Kathang Isip is available now on Booklat. Follow me on Booklat sweethearts <3 @itsmemary po ang username ko. Thank you!
—
Ikwinento ko sakanila ang nangyari saakin bago ang aksidente. Kung saan sinabi saakin ng harapan ng Dad ni Karl na ayaw niya saakin para sa anak niya. Pati na din ang narinig kong pag uusap ng mag ina.
"Iba talaga ang ugali ng mayayaman. Lalo na pag kilala ang pangalan nila." Sabi ni Tita Gina.
Ngumiti ako saka tumango.
"Kamusta ang puso mo, Ate Shen?" Tanong ni Jenna.
I chuckled. "Makaka survived pa."
Umaasa pa din akong hinahanap ako ni Karl. Siguradong, nabalitaan na niya na ang nangyaring aksidente. Hinahanap din kaya ako ng pamilya ko? Sila Mama at Papa? Si Ate? Hinahanap din kaya ako ni Kuya? Ang best friend kong si Amethyst? Sigradong nag aalala na sila saakin.
Pag katapos ng tanghalian ay si Jenna na ang nag presintang mag huhugas. Habang ako naman ay hila hila ngayon ni Totoy. Nag lalakad kami ngayon palabas ng bahay dahil gusto niya daw akong ipakilala sa mga kaibigan niya.
"Ate Ganda, halika na. Ang bagal mo naman." Pag rereklamo niya.
I chuckled a bit. "Oo na."
Pag labas namin ng balkonahe, nagulat ako ng makita ang mga maraming bata na nasa labas habang nakangangang nakatingala saakin.
Ang dami naman nila. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Napanganga ako ng makitang sobrang daming bahay na halos mag kakadikit dikit na.
"Oh, ito ang Ate Ganda ko. She's beautiful, right?"
Wala sa sariling nag tanguan ang mga bata habang nakanganga pa ding nakatingin saakin.
I smiled and greeted them. "Hi, kids."
Napatingin ako kay Totoy ng bigla itong pumalakpak. He looked amazed.
"Sabi ko sainyo eh, spokening dollars ang Ate Ganda ko!" Pag mamayabang niya saka ako tuwang tuwang itinuro. Napangiwi ako ng makita ang sipon niyang tutulo na, na agad naman niyang sininghot.
"W-Wow!"
"Ang Ganda nga ni Ate Ganda mo!"
"She is so much beautiful."
"Mali ka naman! She is very beautiful, yon! Tanga mo!" Napangiwi ako ng marinig ang pag mumura nung bata. Agad akong yumuko sa harapan niya.
"No bad words. Masama iyon." I said softly. Agad agad namang tumango ang bata saka mabilis na tinakpan ang bibig.
"Hindi na po ako mag mumura." Dagdag niya saka tinakpan ulit ang bibig.
"Very good." I said and smiled sweetly.
Tinignan ko isa isa ang mga batang nakangiting nakatingin saakin.
"Anong mga pangalan niyo?" I asked.
"Ako po si Jada."
"I'm Kikay."
"Ako naman si Momoy."
"Ako po si Anna."
"My name is Beauty!"
"Mary is here!"
"Jojo po ang pangalan ko. Pero niyo din po akong tawaging Jo para mas maliit. Hehe!"
"Ang daldal mo, Jojo. Hmp! Hi, Ate Ganda. Ako naman si Trisha. Ayun bahay namin oh!" Sabi niya saka tinuro ang isang bahay na hindi kalayuan.
I smiled and nodded.
"Jerick po ako."
"Dandan ang pangalan ko po."
"Nice to meet you all." I said happily.
Nakakatuwa silang pag masdan. Kahit na medyo madumi na sila dahil sa pag lalaro. Ang cute cute nila. Idagdag mo pa itong si Totoy na ang gwapo na dinagdagan pa ng dalawang dimple niya sa mag kabilang pisngi.
Isang bata ang kumalabit saakin na nakilala ko bilang Kikay. "Ate Ganda, ano pong ibig sabihin ng nice to meet you all?"
"Ibig sabihin non, kinagagalak ko kayong makilala." Si Totoy na inunahan ako.
"Ano bang nilalaro niyo?" Tanong ko habang pinag mamasdan sila.
"Harang daga po, Ate Ganda. Gusto niyo po bang sumali? Ayun po oh!" Itinuro ni Trisha ng lupa kung saan may nakaguhit na malaking box.
Nakangiti akong umiling. "Hindi na, panonoorin ko nalang kayo."
Nag sitanguan naman sila, pagkatapos ay nag sibalikan na sa nilalaro.
Ang grupo nila Totoy ang taya. Natatawa ako tuwing nakakapasok sila Jada.
Naramdaman kong may naupo sa tabi ko, hindi ko ito tinignan kundi hinintay nalang na mag salita.
"Makukulit ang mga batang yan." She said. Sinulyapan ko siya saka nginitian.
"Halata nga."
"Ikaw pala ang bukambibig ni Totoy na si Ate Ganda. Totoo nga ang sinabi niya, maganda ka nga." Mahina akong natawa sa sinabi niya. Ganun din naman siya.
"Ako nga pala si Valerie."
Nakangiti kong tinanggap ang nakalahad niyang kamay.
"I'm Shen."
Halatang mag kasing edad lang kami ni Valerie.
Sabay naming pinanood ang mga batang nag lalaro ng harang daga. Ilang saglit pa ay lumabas na din si Jenna at nakipag usap saamin.
"Gwapo ba si Karl?" Kinikilig na tanong ni Jenna saakin.
I chuckled and nodded. "Of course. He's also a gentleman." I said proudly.
Napangiti naman ang dalawa. "Mahal na mahal mo siya no? Sigurado ako kung mahalk ka talaga nyan, ipaglalaban ka niyan sa pamilya niya." Sabi ni Valerie.
Ngiti lang ang naging sagot ko.
Mahal nga ba talaga niya ako?
Kaya niya kaya akong ipag laban sa pamilya niya?
O isusuko nalang at babaliwalain ang ilang taong pinag samahan naming dalawa.
"Alam mo para mawala yang lungkot sa mata mo, ipapasyal ka nalang namin dito." Suggestion ni Valeria.
Nagustuhan ko ang sinabi niya kaya naman sumang ayon agad ako.
"Kailan?" Naeexcite na tanong ko.
"Bukas."
I smiled. "Promise niyo yan ha."
Nag kayayaan kaming lapitan ang mga bata na nag lalaro.
"Ate Ganda, sasali na po kayo?"
Natatawa akong umiling. "Hindi na kami pwedeng mag laro ng ganyan, Totoy."
Sumimangot siya kaya natawa ako. "Bakit po?"
"Dahil dalaga na kami, Totoy." Si Jenna ang sumagot.
Mukhang naintindihan naman siya ni Totoy dahil tumango ito.
"Tuturuan ko nalang kayo mag english."
Nagulat ako ng nag silapitan silang lahat saakin.
"Talaga, Ate Ganda?"
"Ibig sabihin magiging spokening dollors na din po kami? Yehey!"
"Promise, Ate Ganda?"
Itinaas ko ang kamay isang kamay ko bilang nangangako. Ngumiti ako sakanilang lahat sabay sabing. "Promise."
"Yehey!"
Isang malakas na sigaw ang nag pahinto saaming lahat.
"NANDYAN NA ANG MGA SILVESTRE! NANDYAN NA ANG MGA SILVESTRE!"
"ANG MGA SILVESTRE NANDYAN NA!"
—
A/N: Hope you like it!