Chapter 5: Slow

Pagkatapos ng makabagbag damdaming pangyayari sa banyo ay pareho na kaming humilata at nawalan ng malay hanggang hating gabi. Nawala pa nga sa isip namin na may anak pala kaming iniwan sa aming pamilya. Na ngayo'y baka umaatungal na.

"Bat di mo ko ginising?. Susmaryosep Jaden!.." lumipad agad ang aking palad sa noo ko. Kakabangon ko at hayun sya't prente nang nakaupo sa couch sa tabi ng nakabukas na bintana. Sumasayaw ang puting kurtina dahil sa saliw ng medyo malamig na hangin. Tumayo ako't inayos ang suot na roba.

"Ayokong istorbohin ka dahil alam kong pagod na pagod ka.."

"Ugh! There you are again. Can you please stop flirting?.."

"Baby, I'm not flirting.. aren't you?." humarap ako sa kanya ng sabihin nya to. Kakaupo ko sa harap ng vanity mirror. Magsusuklay sana kaso nahuli na naman nya buo kong atensyon. "Gutom ka na ba?. Tell me what you want.." he said habang sinisilip ako sa gitna ng laptop at mga papeles na hawak nya.

"Di ako gutom. Ayoko sa'yo.." walang preno kong sambit. Taas noo ko pa nga na para bang dapat kong ikarangal ang isinagot ko. Crazy!

"Haha!!.." maikli lamang ang halakhak nya ngunit umalingawngaw ito sa buong kwarto. Iyon lang naman isinagot ko pero parang dinaig ko pa ang isang magaling na manananghal. "Oh my goodness goddess wife. I'm not saying that you gonna eat me huh?. hahahaha.. what a pervert lady.. hahaha.." binulong nito ang huling apat na salita sa harap ng mga papeles nya.

Naging kamatis na yata ang buo kong mukha dahil para akong nasampal. My goodness nga naman kasi Bamby! Bat iba kasi nasa isip mo?. Simple lang naman yung naging tanong, bat ginawa mong double meaning?. Hay naku! Magpakatino ka nga dyan!!

"Bukas na lang ulit kung gusto mo ng round four mahal ko.. sa ngayon, kumain ka na muna ng 'pagkain' para may laman yang tyan mo, na alam mo na, binabahayan ngayon ng magiging anak ko.." pinakadiinan pa nito ang pagkain upang maintindihan ko talaga ang gusto nyang sabihin. Minsan kasi ay mabagal na ang pick up ko. Ewan ko ba bakit. Tanda siguro ng tumatanda na. O di kaya ay, iba lang talaga tumatakbo sa utak ko. Heck!! At ang 'mahal ko' na tinawag nya sakin kanina?. My goodness! Tumayo na naman balahibo ko! Kakaiba ang dating nito sakin sa tuwing iyon ang naipapakawala nyang bansag. Napapanatag ang buo kong isip at puso.

"Si Knoa?.." sa hiya ko ay iniba ko nalang basta ang usapan. Ibinaba nito ang hawak na papel saka tumayo. Pinatay ang screen ng laptop bago naglakad diretso sa gawi ko.

"Knoa is a big boy na.." sagot nya. Tumigil sya ilang dipa mula sa harapan ko't pinamaywangan ako.

"Why?. Anong ginawa nya?.." nag-aalala kong himig. Agad kong hinagilap yung phone ko pero hindi ko matandaan kung saan ko iniwan iyon kaninang tanghali. Susmaryosep!

"He said na doon na raw muna sya sa tito daddy Lance nya.."

"Ano?. Bakit na naman daw?. Si kuya talaga?.." kulang nalang tumakbo ako palabas, patungo sa bahay nila mama. Hindi kasi ganun si Knoa. Kapag umaalis ako o kami ng daddy nya, lagi syang tumatawag o di kaya ay nagpapaulan ng mga voice clip o mensahe sa messenger o sa text. Pero ngayon?. Nothing at all. Di ko alam kung anong ibinulong sa kanya ni kuya Lance kaya sya ngayon behave. Baka tinakot?. Might be. But they are in good terms now with both each other. Dati kasi ay aso't pusa sila. Daig pa nila sina Tom at Jerry kung magtalo sa malilit na bagay. Ngayon?. I don't know. I should know what's going on. Gonna call them!

Tumayo ako upang hanapin yung phone ko pero agad itong itinaas ni Jaden gamit ang kaliwa nyang kamay. "Is that my phone?.." tiningala ko iyon at nakita ko kung paano sya tumango. "Give it to me. Tatawagan ko si Knoa.." tiim bagang lang syang umiling. "Why not?.."

"It's too late now. Baka tulog na sila yun.."

"Bakit di mo kasi ako ginising kanina?.." bumuntong hininga sya. Heto na naman tayo anya gamit ang isang napakahabang pagpapakawala ng mapagpasensyang buntong hininga.

"Coz I want you to have your body fully rested.."

"At bakit naman?.. ayos naman ako ah.." giit ko. Namaywang ako. Ginaya ang isang kamay nyang nakapamaywang pa rin. Di ba napapagod yung isang kamay nyang nakataas lang kanina pa?. Weird!

"Cos you need it. Our baby needs to be healthy with his mommy too.."

"Tsk.. nambola na naman.. akin na ngang phone ko.. magtrabaho ka nalang.." sumubok akong tumalon ngunit agad nya akong niyakap at binuhat.

"Mahal naman.. wag tumalon.. malalaglag yung bata atsaka, anong trabaho?. 1:30 palang ng madaling araw Tulog pa mga tauhan natin sa site.."

"Then what makes you stare at that?.." nguso ko sa gamit nya.

"May binabasa lang akong dokumento.." paliwanag nya. Binalik na ako sa kama. At doon naman sya umupo sa kabilang gilid.

"Maaari ko bang malaman kung anong klaseng dokumento yan?.."

"Babe, it's for the company.."

"Hmmm.. for your company na di ko pwedeng malaman ganun ba yun?.."

"Mahal, it's our company. Yours and Knoa and to our upcoming babies.. not mine at all.."

Natahimik ako. Di ko ba pwedeng malaman?. Gusto ko itong muling itanong subalit alam kong ganun rin naman ang magiging sagot nya. Kilala ko sya. Kapag ayaw nyang ipaalam, ayaw nya. Kapag gusto nya naman iopen up, sasabihn nya lahat. Lahat lahat maski ang maliliit na detalye.

"Wag nang magtampo please.. I'll assure you that, we'll both benefit for this.." tinignan ko sya. Lumapit sya't hinagod ang buhok ko. Magandang ngiti ang ipinakita nya.

"Totoo?.." parang bata kong tanong.

"Hmm.. just let me take this on my own first hmm?.." tinanguan ko na lamang sya. I don't want to force him to do things he didn't want to do. Kahit ganitong kasal na kami't isang pamilya na. Gusto ko pa ring may maliit na privacy sa pagitan namin. Binigyan ko sya ng ganun hindi dahil sa tinuturuan ko syang gawin ang mga bagay na ayoko. Binigay ko iyon dahil alam ko ang katapatan nya sa amin ng anak nya, at ramdam ko ang buong puso nyang dedikasyon sa pagbuo ng aming pamilya. Alam ko rin na hindi nya sisirain ang anumang itinayo nya. At sana nga, hindi masisira ng kahit na anong bagay ang pinagpaguran nya.