan na umatake at dumepensa ng sabay. Nang malaman naman iyun ng ibang mandirigma ay napa higpit sila ng kapit sa kanilang mga sandata. Kakayahan na umatake at dumepensa sa parehong pagkakataon.
Si Chrisha naman ay napa ngiti ng mapait ng marinig ang babala ng ibang mga mandirigma. Hindi niya akalain na may ganoong uri ng sandata ang binatang ito. At napansin niya kanina na ang siyam na buntot lang nito ang nakalabas.
Ibig sabihin ay ito lamang ang ginamit ng binata laban sa kanilang mga mandirigma. At higit sa lahat may pag mamay-ari itong Demonic Armament. na sa kanilang pagkaka alam ay ang kanilang heneral lamang ang mayroon.
Ganun pa man hindi natinag si Chrisha sa kaniyang hangarin, at ito ay paslangin ang binatilyo na may siyam na buntot. Samantala sa lugar naman kung nasaan ang mag kakapatid na beastman ay dumating na ang tatlong kumandante at dalawangpu nitong mga mandirigma.
Si munting Ophir nga'y nagulat nang magtungo sa kanilang kinaroroonan ang mga kalaban. Agad siyang bumalik sa pwesto kung saan naroroon si Alena, ganun din naman ang ginawa ni Recon. Sa ngayon ay nasa Gitnang bahagi si Alena at nasa magkabilang bahagi naman sila Recon at Ophir.
Ito ang kanilang formation. Ang formation nila sa pamamagitan ng lakas at bilis ni Recon at Munting Ophir at ang pulidong depensa at opensa ni Alena. Silang tatlo laban sa mga dumating na mga kalaban. Sa lugar naman kung saan naroroon sila Estevan at Drebon. Sila ay naghahanda para pag salakay sa ikatlong palapag.
Sila ang magsisilbing reinforcement nila Zuki, Clemson, Ophir, Recon at Alena. Ito ang nakapaloob sa kanilang plano sa pag salakay. Naunang magtungo sa ikatlong palapag ang mga ito upang alamin ang kakayahan ng kanilang mga kalaban.
At kanina nga ay nakatanggap sila ng hudyat ng kanilang pag kilos. Ang kanilang hukbo ay handa ng lumaban. Ang mga elven ay pinamumunuan ni Drebon at ang mga Elves naman ay Pinamumunuan naman ni Feiya.
Ang mag-amang Ymrio ang namuno sa dalawang pangkat ng mga elf. Ang mga kalalakihan na tinatawag na Elvens at ang mga kababaihan na tinatawag naman na Elves. Ang matinding labanan ay paparating palang sa ikatlong palapag.
Sa ikatlong palapag naman kung saan naroroon ang heneral na si Grim Blackburn ay kasalukuyang binabagtas ang daanan patungo sa labanan. Ngunit habang siya'y lumilipad ay naramdaman niya ang enerhiyang papalapit sa kaniya at pamilyar sa kaniya ang enerhiya nito.
Ilang saglit nga lumipas ay nakita niya ang pinag mumulan ng enerhiya.at ito ay walang iba kundi si Reiss Hovier. Ang pinaka-mahina niyang kumandante sa kasalukuyan. Mababakas sa labi ni Grim ang pag guhit ng isang ngiti.
Ang nararamdaman niyang enerhiya mula kay Reiss ay dahan dahan na tumataas. Ang ranggo ni Reiss ay malapit ng tumaas. Nararamdaman ni Grim ang matinding pag hihinagpis ni Reiss at tila ba batid na niya kung bakit.
Sapagkat naramdaman niya ang paglalaho ng enerhiya ng isa sa mga tapat niyang tauhan. Patay na si Razor Scavenger ang isa sa mga magagaling niyang kumandante ay tinalo ng isang misteryosong lalake. Gusto niyang malaman ang kakayahan ng lalakeng pumaslang sa kaniyang alagad. Ngunit nakuha ni Reiss ang kaniyang interest. Sapagkat sa ngayon ay tumaas na ang ranggo ni Reiss.
Ang isa sa kaniyang mga kumandante ay nagawang itaas ang kaniyang ranggo dahil sa sobrang pag hihinagpis. Nakuha ni Reiss ang atensyon ng kanilang heneral. Dahil ang kanilang heneral ay mayroong pambihirang kakayahan. Ang tuparin ang kahit anong naisin ng kaniyang mga alagad.
Sa pamamagitan ng kaniyang itim na kapangyarihan ay magagawa niyang palakasin ng higit sa inaasahan ng kaniyang mga alagad at ngayon niya na ito nais subukan.kay Binibining Reiss Hovier.
