WebNovelKaren?35.29%

Chapter 6: Unusual Dream

"Ok guys maiiwan kayu dito!"biglaang sinabi samin ni Ms. Pholo.

"Ano!!"we said in chorus

"Bakit naman ma'am?"tanong ni Katie

"Oo nga po"sambit din ni Kenneth

Di ako nakatanong dahil natataranta ako kasi ayaw kong matulog sa ganitong lugar.Alam kong mas nakakatakot yung lugar samin pero bahay namin yun.

"Tsk!"pitik ng dila ni Nerdy

"Wag kayung mag alala.Camp site kaya to kaya pwede kayung matulog sa laba..."

"Hindi pwede!"di natapos ni Ms. Pholo ang sinabi nya kasi tinanggihan ko na agad.

"Ok kung ayaw nyo matulog sa labas dun kayu sa rest house.Kung saan kanina nagpahinga si Xaiver"tinuro ni ma'am kung sang deriksyon iyon.

"I mean ma'am bakit hindi kami pwedeng sumama?"mahinahong tanong ko na sabay hinga malalim.

"Dahil ang Van na sasakyan natin ay na flat.Mabuti nalang at may motor si Sir James kaya hihiramin namin muna.Babalik nalang kami bukas para ayusin eto kasi medyu madilim na"

"At wag na kayung mag-alala sa magulang nyu dahil pinaalaman ko na kayu at ok lang sa kanila pero sa isang kondisyun.Wag daw kayu mag-lalasing lalong lalo kana Xaiver at ikaw din Jelaine.Mahilig daw kayu sa alak kaya bawal muna ngayun"

Di talaga maaasahan tong si mama.Siguro lahat nang secrets ko alam na ng buong pilipinas.

("–_–)

Pero back to the main topic muna.Kung iiwan kami dito parang nag-camp lang kami pero libre so...(≧▽≦)

"Sige dito nalang kami"pagsangayon ko kay Ms. Pholo

"What?!"iritang sigaw ni Katie

"Anong what?"

"Ok siguro nawalan kalang ng utak,ma'am wag muna kayu maniwala sa babaeng to ha"may pa palo-palo pa sya sa likod ko

"Ano ba!Isipin mo nalang na nag-camp tayu pero walang bayad"medyu hininaan ko ang boses ko

"Hmm...Tama sige ma'am dito nalang kami.Panagako walang magaganap na inuman"pagsangayun din ni Katie

Hehehe it works.Sumangayon din si Xaiver ganun na din si Kenneth pero parang nagdadalawang isip pa ata habang si Nerdy naman hindi.Pero kahit ayaw nya mag-sstay parin kami kasi majority wins.

"Sige bya na mga bata.Bukas nalang natin to tapusin"sabi ni Ms. Pholo.

"Bye ma'am!"paalam namin kay Ms. Pholo at lumakad na papunta sa rest house.

(A few hours later)At the Rest House

"Woooh!!"sigaw ko na subrang lasing na.Pagkatapos naming pumunta sa rest house agad-agad kaming nagparty-party.Kaya eto ako nalasing na.

Oo na pasaway na kung pasaway pero ano bang magagawa ko? Addicted na ata ako sa alak eh.Di pala alak kundi wine.

"Hoy!Bwaaaahh"Pinahidan ko muna ang baba ko."B-bat di k-kayu nag-sasaya?"Lasing na tono ko.

"Ano kaba Jelaine?Mga bakla yan eh except kay Xaiver baby ko.Kekekeke!"kinilig yung Psycho Katie.Pero napansin ko ding umiinom nga si Xaiver.Ang hot pala nya dahil sa suot nyang isang floral polo na may dalawang bukas na butunes sa taas.

Kitang kita yung sexy body nya,yung tan nyang katawan,yung malalaking pandesal.Teka nababaliw na ata ko.Dahil yata sa alak kaya ganito ako mag isip.

Mga ilang oras na akong umiinom.Kaya pumunta ako sa cr naramdaman ko kasing sumasakit na ang sikmura ko,medyu nahihilo na din at masusu...

"Bwaaahhh!!"sumuka na nga ako sa toilet bowl na nakaluhod.

Sobrang sakit sa lalamunan ang pagsuka ko kaya pagkatapos kong sumuka pinaandar ko ang gripo sa harap ng isang salamin.Uminom ako dun at di katagalan natangal na din ang sakit kaya inayus ko muna mukha ko.

