Chapter 2 I Lay My Love on You

It's morning sunshine!

Magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman ko pagka-gising palang ng umaga dahil ngayon ang unang araw ko bilang senior. Agad akong naligo at nagbihis para i-text si Lou para magkita sa gate ng school. Hello! University of La Sattel.

Lou: Saan ka na?

I know she's really excited too. Bumaba na ako at nadatnan sina mama at papa sa dining table na kumakain.

Me: Sa bahay palang, wait me there kung nandiyan ka na.

I smiled to my parents at umikot sa harapan nila para ipakita ang bagong suot na uniform.

"Bagay po ba?" natutuwa kong tanong. "Maganda po ba ako ngayon?"

Tumawa naman si papa at ibinaba ang news paper na hawak.

"Oo naman anak. You look like college na" si mama ang sumagot.

Our uniform is white blouse na hanggang elbow ang manggas at ang palda naman dark blue at hanggang below knee. Ang neck tie naman ay naayon sa kung strand mo. My neck tie is dark blue and white for HUMSS. I'll assure bagay na bagay din kay Lou ang uniform.

"Papasok na po ako mama, papa!" Humalik ako sa pisngi nila at hindi parin mawala ang ngiti sa labi ko.

Gosh! I'm so excited.

"Hindi ka pa kumakain anak!" Saway na papa. Tumatawa akong binalingan siya at niyakap sa likod.

"Papa! First day of school ko sa senior. Pagbigyan mo na ako please! Promise kakain po ako sa canteen kasama si Lou" paglalambing ko.

He sigh and nod. Wala siyang nagawa kundi pagbigyan ako. Duh! Iisa lang akong anak niyang babae kaya hindi niya ako matiis.

Nakita ko na sa labas ang mga estudyanteng papasok at nakikipag kamustahan sa mga kaibigan st kakilala. Nakangiti akong sinalubong ni Lou at niyakap.

"We look matured sa uniform natin Reverie" tuwang-tuwa at nagtatalon pa sa saya si Lou habang yakap ako.

Natawa rin ang mga estudyanteng napatingin sa reaksiyon niya. I can't believe this! Ngumuso ako nang ilibot ang paningin sa mga estudyante. Nasaan na kaya iyon?

"Lou" isang sigaw sa malapit. Napatingin ako.

Umawang ang bibig ko sa lalaking walang bahid ng dumi sa katawan. Pero agad na napawi 'yon nang makita ko ang straight na sash sa uniform niya.

Identity 'yon para sa mga strand. STEM siya! Yellow ang sash sa polo niya. So! Walang pag-asang maging classmate ko siya ni minsan? Aasa nalang ata ako sa katiting na tsismis sa mga magiging classmate niya. Biglang nawalan ako ng gana.

"Cloud, ang pogi natin ah" nakangiting sabi ni Lou.

"It's in our blood Lou" sagot niya. "You look pretty Rev" baling niya sa akin.

Sandali akong natigilan dahil biglang akong siniko sa tagiliran ni Lou. Sinamaan ko siya ng tingin. Natawa lang naman si Cloud at nagpa-alam na hahanapin ang classroom niya. Hindi magtigil sa kaka-imagine ang utak ko sa itsura ni Cloud. Deym! He really look like a artist at parang may shooting lang sa school kung pagkaguluhan ng mga babae.

Hila-hila lang ako ni Lou hanggang marating ang classroom kung nasaan ang mga pangalan ng HUMSS strand. Napatakip ako sa tenga nang biglang tumili si Lou na parang tuwang-tuwa. Hawak niya ang isa kong kamay kaya hindi ko matakpan ang isa kong tenga sa pagkabingi.

"Ano ba, Lou!" Saway ko.

"Eh kasi classmates tayo" tuwang-tuwa siya. Agad niya akong hinila papadok ng room at pinili ang likurang upuan.

Hindi ko naman matanggal ang paningin ko sa classroom na pinasukan namin. Naninibago ako. Naagaw ang paningin ko sa lalaking may hawak ng puting rosas. Itinutulak siya ng kaibigan para mapunta sa direksiyon namin. Napataas ang kilay ko.

"Para kanino 'yan?" tanong ko.

Natigilan naman sila at umayos ng tayo. Tuloy parin ang pag-pasok ng mga magiging classmate namin. Tumikhim siya at tuwid na naglakad sa gawi namin. Lalong tumaas ang kilay ko nang nangingig na ang kamay niyang may hawak ng rosas.

"K-kay Louyella" hindi mapakali ang lalaking 'to.

I think he's our classmate in grade 7. I don't remember.

