I'm his chief now.
Saktong five o'clock umalis ng bahay si George. Bukas, isasama na ako nila Tita Gina sa Mansion ng mga Silvestre.
"Mag pahinga ka na. Maaga tayo bukas."
"Sige po."
Pag pasok ko ng kwarto, nagulat ako ng sumunod saakin ang nakangising si Jenna kaya naman napakunot ang noo ko.
"Uyy!"
"Bakit?" Kunot noong tanong ko.
She chuckled. "Kaya pala umalis ng Mansion si Sir George ay para puntahan ka, Ate Shen. Yiee!"
Mabilis akong umiling. "H-Hindi!"
Tumawa lang ulit siya saka nag lakad palapit saakin at naupo sa higaan ko.
"May gusto sayo si Sir George no? Alam mo, Ate Shen. Hindi na nakakapagtaka kung na-love at first sight sayo si Sir George, ang ganda ganda mo kaya." Sabi niya sabay thumbs up. Halatang kinikilig siya dahil napapatili pa siya.
"Jenna, mali ka ng iniisip."
She just shrugged. "Good night, Ate." He said and winked at me.
Napabuntong hininga ako ng tuluyang makalabas si Jenna ng kwarto.
Bakit naman niya naisip na may gusto saakin si George? Porke ba mag hapon na nandito?
Hay, bahala na nga.
Nahiga na ako at hinintay na dalawin ng antok.
Alas singko ng umaga ng bumangon ako. Ginawa ko muna ang morning rituals ko bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko na nag kakape sila Tita Gina at Ate Helen sa kusina.
Five thirty kami umalis ng bahay. Si Jenna na ngayon ang mag babantay kay Totoy.
Sumakay lang kami ng tricycle patungo sa Mansion ng mga Silvestre.
20 minutes ang naging byahe namin bago tuluyang makarating sa Mansion ng mga Silvester. Laglag ang panga ko ng tuluyang makita ang Mansion.
Kung ang Mansion nila Karl ay malaki, mas malaki pa din ang Mansion na nasa harapan ko ngayon.
Nakasunod lang ako kila Tita Gina at Ate Helen papasok ng Mansion.
Sobrang nakakalula ang ganda ng loob ng Mansion. Maraming katulong ang sumalubong saamin. Ang ibang napapatingin saakin ay nginingitian ko.
"Shenleigh, hija. You're here!"
Lahat kami ay nag angat ng tingin sa malaking hagdan kung nasaan si Mrs. Silvestre na pababa at masayang nakatingin saakin.
"Good morning, Ma'am." I greeted.
She smiled. "Good morning, hija. Beth, samahan mo nga itong si Shenleigh sa kwarto ni George." Pag uutos ni Ma'am Silvestre sa isang katulong.
"Ma'am, ako nalang po." Pag prepresinta ni Ate Helen. Agad namang pumayag si Mrs. Silvestre kaya umakyat na kami ng hagdan ni Ate Helen.
"Ang laki ng Mansion nila diba? Ang kwarto ni Sir Georgee ay kasing laki ng bahay. Kumpleto na din lahat kaya naman mag hapon kang nasa kwarto lang niya."
My eyes widened in shocked. "Parang condominium?!"
"Oo."
Napahinto ako sa pag lalakad ng huminto din si Ate Helen. Agad kong sinundan ng tingin ang tinuro niya.
"Hanggang dito nalang ako. Yan ang kwarto ni Sir George. Hindi na ako mag tataka kung hindi na siya lalabas."
"H-Huh?"
Hindi ko naintindihan ang huling sinabi ni Ate Helen. Hindi naman niya ako sinagot kundi ay nginisian lang.
Nang tuluyang makaalis si Ate Helen ay tinungo ko na ang daan papuntang kwarto ni Sir George.
Napatingin ako sa susing kanina ko pa hawak. Binigay ito saakin ni Mrs. Silvestre kanina bago kami umakyat sa hagdan.
Gami ang susi, binuksan ko ang nakalock na pinto ni Sir George. Napanganga nalang ako ng tuluyang makapasok at nakita ang loob ng kwarto. Malawak na living room ang sumalubong saakin. May dalawang pintuan na sa tingin ko ay kwarto.
Tama nga si Ate Helen, isang bahay itong kwarto ni Sir George. Tinungo ko ang kusina.
Hindi ko alam ang oras ng gising ni Sir George. Naisipan ko nalang na mag luto ng breakfast niya.
Nang matapos akong mag luto, muli akong bumalik sa living room. Nilapitan ko ang isang pinto ng kwarto, hindi ito nakalock kaya naman binuksan ko. Walang tao pero malinis ang loob. Muli kong isinara ang pinto saka nilapitan ang kabila.
Tatlong beses akong kumatok bago nag salita. "Sir George? Breakfast is ready!"
Muli akong kumatok ng walang sumagot. "Sir? Sir George? Gising na po. Breakfast is ready!"
Agad akong lumayo sa pinto ng makarinig ng isang kalabog mula sa loob ng kwarto. Mukhang may nalaglag. Ano yun?
Nanlaki ang mata ko ng bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwan noon si Sir George na bagong gising. Shit! He's topless.
He smiled. "Good morning, baby."
Napangiwi ako ng marinig ang huling salitang sinabi niya.
"Nakaluto na po ako ng breakfast niyo, Sir." Pang iiba ko ng usapan saka tinuro ang kusina.
Saglit na napakunot ang noo niya bago nakasimangot na tumango saakin.
"I'll take a bath."
Tumango naman ako. "Sige."
Tumalikod na ako saka nag lakad pabalik sa kusina para mag hain.
Napapikit ako ng maamoy ang mabangong amoy na pamilyar na saakin ngayon.
"Hey, baby."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Itinuro ko ang upuan sakanya. "Maupo kana, Sir."
"Anong sabi ko sayo?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala naman akong naaalala na may sinabi siya.
"Huh?"
He tsked. "Tawagin mo akong George. Stop calling me Sir." Nagulat ako ng isnaban niya ako.
Nakasimagot siyang nag lagay ng pag kain sa plato niya. Hindi niya ako hinayaang asikasuhin niya.
I sighed. "Okay, fine."
Napangiwi ako ng makitang umaliwalas ang mukha niya.
"Kumain kana muna. Mag lilinis lang ako." Sabi ko. Uminom muna ako ng tubig dahil nakaramdam ako ng pag kauhaw bago tumalikod na at nag lakad palabas.
Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng kusina ng marinig kong nag salita siya.
"Baby, wait!"
Napipilitan ko siyang nilingon. "What?!" I asked.
He smirked. "Baby, where's my good morning kiss?"
Nanlaki ang mata ko ng tuluyang maintindihan ang sinabi niya. Damn.
"Where's my kiss?"
Agad kong binato sakanya ang napulot kong bato mula sa maliit na bulaklak na nasa paso dito sa kusina. Agad naman siyang nakailag kaya hindi siya natamaan.
"Gago!"
He just laughed out loud.
—
A/N; Hope you like it, sweetheart <3