Chapter 9

Papasok pa lang ng gate ang sasakyan nila ay nakita na niya si Nay Minda na naka-abang. Nakilala niya ang matanda ng minsang mahimatay siya sa daan noong lisanin niya ng kanilang baryo at mapag-pasyahang lumuwas siya ng Maynila. Kasa-Kasama niya ang kanyang ina noon, at ito ang tumulong sa kanila. Pinatira sila nito sa bahay nito, at ito rin ang tumulong sa kanya upang makakuha ng Scholarship sa paaralan kung saan siya nagtapos ng pag-aaral.

Kalaunan ay naging bestfriend ito ng kanyang ina, hanggang sa biglaang atakihin sa puso ang kanyang ina. Magmula noon ito na rin ang tumayong magulang niya, kaya ng matupad ang pangarap ay isinama na niya ito sa bahay niya. Tutal wala na rin naman itong kamag-anak , at itiuturing niya itong pamilya.

" O anak, ang aga mo ngayon ah", bati nito sa kanya the she took her belongings.

" Mano po nay, nangako kasi ako David na sa labas kami kakain, pa-welcome ko po sa pagdating niya", sagot niya sa matanda.

"Ah, ganun ba ,so hindi na kayo maghahapunan dito", agapay nito sa aglakad niya papasok sa bahay.

" Hindi na po siguro", at tinungo ang ika-lawang palapag ng bahay kung nasaan ang kanyang kwarto. May lima na kwarto sa bahay niya. Tatlo sa taas, ang gitna ay kanya, sa kaliwa naman ay ang kay Nay minda, at ang isa ay guest room. Dalawa sa baba, isa pang guest room at ang isa ay kwarto ng driver niya.

Binuksan na niya Kanyang kwarto.

"Diyan na lang po, salamat nay minda, pahinga na po kayo kaya ko na to", Lumapit siya at niyakap ang ginang.

"Naku, linsyak na bata ito, para namang mabigat yang gamit mo at kung maka lambing ka eh", ang tumatawang tugon nito.

"Ayaw mo bang lambingin kita nay?

"Syempre gusto ", at yumakap na din ng mahigpit sa kanya.

"O siya tama na ito at gumayak ka na para sa Dinner nyo ni David",

"Ay oo nga pala, thanks nay, magpapalit na ko, sabay halik sa noo nito.

"Siya, siya at ako ay lalabas na rin ", sabi nito sabay tungo sa pinto at lumabas na.