Back to reality...
After 8 long years, wala pa rin palang nagbago kay lance still the handsome man she had ever met, no meron palang nagbago because this time he's marrying someone. Probably kalebel nila, mayaman,maganda at sopistikado di kagaya nya di-hamak na laruan kung ituring ng mga uri nito dahil sa payak nyang pamumuhay. "Get a grip Saab, it's no longer about you", bulong nya sa isip. Tama di niya kasali sa yugtong yun ng buhay nito, matagal na o nakasali nga ba siya?, Pathetic, magkaganun-paman alam niya sa sarili kung di dahils sa mapait na karanasang iyun wala siya sa kung nasaan siya ngayon, she should be thankful. anas niya sa sarili. Pagkatapos makumbinsi ang sarili marahan ng inayos ni saab ang kanyang sarili it's time to get back to reality.
Meanwhile sa labas ng shop...
Nasa loob pa rin ng kayang audi si lance, nakatutok ang mata sa glass window ng shop na yun, pinauna na niya si kasaandra at nag-alibi na lang na may dadaanan pa ,pero ang totoo, nagpa-iwan siya just to make sure saab was really there. "So you are okay? ambilis mo namang maging okay pagkatapos mo akong iwan ng araw na yun", pagka-usap niya sa sarili. Saab was his first love ang unang babaeng nagpatibok ng puso niya pero iniwan lang sa ere dahil sa pera. Mas gumanda ito ngayon at ang dating mahubog ng katawan ay mas naging mas mahubog pa. "Tsk, mukhang tama nga na tinanggap mo ang pera look at you mayaman, kilalang modelo at meron na ring shop, nagawa mo rin ang pangarap mo noon na maging designer at ang kapalit ang iwan ako, ang mapait niya sabi na akala mo kaharap si saab , ang taong nagdulot sa kanya ng kapaitan. Tandang-tanda niya pa ang araw na yun, ang araw kung kelan niya nalamang pera lang pala ang habol ni saab sa kanya.
8 years ago..
"kinakabahan ako lance, sure ka ba na ipapakilala mo ako sa parents mo? paano kung di nila ako magustuhan", untag sa kanya ni saab.
Nandun sila sa Mansion nila he decided to finally introduce saab as his girlfriend sa pamilya niya, para na rin maging legal on both sides tutal tanggap siya ng mga magulang nito, at para na rin maipagmalaki niya sa pamilya niya ang babaeng nakahuli ng kanyang puso.
" Don't think that way, i am sure they will like you, bukod sa maganda ka eh sobrang mapagmahal mo rin", alo niya dito. Kasalukuyan silang nasa recieving area ng mansiyon nila, at nakaupo sa mahabang sofa na katapat ng mga mamahaling vase ng mommy niya. Bata pa lang siya ay nakasanayan na niya na tuwing magpupunta sa ibang bansa ang ina eh ay, di pwedeng hindi ito bumili ng vase, collection daw nito yun.
Nakarinig sila ng mga yapak mula sa hagdan, parehas silang napatingin ni saab dito, "There you go, hi mom and dad, nakangiting sinalubong niya ang kanyang mga magulang.
Bantulot namang tumayo si saab, para siyang sinisilihan sa puwet, kinakabahan sya lalo na ng mapagawi sa kanya ang aristokratang mata ng nanay ni lance. Bigla siyang nanliit. " Magandang araw po Mr. and Mrs. Petterson," bati niya sa mga ito.
Binalikan siya ni lance at pagkuwa'y hinablot ang kanyang kamay ng marahan sabay hila pagawi sa direksyon kung nasaan ang mga magulang nito.
" Mom and Dad, meet Saab girlfriend ko, the one i am telling you na nagpatino sakin, sabay kindat sa kanya ni lance.
"Ikinagagalak ko po kayong makilala, out of respect na pauna niya sa mga ito.
"So you are Saab? tanong ng matandang lalakeng Petterson sa striktong tinig
"a-eh opo", kinakabahang tugon niya.