Papalabas na ako ng biglang sumira ang pinto rason para magulat at napasigaw ako.Tinatry kong buksan pero parang may nakaharang ata sa labas."Tulong!!Oy Katie ikaw ba yan?Kenneth tulong!Kennie"kahit anong sigaw ko wala paring nangyayari.

Napagod kakasigaw at pagpipilit na buksan ang pinto kaya umupo ako sa sahig.Dahil sa sobrang lasing ko na di ko namalayan nakatulog ako.

Nagulat ako sa aking nakita.Nakaupo ako sa isang madilim na lugar,mukhang banyo ata eto pero parang hindi ito ang banyo sa rest house.Mas malaki ito kaysa doon at sobrang pamilyar nito sakin.

"Pabayaan mo na kami ng pamilya ko please?!"narinig kong pagmamakaawa ng isang babae ata.Her voice has a tone like mine but kinda blurry dahil siguro umiiyak sya.

"Wag kang mag-alala basta sundin mo lang ang ipinapagawa ko at walang mangyayari sa mama mo"Medyu masama ata ang plano ng babaeng narinig ko.

"Maawa ka na please wag mo na tong gawin.Wala naman akong ginawang masama sayu ahh"pakipot na sinabi ng babae.Medyu nanginginig na eto sa takot.

"Pak!"may sinampal ata sa kanilang dalawa.After nun may umiyak ng malakas.

"Wala!Eh ano yung ginawa mo sa kambal ko ha?Hinayaan mo lang syang..."di ito natapos dahil parang may naririnig akong nagsasalita sa aking utak.

"Jelaine! Jelaine!"rinig kung nag e-echong tawag sakin na kung sino man iyon.Nang sinubukan kung binuksan ang aking mga mata at tumambad ang mukha ni Xaiver.Kitang-kita sa mata nya ang pag-alala.

"Uh-uh anong nangyari?"bumangon ako pero parang ang hina ng katawan ko.

"Na lasing ka kagabi at dito ka ata natulog sa cr"

Oo nga pala.Nakatulog ako dito pero bakit naman?Teka meron palang nag-lock sakin kagabi.

"Sinong nag lock sakin dito kagabi?Ilang beses na akong sumisigaw pero wala man lang may nakarinig?"medyu galit kong sinabi.

"Anong sinasabi mo?Lahat kami andon lang sa sala maliban kay Kenneth lumabas para magpahangin daw.Siguro nahimatay ka kagabi dahil na sobrahan ka ng alak"pinatayu ako ni Xaiver at lumabas na sa cr.

Di nalang ako nagtanong pa kasi parang tama nga din sya pero alalang-alala ko pa talaga ang nagyari kagabi.Nang nakarating kami sa sala nakita ko si Kenneth na nagkakape.

"Oh anong nangyari sayu?Bat wala ka sayung kwarto?"pinaupo ako ni Xaiver at pumunta sa kusina.

"Ahh nalasing ata ako kaya ayun nawalan ako ng malay sa cr"sabi ko habang minamasahi ang ulo ko.Ang sakit kasi eh.

"Eto humigop ka ng sabaw.Maanghang yan ha pampatangal ng hangover mo"dumating si Xaiver na may dala-dalang sabaw.

Humigop ako ng sabaw na dinala nya at sobrang anghang nga.Pinaypayan ko yung baba ko sa sobrang anghang.

"Gatas!May gatas ba dyan!Bilis!"paikusap ko sa kanila.

Binigyan ako ni Kenneth ng isang yogurt na strawberry flavor.Inubos ko yun rason para tingnan nya ako ng masama.

"Eh sobrang anghang eh"palusot ko.Napawi na din ang anghang.

"Hoy bat naman sobrang anghang ang ibinigay mo!"iniba ko ang topic para di na ako mapagalitan ni Kenneth.

"Ahh sorry mukhang napasobra ata ako ng sili"kinamot nya ang batok nya.

*Sa pavilion

"Wow aga nyo naman gumising ahh"bati samin ni Ms. Pholo.Maydala-dala itong mga palamuti para sa camp namin dito.

Binati din namin si Ms. Pholo at kinuha ang mga palamuti na dinala nya.