Backstage
"You look beautiful", salubong sa kanya ng baritonong tinig na yun habang ang kamay ay umaalalay sa likod niya pagbaba niya sa stage.
"Hi, lance ikaw pala", ang nabibiglang sabi niya dito, "Salamat", at tila napapasong bahagya pa siyang lumayo dito. Bagay na di nalingid kay lance sapagkat nakita niya pa ang pagtaas ng kilay nito.
" Are you scared of me", tanong nito sabay lapit sa kanya, amoy na amoy na niya ang mabangong hininga nito,pinaghalong ming at wine. Marahil umiinom ito habang nanonood, nag se serve din kasi ng wine sa venue.
"Ha? ah no, muntik pa siyang mapapikit ng dumikit sa kanya kanang balat nito.Bahagya pang humaplos ang kamay nito sa kaliwang braso niya.
" Seems like i have an effect sayo, bagay na nakapagtataka dahil malinaw na wala ka namang feelings sakin noon diba? kaya mo nga ko nagawang iwan", ang nangungutyang saad nito na ang kamay ay humaplos na sa kanyang pisngi.
" I don't know what you are talking about", kunway paling siya mukha. Ang lakas na rin ng kabog ng dibdib.
Lalo pang idinikit ni lance ng sarili sa kanya,gulat na napamaang siya rito kung kaya't di niya naiwasang iharang ang dalawang kamay sa dibdib nito. Bagay na dapat niya pagsisihan dahil sa ginawa niya mas lalo niyang nadama ang init na nang gagaling dito.
" Why, dati naman gustong gusto mong dumidikit sa akin And i still remember how you moan everytime i kissed you", habang hinahaplos ang labi niya.
Mabuti na lang at medyo tago ang bahagi na iyun pagkababa kasi niya ay hinila siya nito sa gawi na malapit sa storage room, malamang walang magagawi doon kung di sasadyain. At aaminin niya tinatalaban na siya sa pang-aakit ni lance, at para na siyang lalagnatin sa sobrang init na nararamdaman.
"Lance pwede bang-----
"pwede bang ano... hmm, sabay amoy sa buhok niya " You smell so good and that looks so delicious", sabi nito na titig sa cleavage na nakalabas sa suot niyang gown.
Doon na siya tila nagising kaya naman bahagya niya itong naitulak, agad naman nitong hinuli ang kamay niya at hinigit pa siyang lalo. Ngayon magkalapat na ang kanilang mga dibdib. At ang mga pintig ng puso ay para bagang nagpapaligsahan sa pagtibok.