"Dad, tinatakot mo naman si Saab eh, natatawang sambot ni lance, sa wari niya ay para matanggal ang tensiyon na unti-unti ng namumuo sa pagitan nila.
"Oo nga naman hon, kapag kuwa'y saad ng mommy ni lance sabay lapit sa kanya. Nabigla siya ng bigla siya nitong halikan sa pisngi. Nahihiyang napatungo siya sa tinuran ng ginang, di niya inaasahang ganun ang magiging pagtanggap nito sa kanya.Binalingan niya sa lance at nakangiti etong nag-thumbs up sa kanya. "I told you", nabasang niyang saad nito.
" Anyways , you are right hon, untag ng daddy ni lance at matiim siyang tinitigan. Ewan niya pero parang may nais iparating ang tingin na iyun ng daddy ni lance na di niya napag-tuunan ng pansin dahil niyakag na siya ng mommy ni lance, nag-paalam na pala eto na kakausapin siya saglit di niya namalayan dahil sa pag-iisip sa tinging pinukol sa kanya nga ama nito.
"Po---
" C'mon babe, mommy will not eat you sumama ka na, susog sa kanya ni lance.
" okay " ,sabi na lamang niya at nagpahila na sa mommy nito. Dinala siya nito sa ikalawang palapag ng bahay at pinpasok sa isang silid na sa hinuha niya ay library ng pamilya petterson dahil sa damj ng libron sa mga estante.
"Maupo ka, wika ng ginang. Umupo naman ito sa pinakagitna na upuan kaharap niya. " Dederetsuhin na kita iha, yes you are pretty at mukha ka ring matalino, but i don't like you for my son", bungad nito.
"Po, akala ko po--
" Na gusto ka namin ng daddy nya? what you saw a while ago, that was for a show, para di magtaka si lance,putol nito sa sinasabi niya. " Wag kang ambisyosa ,taga-pagmana ng Petterson Enterprise si lance ,what made you think na ikaw ang nababagay sa kanya?, and isa pa are you aware about my son's reputation, she likes innocent women yung madaling maloko at mabilog ang ulo. Like you, so if ako ikaw layuan mo na ang anak ko wala kang mapapala, di sya sayo magseseryoso, laruan ka lang,pero wag ka mag-alala, here get this that's 5 million pesos,you can start your own life gamit yan, but make sure you'll dissapear from my son's life", ang deretsong phayag nito.
"Ganun po ba ang tingin nyo sakin, mukhang pera, well malaki ang pera na ito pwede na ko mag model nito , at oo nga pala gusto ko ring maging designer, makakamit ko yun di ba with the use of this tantamount of money? ang wala sa sariling sabi niya.
" See sabi ko na nga ba pera lang ang habol mo sa anak ko ,kala ko mahihirapan ako sayo, go get the money and do'nt ever show face to us anymore", ang tila matagumpay na saad nito. Na bahagya pa siya nabingi dahil parang sinadya pang lakasan ng ginang ang boses nito.
Tinipon niya muna ang lahat ng lakas na meron siya bago nagsalita dito." Pero mali po kayo , you cannot buy me, kung akala nyo mabibili niyo ang pagkatao ko, mali kayo dun, oo mahirap ako pero marunong akong magmahal, at Mahal ko po si lance at di ko sya ipagpapalit sa pera nyo, mauna na po ko mawalang galang na", ang matatag na pahayag niya dito . Sabay martsa palabas ng kwartong iyun at iniwang nakatanga ng mommy ni lance. kala siguro nito masisilaw siya sa pera, pwes nagkakamali ang mga ito,bulong niya pagkuwa'y Hinamig niya ang sarili pagkalabas ng silid na yun kahit nabigla sa sinabi ng ginang, at agad na hinanap si lance, nakita naman niya eto na nasa may hammock ng bahay nakatalikod at may kahalikang iba.
