Umaga na at eto na ang magbabago sa buhay ko.Sinabi ko na kay mama ang nangyari kaya ayun lahat ng gawain na di nya natapos ay ako ang pinagawa.
"Ma,aalis na ako!"sigaw ko at nakita ko si Kenneth sa sala namin."Oy Kenneth aga mo ha?".Umupo ako sa tabi nya at kinukulit sya kasi mukhang bad mood ata eh."Oy anong nangyari sayu?"pa-cute kong tanong."Jelaine!Kunin mo na ang baon mo dito,pabayaan mo na si Kenneth kailangan nya munang kumalma"
Wow alam ni mama pero ako hindi.Mukhang grabe ang pagbabago ngayun ahh.
"Alis na kami ma"sabi at nag flying-kiss kay mama.Lumakad lang kami papunta sa Bus Station.Medyu malapit lang ito kasi kapag matapos na naming lakarin ang malakagubatan na lugar ay makikita mo na ang station.
Dumating na ang bus na papunta sa school namin.Nang nakasakay na kami nakita namin na isa nalang ang upuan na natira.Nasaunahan ko si Kenneth.Habang papalapit na kami sa upuan bigla syang tumabi,akala ko papaupuin nya ako.Pero may pinulot lang pala at umupo na.
"Pst!Anong ginagawa mo?"hininaan ko lang ang boses ko kasi ayaw ko namang marinig nila ang sinasabi ko.Tiningnan nya lang ako at wala,deadma.
'Tsk.Lalake ba talaga to?'bulong ko sasarili ko.Dahil la akong magawa edi tumayo nalang ako at kumapit sa kapitan sa taas.
Nakarating kami sa meeting place namin na sinabi ni Ms. Pholo.Nakita ko ang babaeng nakaaway ko kahapon.Mukhang handang handa talaga kasi may dala etong isang maleta at backpack.Habang kami ni Kenneth naman ay backpack lang ay ok na.
Ilang oras lang nangnakarating kami dumating din si Xaiver.Mukhang sinunod nya nga talaga ako.May nakita din akong isang babaeng paparating.Short hair sya,maganda din itong magpili nang kasoutan.May eyeglasses din eto at may dala-dalang mga libro.Nerd ata.
"Wow what a nice team!"masayahing sabi ni Ms. Pholo.
"Ok pumasok na kayu sa Van...Wag nyu nang-alalahanin yung mga dala nyu si Sir James Trey nalang ang magpapapasok nang mga dala nyu"may kilig na sinabi ni Ms. Pholo.
May gusto ata kay sir James.
Pumasok ako at nakita ko na may dalawa nalang ang pwedeng upuan.Isa ang inuupuan ni Kenneth at ang isa kay Xaiver.Uupo sana ako sa tabi ni Kenneth pero may bumanga sakin kaya natumba ako sa inuupuan ni Xaiver.
"Di kaba nagdadali?"attitude si ate Nerd.Pero masakit yung ginawa nya ah.Humanda sya kapag makakabawi ako.
Umupo sya sa tabi ni Kenneth kaya dito nalang ako umupo sa tabi ni Xaiver.Ramdam ko ang pagdikit nang braso namin kaya inalis ko agad ang kamay ko.
"Oh bat di kapa umuupo?"tanong nya na naka-ngisi na naman.Masayahin ata ang lalakeng to.
"S-sige"umupo nalang ako sa tabi nya kasi ayaw ko namang umupo dun sa likuran.
"Hoy!Ako ang uupo dyan!"eto na naman tayu kay Psycho girl.
"Ms.Veidaz umupo kana sa likuran dahil nauna na si Jelaine umupo dyan"Sambit ni Ms.Pholo.
Umandar na ang Van at dun na umupo sa likod si Psycho girl kasi ano bang magagawa nya eh sabi yun ni Ms. Pholo.