Sa lugar naman kung saan nagaganap ang sunod sunod na pag sabog. Nagsimula na ang matinding labanan ng mga kumandante laban sa kani kanilang kalaban. Ang tatlong magkakapatid na beastman ay mabilis na pinabagsak ang mga mandirigma na kasama ng tatlong kumandante.
At dahil iyun sa mahigpit na depensa ni Alena. Nagulat nga ang tatlong kumandante ng kanilang masaksihan ang husay sa pakikipag laban ng tatlong beastman. At isa pa ay naaalarma sila sa mga sinulit na kinukontrol ng babaeng beastman.
Hindi sila makalapit dahil sa mahigpit nitong depensa. At ngayon lang nila nalaman na may ganitong uri palang sandata. At sinulid na kayang dumepensa at umatake. Isang delikadong armas na hindi maaaring balewalain.
Samantala si Zuki naman ay nakikipag laban ngayon sa tatlong kumandante. At gaya ng ginawa ng tatlong bata ay napatumba na niya ang mga kasamang mandirigma ng mga kumandante. Kasalukuyan nga siyang pina uulanan ng mga atake nila Chrisha, Zellon at Keros.
Si Chrisha ay pinapa-ulanan siya ng mga 'Wind Arrows' na nagtataglay ng elemento ng hangin. Ang skill na ito ng dalaga ay hindi basta bastang wind arrow. Sapagkat ang mga ito ay may kaakibat na bilis na hindi kayang iwasan ng kahit na sino.
Si Zellon naman ay umaatake gamit ang iba't ibang water magic. Siya'y humahanga sa mga atake nito. Lalo na ang magic nito na gumagawa ng atake na may malawak na kapasidad. Ang Water Creation Magic: Aqua Spider Ray. na nagpapakawala ng tila sapot ng gagamba na gawa sa tubig. Ang mahika nga ay may malawak na gampanin sa bawat adventurer.
At si Keros naman na inaatake siya sa malapitang labanan. Bilib na bilib siya sa angkin nitong lakas at bilis. Marahil kung isa siyang simpleng nilalang ay kanina pa siya natalo ng mga ito. Hinigpitan niya ang kaniyang hawak sa kaniyang katana.
At ang kaniyang katawan ay nababalutan ng pulang aura. Ang kaniyang Siyam na Kagune ay naglaho na. at ang kaniyang mata ay nagbalik na sa dati. Subalit ang atmospera sa paligid ay mas bumigat. Hanggang sa ang pulang Aura na inilalabas niya ay may nabuong imahe ng dragon.
Dragon Flash Technique: 1st skill Dragon Hammer Flash! Mahinang sambit ng binata at ang kaniyang kinatatayuan ay biglang nagkabitak bitak. Ang imahe ng Dragon sa kaniyang likuran ay mas nagliwanag. At espada niya ay nabalutan ng pulang enerhiya. Ang atakeng gagawin ni Zuki ay isa sa Apat na Samurai technique na regalo ni Goddess Selene ang Dragon Flash Technique.
Ito tikman niyo!!! Sigaw ni Zuki at inihanda ng tatlong kumandante ang kanilang mga sarili. Nagsama sama sa isang pwesto ang tatlo. Nagpalabas ng water barrier si Zellon at nagpalabas naman ng Violet na Kalasag si Keros upang dumepensa.
Pinakawalan ni Zuki ang kaniyang atake at mabilis na tumama ang napaka rahas na enerhiya sa tatlong kumandante.
BOOOM!!!!!! Isang malakas na pagsabog ang naganap. Napalingon sa lugar na iyun ang tatlong mag kakapatid na beastman at ang tatlong kumandante. Napanganga sila ng maramdaman nila ang tindi ng atake na pinakawalan ng misteryosong binata.
Sa paglipas ng pagsabog ay makikita ang makapal na usok na nilikha nito. Nakatingin si Zuki sa gitna ng usok. Nararamdaman niya na nagawang makaligtas ng tatlo sa ginawa niyang atake. Ilang sandali pa ng biglang tatlong malalaking palaso na gawa sa hangin ang mabilis na tumutungo sa kaniya.
Inihanda niya ang kaniyang sarili. BANG!!!! BANG!!!! BANG!!!! Tatlong sunod sunod na pagtama ng atake ang tinanggap niya. Nahawi ang usok mula sa pwesto ng tatlong kumandante. Makikita ang mga ngisi sa kanilang mga labi. Isang direktang atake ang tinanggap ng kanilang kalaban na nagmula kay Chrisha Abillion Furtugius…