Nababaghang nilapitan niya si lance at tinulak ito." Ano to lance andito pa ko nakikipag-lampungan ka na sa iba, di niya mapigilang pumiyok, grabe naman kagagaling niya nga lang sa pakikipag-usap sa matapobre nitong ina na balak bilhin ang pagkatao niya tapos eto si lance nakahanap ng kalinga agad-agad , di pa tinago ha, talagang pinakita pa sa kanya ,na nasa kandungan ng ibang babae.
"Why, di mo pa ba alam laruan lang kita, dinala kita dito para di ka mag-isip na kung ano , pero masyado kang pakipot, ni halik di ko magawa ,kaya habang wala ka kanina i realized bakit ba ko magtyatyaga na makuha ka eh, marami pa namang mas maganda sayo, i won't sacrifice everything to you", sumbat nito sa kanya na nasa mata ang di niya maipaliwanag na sakit, na para bang inaasahan na nito ang reaksyon niya.
" Ha-ha, ano to lokohan, pinaglalaruan mo ko ? all along i thought you were serious about me", ng nanghihinanakit at di pa ring makapaniwalang angil niya dito.
" What made you think na seryoso ako sayo, laruan ka lang sa kin saab, pero naumay na ko sa kakahabol sayo at kakasuyo, i want someone submissive like her, sabi niya ke saab sabay halik sa labi ng babae na di niya alam ang pangalan.
" I hate you lance, sana di na lang kita minahal at nakilala , Tama pala ang mama mo,laruan ako sayo,sayang lang ang paglaban ko for you, magsama kayong mga mayayaman mga wala kayong puso, lunurin nyo ang sarili nyo sa tanginang pera nyo". sabay talikod na para umalis sa mansyon . May pait siyang nakita sa mata nito at puno sakit na nakita niya sa mga mata. Ako pa talaga ang may kasalanan kung di niya lang narinig ang sinabi nito sa mommy niya baka maniwala pa siyang totoo nga ang emosyong nabanaag niya sa mata ni saab , na para bang nasaktan eto sa mga sinabi niya. " Go to hell, the hell i care, saad niya sa papalayong pigura nito.
" And you get out of my sight and don't you dare sneak around again, baling nya sa babaeng nahaligap niya kanina na nahuli niyang nanunubok sa may halamanan nila. Stalker malamang, na madalas mangyari di niya lang alam kung bakit di naghihigpit sa securuty ang kanyang mga magulang, kung sino-sino ang tuloy ng nakakapasok.
From that day nag-iwasan na sila ni saab , siya balik sa pambabae makalimot lang sa sakit na dulot nito na tipong pinaparada niya pa sa harap ni saab ang mga nakakarelasyon, at sa tuwing magtatagpo ang kanilang paningin poot at sakit ang lagi niyang nababasa niya sa mga mata nito. Pero di na niya inintindi dahil mas matimbang ang nalaman niya na ipinagpalit siya ni saab sa limang milyon kagaya lang ito ng mga babaeng halos isubsob na ang sarili sa kanya mapansin lang niya.
Hanggang sa isang araw he woke up with the news that she left the university para lumuwas sa maynila , marahil upang ituloy ang sinabi nito sa mama niya na balak nitong pagmomodelo at pagkuha ng kursong may kinalaman sa pagde-design ,maging sa dating bahay ng mga ito ay wala na ring nakatira.
That was the last news he heard from her. And everything went so fast until today na muli niya itong nakita. " Pathetic ano balak mo ba siyang tanungin at makibalita pa? as if pag kinausap mo sya eh mababago nun ang katotohanang pinagpalit ka niya sa pera", bulong niya sa sarili , iniisip pa ata niyang may mangyayari pa after what had happened before dahil sa naisip ay muling umahon sa puso nya galit para ke saab she shattered his heart into pieces, and he'll make sure na gagawin niyang impyerno ang buhay nito ,malas lang at nagpakita pa ito sa kanya, to think na ito pa talaga ang napili ng fiancee niyang si kassandra na gumawa ng gown nito sa kasal nila. Binuhay niya ng makina ng sasakyan at pinasibad niya palayo sa bahagi yun ng quezon city.