Kathang Isip 02

"Hindi pa ba gising yan?"

"Ang ganda niya diba?"

"Hmm."

"Gisingin niyo na."

"Ano kaba, Helen. Mamaya na."

Nagising ako dahil sa mga boses na iyon. Unti unti akong nag mulat ng mata.

Where am i?

Bakit hindi pamilyar saakin ang silid na ito?

Unti unting bumalik sa aking alaala ang nangyari kagabi. Si Karl, ang mga magulang niya at ang aksidente!

Humahangos akong napabangon dahilan kung bakit gulat na napatingin saakin ang mga taong hindi ko kilala.

"Gising na siya!"

Isang matandang babae ang lumapit saakin.

"Hija? Ayos ka lang? May masakit pa ba sayo?" She asked worriedly​.

Lumapit din saamin ang isang batang lalaki at dalawang babae na halatang anak ng matandang lumapit saakin.

"Where am i?" I asked.

Pare parehas na napakunot ang mga noo nila.

"Ano daw, Nay?" Naguguluhang tanong ng bata sa isang babae na kunot ang noo pa ding nakatingin saakin.

Lahat kami ay napatingin sa isang babae ng bigla itong tumawa ng malakas.

"Ano daw pangalan mo, Toy!" Saad niya saka humagalpak ng tawa.

Napatango tango naman ang batang lalaki na nasa harapan ko na.

He smiled. "Ako po si, Totoy. Ganto na po ako oh." Itinaas niya ang isang kamay.

"Payb na ako." He said happily. "Ikaw Ate ganda? Anong pangalan mo? English speaking ka po? Site, what is the name of yours po? Ay! Tama ba yung English ko, Nay?" Napakamot pa siya sa ulo niya saka nag aalangan na nginitian ako.

"Tagalog po pwede? Kung ayaw niyo naman po pwede din english. Magaling na akong mag english eh." Tuwang tuwang dagdag niya. Napakadaldal naman nitong batang ti. Nakakaaliw.

"Hija, pasensya kana. Madaldal talaga itong si Totoy. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Taning ulit saakin ng nag aalalang matanda.

"I'm fine—"

"Wow! Ang galing talaga niyang mag english, Nay! Pwede Ate ganda ikaw nalang teacher ko—"

"Totoy! Halika na nga sa labas."

Binuhat nung isang babae si Totoy saka dinala sa labas. Naririnig ko pa na nag pupumiglas si Totoy kaya napangiti ako.

"Hija?"

Bumalik ang tingin ko sa matanda ng mag salita siya. Halatang kanina pa nila hinihintay ang magiging sagot ko.

I smiled. "Ayos lang naman po ang pakiramdam ko. Nasaan po pala ako?"

"Mabuti naman at maayos na ang pakiramdam mo. Tatlong araw ka na ding tulog simula nung maaksidente ka."

My eyes widened in shocked. "3 days po?" Oh my gosh! Siguradong nag aalala na si Karl!

"Hindi pa magaling ang mga sugat mo. Ang mabuti pa mag pahinga kana muna habang wala pang nag hahanap saiyo."

"Nasaan po ba ako?" Kunot noong tanong ko pero hindi sila sumagot. Ngumiti lang ang matanda saka nag paalam na lalabas ma muna.

Malalim akong napabuntong hininga. "Anong lugar to?" Bulong ko habang nakasilip sa bintana. Puro bukid ang nakikita ko.

Mukhang nasa isang probinsya ako pero paano nangyari yun?

Dali dali kong sinuot ang isang tsinelas na nasa baba ng papag ko saka ako nag lakad palabas.

Wala akong nakitang tao sa sala pag labas ko ng kwarto kaya naman sinilip ko ang kusina.

Napatingin saakin ang Nanay ni Totoy pag pasok ko ng kusina.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya saka muling ibinalik ang tingin sa hinihiwang karne.

"Gusto ko lang po sanang itanong kung paano ako napunta dito?"

Matagal niya akong tinitigan bago itinuro ang upuan.

"Maupo ka."

Agad kong sinunod ang utos niya. Nang makaupo ako ay tumango siya.

"Nalaglag ang sinasakyan mong taxi sa bangin. Nakita ni Nanay ang sinasakyan mo kaya tinignan niya at natagpuan ka sa loob. Agad nag hingi ng tulong si Nanay saka ka dinala dito."

Sa bangin? Nalaglag kami sa bangin?

Gulat akong napatingin sakanya. "Y-Yung taxi driver?" Kinakabahan na tanong ko.

Saglit na napakunot ang noo niya bago nag kibit balikat. "Wala kang kasamang taxi driver sa loob."

My eyes widened again. "P-Paano?"

"Hindi ko alam. Alam mo, kaysa inistress mo ang sarili mo, tulungan mi nalang ako dito." Mataray na sabi niya.

Tinaasan niya ako ng kilay ng nakipag titigan lang ako sakanya. "Ano?"

Tumango ako at tumayo. Isa akong chief kaya naman walang problema saakin ang pag luluto.

Nakanganga lang niya akong pinapanood ng mag umpisa ako sa pag hiwa sa mga gulay. Mabilis ang galaw ko kaya halatang nagulat siya.

"P-Paano mo iyan nagagawa?"

I smiled. "Isa akong chief."

"Chief ka?" Gulat na tanong niya. Tumango lang ako saka pinag patuloy ang pag luluto.

Ako na ang nag luto ng sinigang. Nang matapos ay siya na ang nag presinta na tatawag kila Totoy.

"Hello, Ate ganda."

Ngumiti ako kay Totoy na siyang unang pumasok sa kusina. Pinag patuloy ko ang pag hahain habang siya ay naupo na saka ako pinanood.

"Hmm. Smells so much good po! You are cook that ulam po?" Tuwang tuwang tanong niya. Natawa ako sa english niya pero kahit na ungrammatical ay naiintindihan ko naman.

"Yes." I said and smiled at him.

Mukhang hindi lang ako chief. Magiging teacher din ako sa english ng batang ito.

Pumasok na din naman ang tatlo. Nagulat sila ng malamang ako ang nag luto.

"Nako, nakakahiya naman at ikaw pa ang nag luto."

I chuckled. "Ayos lang po. Mahal ko po ang pag luluto kaya walang problema saakin."

Napangiti naman ang matanda. "Nalaman nga namin mula dito kay Helen na isa kang chief."

Ngumiti lang ako at hindi na nag salita. Nag umpisa na kaming kumain. Natuwa ako ng makitang nagustuhan nila akong luto ko.

"Hmm. Yummy! Ang sarap po." Lahat kami ay natawa ng mag thumbs up pa saakin si Totoy.

"Nako, Nay. Hindi pa tayo nag papakilala dito kay sleeping beauty." Sabi ng isang babaeng halatang bata pa.

"Oo nga pala. Ako si Gina. Ito naman ang panganay kong anak na si Helen. At ito ay si Jenna." Ngumiti si Jenna saakin saka siya nag lahad ng kamay.

"18 years old palang po ako. Ikaw, Ate?"

Tinanggap ko muna ang kamay niya saka nakipag shake hands bago ako ngumiti sakanila.

"I'm Shenleigh Legaspi po. 22 years old."

Mukhang sa isang masayang pamilya ako napunta.

A/N: Hope you like it!