"NANDYAN NA ANG MGA SILVESTRE! NANDYAN NA ANG MGA SILVESTRE!"
"ANG MGA SILVESTRE NANDYAN NA!"
Nagulat ako ng makitang nag silabasan ang mga tao sa loob ng mga bahay nila ng marinig ang sigaw na iyon.
Maski sila Tita Gina at Ate Helen lumabas din ng bahay. Apat na mag kakasunod na itim na Van ang pumarada sa kalsada. Nakita ko ang pag aliwalas ng mga mukha nila ng huminto ang Van. Napakunot ang noo ko. Anong nangyayari?
Tumingin ako sa dalawang kasama ko na si Valerie at Jenna na ngayon ay parehas na nakangiti habang nakatingin sa humintong apat na Van.
"Shit! Nandito na sila." Agad akong napalingon kay Jenna ng mag salita siya.
"Sino ang mga yan?" Kunot noong tanong ko.
Kinikilig akong tinignan ni Jenna. "Sila ang Silvestre family, ang mababait na pamilyang walang sawang tinutulungan kami dito." She said and giggled.
"At hindi lang yon. Ang gwapo pa ng anak nilang si—"
"George Silvestre." Sabay na sabi nila ni Valeria.
Nanlaki ang mata ko ng makitang parehas din silang namula.
Bumalik muli ang tingin namin sa mga Van ng bumukas ito. Isang magandang babae at gwapong lalaki ang lumabas sa unang Van.
Halata namang sila ang mag asawang Silvestre. Parehas silang nakangiti ng tuluyang makalabas. Ang pangalawang Van ay puro tauhan ang laman at ang pangatlo ay puro relief goods.
Wow! Naiwan ako ng lahat sila ay nag silapitan doon.
"Magandang hapon po Mr and Mrs. Silvestre."
"Good afternoon. Pasensya kung hapon na kami may inasikaso pa kasi itong si Jordan." Rinig kong sabi nung Mrs. Silvestre.
Ilang sandali pa silang nag kamustahan bago inutusan ni Mr. Silvestre ang mga tauhan nila na ayusin na ang ipamimigay na relief goods.
"Tutulong po kami, Mr. Silvestre." Rinig kong sabi ni Jenna.
"Sige lang, hija." Hinila na ni Jenna si Valerie saka sila lumapit sa mga tauhan at tumulong. Nang masulyapan ako ni Jenna ay ngumiti ito saakin saka ako niyaya.
"Ate Shen, halika! Tulong ka!" Dahil sa sigaw ni Jenna ay napatingin saakin ang mga tao. Nahihiya akong ngumiti sakanila bago nag lakad patungo kila Jenna at Valerie.
"Sino yan?"
"Yan ba yung tinulungan ni Manang Gina?"
"Ang ganda naman niya."
Narinig ko lahat ng mga sinabi nila pero hindi ko nalang iyon binigyan pansin.
"Ate Ganda ko yan!" Nangibabaw ang sigaw ni Totoy.
Nilingon ko ang gawi niya, karga karga siya ngayon ni Ate Helen. Ngumiti lang ako sakanya bago ipinag patuloy ang pag lapit sakanila.
Nang makalapit ako sakanila ay tumulong na ako kila Jenna sa pamimigay ng relief goods sa mga taong nakapila. Lahat ng inaabutan ko ay nginingitian ko.
Pansin ko din ang titig saakin ng mag asawang Silvestre. Ngumiti ako sakanila bago ibinalik ang atensyon sa pamimigay ng relief.
Napakunot ang noo ko ng makarinig ng hagikhikan ng mga babae. Kunot noo kong nilingon ang tinitignan nila.
Isang gwapong nakasalamin na lalaki ang bumaba sa pang apat na Van. Ito ba ang tinutukoy nila Jenna at Valerie?
"Ang gwapo niya!"
"Camille, gosh! Crush ko na talaga siya!"