"E?" Naguguluhang tanong ni Lou.

Natawa ako sa reaksiyon niya. Gaga ka talaga Lou. That's her when someone trying to hit her. Kinuha ko ang bulaklak at inamoy muna bago ibigay kay Lou. Infairness! Mabango.

Umalis na ang lalaki at lumabas ng room. He's not our classmate? Buti naman. Dumating na ang teacher at nagpakilala bilang adviser namin. She's tall and look like terror. Bigla akong kinabahan sa awra niya.

"I think my senior life gonna rot in hell. Look at her Rev! Parang kakain ng estudyanteng hindi makakasagot sa recitation" bulong iyon ni Lou sa tabi ko.

'Wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa Lou' natatawa akong inisip 'yon.

"Ma'am Kristine! Mahirap po ba ang math natin?" Biglang tanong ng isa naming classmate.

"If you'd remember your lessons in junior, it will show up. Kung hindi niyo maalala then good luck"

Napapikit ako sa katotohanang mahina ako sa math. Shit! Ayokong maging impyerno ang buhay ko nang dahil lang sa math. MATH! MATH! MATH! i hate math. For real!

Rinig ko ang panghihinayang ng iba dahil sila mismo ay hindi rin maalala ang ibang lessons na madali lang math pa kaya. Tss.

Napatingin ang lahat sa pinto nang kumatok ang lalaking nakasuot ng same uniform sa boys. Kumunot ang noo ko at binalingan si Lou.

"Bakit 'dimo sinabing nag HUMSS din ang kuya mo?" tanong ko.

"I don't know too. Duh! Hindi ako updated sa kanya"

Iba rin ang isang 'to. Kumpara kasi sa magkapatid na 'to ay mas close si Lou kay Cloud. Si Harvey naman ay ilap at bilang na tao lang ang kinaka-usap.

"Mr. Morales? Wala ka sa listahan ng student ko. Sa kabila ang section mo" ani ma'am sa kanya.

Rinig ko ang pag-argumento ng mga babae kong classmate maliban sa amin ni Lou. Nagtataka naman akong bumaling sa lalaking nasa harapan. He's cool! Fresh at mukhang minadali ang pagbihis dahil gusot pa ang polo niya.

"Pakilista nalang po kung gano'n" tumuloy siya at walang nagawa ang teacher kundi tumango.

Akma siyang tatabi kay Lou nang magreklamo siya.

"Sa kabila ka kuya! I don't like you to sit here" aniya at tinarayan ang kapatid.

Sakto namang tinitignan ko siya ay tinignan rin ako... sa mata. Umiwas ako ng tingin. Wala siyang nagawa kundi tumabi sa akin. Ang gagang Lou! Pinalipat ang isang upuan sa kabilang dulo para raw walang ibang tumabi sa kanya.

May menstruation ba ang isang 'to. Galit na galit sa kuya. Bumaling nalang ako sa teacher na kanina pa nagsasalita sa harapan at wala akong maintindihan. Feeling ko ang mga mata ng classmates kong babae ay nasa katabi ko. May palihim pang ngumingiti at humahagikgik.

He's wearing the same uniform. For real? I thought he's going to TLE kasi gusto niyang maging chef. 'Yun ang sabi ni Lou.

"Okay class! Since i'm going to be your teacher in GenMath. Please bring your own calculator next week! Dahil kung wala kayong dala, you are staying outside and you don't have the right to come to my class. Understand?" Si ma'am Kristine.

Naka-salamin siya at mukhang may grado pa. Matangkad at maputi. Naka ponytail at mukhang istrikta. Ngumiwi ako nang makitang isalpak ni Harley ang earphone sa tenga at may pinindot sa cellphone. Nilingon ko lang siya gamit ang mata, hindi ko sinabay ang ulo dahil baka sigawan lang ako neto.

"It's rude to stare! You know." hindi 'yon pabalang pero mukhang natutuwa. Agad kong nilipat ang paningin sa harap at pumangulambaba.

I remember again my dream last time. Ngumuso ako sa kawalan. Hindi kaya't nasobrahan ako sa kaka-imagine kay cloud at lumagpas ako, kaya iba ang napana-ginipan ko that time? Natawa nalang ako sa naisip.

"Ba't ka tumatawang mag-isa?" Biglang tanong ni Lou na nakapag-patigil sa akin.

"Gusto mo group laugh?" Pambabara ko.

Natawa lang din siya at ibinaling ang tingin sa teacher. Gaga ka din Rev! Pumasok ka para matuto hindi para nag-imagine.