Habang bumabyahe linilingon ko lahat nang na dadaanan namin.Di naman sa di ako nakasakay sa Van pero ang gaganda lang talaga ang mga na dadaanan namin.
May nakita akong isang cute na house painted with lavender stripes at isang kalesa.'Wow mayroon pa pala nyan?"tanong ko sasarili.
Habang pinapanood ko ang lahat ng na dadaanan namin naka ramdam ako ng antok.Mabuti nalang dala-dala ko yung traveling pillow ko.
Pinatong ko ang aking paa sa likod nang upuan ni Mr.James at natulog na.
Ilang oras din ang byahe papuntang Camp Justin at nakarating din kami."Here we are!"narinig kong sabi ni Ms. Pholo kaya nagising ako sa aking pagtulog.
Nakapagtataka lang dahil parang naka sideview yung nakikita ko,may naramdaman din akong parang gumalaw.
Tumingala ako at nakita ko si Xaiver.Tulog ata.P-pero bat ako nakahiga sa kanyang hita?Nahulog bako habang nagbabyahe?Pero parang impossible naman.
Hindi na din nakakapit ang traveling pillow ko kundi hinihigaan ko na to sa paa nya.
Binilisan ko ang pagbangon nang naramdaman kong gumalaw ang knayang kamay baka magising pa at sabihing crush ko sya o di kaya magagalet.
Nakita kong dumating na kami kaya lumabas na ako.'Sana di nya naramdaman ang pagtulog ko sa hita nya.
Ako ang pinaka unang lumabas kasi malapit ako sa pintuan.Paglabas ko na akit agad ang aking tingin sa isang lumang tore.Medyu luma na eto pero maganda parin dahil sa background netong medyu kahil na araw ganun din yung kalangitan.
"Woah ang ganda"manghang-mangha kong sinabi.Lumabas na din sila at dinala na kami ni Ms. Pholo papunta sa isang pavilion.Dito ata kami maglilinis at maghahanda.
"Welcome to Camp Justin where you'll experience a wonderful day in your camp and when the night starts fall you'll feel like your in the palace in the skies"persuade ng isang tour-guide ata.Nasa 30's na ata ang lalake at medyu gwapo din sya
"I'm Jeremy Halls you can call me Jerry for short"pagpapakilala nya."Nice to meet you Mr. Jerry I'm Ms. Jennifer Pholo Jennie for short"pagpapakilala din ni ma'am.
"This are the students who represented their selves to clean and these two were in a detention"
Grabe kailangan pa bang sabihin yan?Pumasok kami sa loob nang pavilion at sobrang laki ng espasyu may second floor din ito.Dyan ata yung mga rooms.Medyu ma-alikabok nga talaga dito at di lang yan may mga sapot pa sa ibang kagamitan lalong lalo na sa kisame.
"Eww!"
Rinig naming pandidiri ni Psycho girl.Sobrang arte talaga na-akpakan lang yung isang pintang tumulo.
"I hate this place!Ok I'm out of here na.Aaminin ko nang ako yung nagsimula nun kaya ma'am wala nang detention pa!"
"Wow!"sabay palakpak ni Ms. Pholo.
"Mabuti at umamin kana kaya lang late kana eh so halika kana dito.Masasasanay ka din"
"Aaarrrggghhhh!!"inis na inis na ata sya.Yan mabuti eto dapat ang bagay sayu.Pero dapat wala ako dito.
(〒﹏〒)
Nakarating kami sa isang playground.Nakita ko ang isang monkey bar na gustong guston naming linalaro ni Karen noon.
Linapitan ko yun at umakyat.
Di natagalan umabot na ako sa pinakataas nang biglang na dulas ang paa ko rason para malaglag ako.
"Aaahhh!"
Biglang may sumalo sakin at natumba kaming dalawa.Medyu sumakit yung ulo ko dahil sa pagbagsak.
Tiningnan ko kung sinong sumalo sakin.
"B-bakit....g-gina-nawa yun?"