Mukhang hindi lang sila Valerie at Jenna ang may gusto sa lalaking to kundi halos lahat ng mga babae dito ay may gusto sakanya.
Laglag ang panga ko ng makita ang buong mukha niya ng nakangiti niyang tinanggal ang kanyang salamin.
He's so tall and handsome as hell. Shit!
Nanlaki ang mata ko ng makitang dumako ang tingin niya saakin. Dali dali akong nag iwas ng tingin saka natatarantang nag abot ng relief sa nasa harapang nakapila.
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko ng marinig ang mahinang tawa niya. Ako ba yung tinatawanan niya? Kunot noo ko siyang pasimpling sinulyapan. Muling nanlaki ang mata ko ng kinindatan niya ako. Holy shit! What's the meaning of that?
Narinig ko ang masayang tawa ni Mrs. Silvestre. Nasalo ang tingin ko dito na ngayon ay nakatingin din saakin. Nginitian niya ako bago lumapit sa anak.
"Mabuti naman at lumabas ka na din sa Van." Iniwas ko na ang tingin sakanila at muling nag focus dito sa relief. Pero naririnig ko pa din naman ang pinag uusapan nilang mag Ina.
"Tumulong kana sa relief goods. Tabihan mo siya." Rinig kong sabi ni Mrs. Silvestre. Hindi ko na binigyan pansin iyon dahil marami pang taong nakapila.
"Sure, Mom."
Nakangiti lang ako habang nag bibigay ng relief goods.
"Thank you po."
I smiled and nodded.
Maya maya lang ay nakaramdan ako na may tumabi saakin.
Tinignan ko ito at nanlaki ang mata ko ng makita si George Silvestre na nasa tabi ko. Nasa relief goods ang atensyon niya kaya malaya ko siyang napagmamasdan.
"Staring is rude." He said palyfully.
Agad akong nag iwas ng tingin dahil sa sinabi niya. I heard him chuckled. Damn. He smells so damn great! Ang bango, bango!
"What's your name?" He asked.
Hindi ko alam kung sino ang kausap niya kaya hindi ko siya tinignan. Muli akong nag abot ng relief sa nakapila.
"Hey! I'm talking to you, Ms. Newbie."
Ako ang kinakausap niya! Saglit ko siyang sinulyapan bago nag salita.
"I'm Shenleigh Legaspi." I said.
"Hmm. Ate Ganda, huh." Agad akong napatingin sakanya dahil sa sinabi niya. He smirked at me.
Bumalik siya sa pamimigay ng relief goods ng walang sinasabi. Ganon din naman ang ginawa ko. Narinig niya ba ang sinabi ni Totoy kanina? Pero nasa loob siya ng Van.
"Ate Shen. Mag meryenda na muna tayo." Nabaling ang tingin ko kay Jenna.
Nakatingin na siya ngayon sa taong nasa likod ko.
"Sir George, meryenda po." Namumulang sabi niya.
Nag pahila lang ako kay Jenna ng kunin niya ang kamay ko saka ako hinila. Ibang trabahador ang pumalit sa trabahong iniwan namin nila Jenna. Nakangiti si Mrs. Silvestre ng salubungin kami.
"Mag meryenda na muna kayo." She said and smiled. Tumango naman kami at kumuha ng meryenda. Sandwich at orange juice ang binigay saamin. Nang mag tama ang tingin namin ni Mrs. Silvestre ay nginitian niya ako kaya naman nginitian ko din siya pabalik.
"Mabuti naman at nagising kana, Hija. Anong pangalan mo?" Nagulat ako sa tanong niya pero sumagot pa din ako.
"Shenleigh Legaspi po." I said and smiled. She nodded.
"Mukhang nag tataka ka kung bakit kilala kita. Nalaman kasi namin mula kay Manang Gina na may tinulungan siyang babaeng naaksidente kaya binisita ka namin."
Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit mukhang kilala nila ako.
—
A/N: Hope you like it sweethearts!