Bumalik na din kami sa bahay ng matapos kami. Hinintay pa naming tuluyang makaalis ang mga Silvestre.
"Ang mga Silvestre ay napakabait na pamilya. Hindi sila nag sasawa na tulungan kami rito."
Kumakain na kami ngayon ng hapunan habang si Tita Gina ay nag kwekwento. Kami naman ay nakikinig lang.
"Ang totoo nyan, sila ang may ari ng lupa dito." Dagdag ni Tita.
I smiled. "Ang swerte niyo po sakanila."
Jenna chuckled. "Tama ka dyan, Ate Shen."
Nang matapos kaming kumain ay nag presinta akong mag huhugas pero hindi nila ako pinayagan. Sa halip ay inutusan nalang akong mag pahinga.
Pag labas ko ng kusina ay nakita ko si Totoy sa sala. May isang libro, isang notebook at isang lapis na nakapatong sa lamesang nasa harapan niya.
Nag kakamot sa ulong inilipat niya ang pahina ng libro.
Lumapit ako sakanya at naupo sa tabi niya. Agad siyang ngumiti ng makita ako.
"Hello, Ate Ganda. I'm busy right now po."
Itinaas niya ang libro at notebook saka iyon pinakita saakin.
I smiled. "You need help?" I asked.
Saglit na napakunot ang noo niya bago mabilis na umiling. "No, Ate Ganda. I can do it po." He said and smiled sweetly.
Mahina akong natawa bago tumango sakanya. "Sige, manonood nalang ako."
Nakangiti naman siyang tumango.
Pinanonood ko lang naman siyang sinusulat ang nasa libro.
"Mag grade one na po ako sa pakusan, Ate Ganda." Pag kwekwento niya habang nag susulat pa din.
"Talaga? Marunong kana bang mag basa?"
"Oo naman po! Gusto mo bang marinig, Ate Ganda?"
I smiled and nodded.
"Wait po."
Nilipat niya ang pahina ng libro.
"Ito po. Babasahin ko na po. Si Anna ay nag dilig ng kanilang halaman sa bakuran."
Pinanood ko lang siya habang nag babasa. Matalino siyang bata, halata naman.
Nag sumapit ang alas otso ay pinatigil na din siya ni Ate Helen para makapag pahinga na.
"Good night, Ate Ganda."
"Good night, Totoy."
Apat ang kwarto ng bahay nila kaya may sarili akong kwarto.
Naramdaman ko lang ang pagod ko ng tuluyang makahiga.
Kinabukasan ay maaga akong bumangon para mag luto ng umagahan. Hotdog at sunny side up eggs ang niluto ko.
"Good morning po." I greeted. Nanlaki ang mata ni Tita Gina ng makita ako.
"Nag luto ka?" Gulat na tanong niya. Tumango naman ako.
"Opo. Nasanay na po kasi ako, pasensya na."
"Nako, okay lang."
Nang magising sila Ate Helen ay nag almusal na din kami.
Nalaman ko din na kasambahay sila Tita Gina at Ate Helen ng mga Silvestre. Isasama nila ngayon si Jenna sa Mansion ng mga Silvestre kaya akl na ang nag presintang mag babantay kay Totoy. Hindi din matutuloy ang pamamasyal namin ngayong araw. Nangako naman si Jenna na, ipapasyal pa din nila ako.
Alas otso ng umaga, umalis sila Tita. Habang nag lalaro si Totoy sa labas ay naisipan kong mag linis dito sa loob ng bahay.
Habang nag pupunas ng bintana ay napakunot ang noo ko ng makita ang isang itim na Van na huminto. Ang Van ng mga Silvestre! Teka, anong ginagawa nila dito? Mag bibigay ulit kaya sila ng relief goods?
Maraming tao ang lumabas ng makita ang Van. Pati ang mga batang nag lalaro ay napahinto dahil sa dumating.
Nanlaki ang mata ko ng tuluyang nakita ang taong sakay ng Van ng bumukas iyon.
Anong ginagawa niyan dito?
Nginitian at kinausap niya ang mga taong lumalapit sakanya. Kunot pa din ang noo ko habang pinag mamasdan siyang nakikipag tawanan sa mga tao. May ibang babae ding lumapit sakanya.
Napailing iling nalang ako saka pinag patuloy ang ginagawang pag pupunas ng bintana.
"Hinahanap mo ang Ate Ganda ko, Kuya George? Andun siya oh!"
Nang marinig ko ang sinabi ni Totoy, agad akong nag angat ng tingin. Sakto namang nag tama ang mata namin ni Mr. George Silvestre.
Nanlaki ang mata ko at dali daling nag iwas ng tingin. Ibinalik ko ang atensyon sa ginagawang pag punas ng bintana.
Tama ba ang narinig ko mula kay Totoy na ako ang hanap niya? Teka, bakit naman?
"Pwede bang pumasok?" Napatalon ako sa gulat ng marinig ang boses niya. I heard him chuckled.
"I'm sorry. Mukhang nagulat kita." Natatawang dagdag niya.
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko bago umayos ng tayo. "Pasok po kayo, Mr. Silvestre. Sila Tita Gina po ba ang hanap niy—" He cut me off.
"I'm here to see you. And just call me George."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
Tumaas ang kilay niya saka mahinang natawa. "Sobrang gwapo ko ba kaya speechless ka?"
My jaw dropped. "W-What?!"
He chuckled. "Don't deny it. I know I'm handsome."
W-Wow!
Napailing iling nalang ako. Itinuro ko sakanya ang upuan. "Maupo ka muna. Kukuha ako ng meryenda."
Tumalikod na ako saka nag lakad papasok ng kusina. Nag prito ako ng sunny side up eggs. Pinainit ko din ang tinapay bago nag timpla ng juice.
Nag tira ako ng tinapay at itlog para kay Totoy bago inilagay sa tray ang meryenda ni Mr. Silvestre.
Pag labas ko ng kusina ay inilagay ko sa maliit na lamesa ang meryenda.
"Meryenda ka muna."
Tipid ko siyang nginitian. Nakaramdam ako ng pag kailang ng mapansing nasa akin pa din ang titig niya.
"M-May dumi ba ako sa mukha?"
Hindi siya sumagot pero nasa akin pa din ang tingin niya. Kaya naman tumayo nalang ako saka lumapit sa may salamin para tignan ang sarili kong mukha kung may dumi ba.
Napakunot ang noo ko ng makitang wala namang dumi. Malinis naman ang mukha ko.
Napatingin ako sakanya ng bigla siyang tumawa.
"Mr. Silvestre—"
"You're beautiful."
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi niya.
"Thank you, Mr.—" He cut me off.
"I like you."
Holy shit!
—
A/N: Hope you like it. Tinatamad akong mag sulat ngayon kaya pasensya na sa UD.