"Aherm". Ang tikhim na iyon ng pumukaw sa diwa ni lance.Paglingon niya ay nabungaran niya sa bukana ng pinto ng kanyang kwarto ay ang naka sungaw na mukha ng yaya niya.
"Yaya, ikaw pala halika pasok ka, may kailangan ka po ba?, all set na ko para sa pamamasyal, hinintay nyo na lang sana ako sa baba napagod pa tuloy kayo.
Sabi niya sabay akay sa matanda paupo sa kama niya. Ngumiti sa kanya ng mabini ang ginang bago nagsalita.
"Matagal na panahon din ang nagdaan, ano iho", bungad nito ay maya-maya pa'y tumayo ito at tinungo ng veranda ng kanyang kwarto at ipinatong ang mga kamay sa barandilya at malayang pinagmasdan ang paligid. Sumunod naman sya dito sa veranda at ginaya ito.
"Natatndaan mo naglalaro ka dyan sa bukid kasa kasama mo yung kababata mong anak ng kapit-bahay nating empleyado ng mama at papa mo, sino nga yun, aha, lenon di ba?, ang nasisiyahang turan nito.
"Oho, yaya si lenon, yeah we used to playing guitar doon sa tree house na yun, umaakyat din kami sa puno ng mangga kapag nais naming kumain ng sariwang bunga nito", sabi niya ata malayang inalala sa isip ang masasayang pangyayaring iyon ng kabataan niya.
"Oo, nakakatuwa kayong pagmasdan noon", ang tumatangong sabi nito. "Teka, may isa pa kayong isinasama noon dito ,ah si Saab, iyon bang dating girlfriend mo, hay kamusta na kaya iyong batang iyun, naaalala ko pa ay madalas kang ginagabi noon dahil lagi mo siyang kasama, napakagandang bata. Dangan nga lang at bigla na lang kayong naghiwalay noon kala ko pa mandin ay, kayo na ang para sa isa't-isa. May balita ka ba sa kanya? baling nito sa kanya sa titig na nang aarok wari ay may nais ipahiwatig.
Huminga muna siya ng malalim bagi ito sinagot. "Yeah, nagkikita kami, she's the designer of the gown na isusuot ni Kassandra, she's a model now, kilalang model infact, yaya", sabi niya na tila may pagmamalaki sa tinig.
"Talaga,sabi ko na nga ba unang tingin ko pa lang sa bata na yun dati, alam ko ng malayo ang mararating, aba'y napakaganda kahit na teenager pa lang ,matalino pa, gusto ko siyang makita, mangyari ba ay makikita ba namin siya pagluwas namin sa maynila?
"Opo, siya din kasi nagdedesign ng gown ng mga attendees pati gown nila mommy siya din ang tatahi",
"Sandali, sinabi mo bagang siya rin ang tatahi ng isusuot ng mama mo, aba'y alam na ba ito ni senyora di ba siya nagalit ?
" Nope, di pa alam ni mommy ,yaya, next week niya malalaman, galit? bakit naman ah ,yung nangyari before, well i know mommy will just set it aside, isa pa si kass ang pumili kay Saab so no choice na sya. She's very fond of Kass, kaya malamang na oo yun kahit na si saab pa ang designer", ang mahabang litanya niya.
"Ganun ba?, tanong nito sabay buntong hininga.
"Bakit yaya?, are you okay?, tanong niya at nilapitan na ito.
"Wala, iho, ano siguro ako ay nabibigla ,di pa rin makapaniwala na ang unico hijo namin eh ikakasal na", ang naiiyak nitong paliwanag.
"o, yaya naman eh", ang natatawang alo niya dito at mahigpit na itong niyakap." Ganun talaga di na ko bumabata ,kaya kelangan mag pa milya na di naman habang buhay nandyan sila mommy, kayo, all of you meron din sariling buhay, kaya ako, i am also creating one", sabi niya dito. Sa sinabi ay di niya maiwasang maalala ang nakaraan, he used to think of settling down dati with saab on his mind. Sa batang isip niya noon, sigurado na siya ito ang gustong makasama habang buhay. But things happened the way it had to be. He needs to move on and go on with his life. Kay kassandra, siya nababagay they well compliment each other. They are settling down not because they love each ,but because it is for the empire, fame and riches, ng pamilya nila, ng angkan nila. Maybe in the future maaring mag anak sila ni kass but for now it is all about money and wealth and power.
"Mahal mo ba sya?",
"Po, ano ba namang tanong yan yaya"?
"Di mo masagot ng deretso, mahal mo ba siya gaya ng pagmamahal mo kay saab"? tumingala iyo sa kanya upang makatiyak marahil na totoo ang isasagot niya.
"Paano nasama si saab dito yaya, ikakasal na ko at kay kass yun walang makakapigil dun kaya please yaya, tigilan na nating tong usapan na to na may kinalaman kay saab, it is me and kassandra now", ang bahid na inis na sagot niya dito.
"Hmm, ito naman siya kung si kassandra eh di si kassandra,mag ka ng magalit kung yan ang nais mo, basta tandaan mo, lahat ng kasagutan sa tanong ko andyan sa puso mo,palagi kang makinig dyan di ka niyan imamali. Yung inaakala mong mali dati, kung nakinig ka lang sa sinasabi ng puso mo, malalaman mong mali ang naging hakbang mo. Bweno halina at baka nag aantay na ang tatay mo ,makapamasyal ka man lang dito sa atin bago ka matali.
Sabi nito at nagpatiuna na tinungo na ang pintuan ng kanyang kwarto. Leaving him in awe with the her statement.Tila may tinutumbok ang pahayag nito, ano ung kung nakinig lang siya puso niya malalaman niyang mali ang ang hakbangin niya, ano yun? tanong niya sa sarili, nahihiwagaan pa rin siya sa mga sinabi nito. Di na niya naituloy ang pag-iisip pa dahil narinig na niya ang busina ng sasakyan sa baba. Tsaka na niya ninilayin ang lahat ,for now it's time to relax and free himself from all those thoughts na bumabagabag sa kanya.Nag mamadali na siyang lumabas ng kwarto at tinungo ang sasakyang gagamitin nila sa pamamasyal. Andhn na si yaya at tatay na pawang nakaabang na sa kanya. At hayun pa rin ang di maipaliwanag na tinging ibinibigay sa kanya ng matandang babae.