Isha's POV
"Oh ano gagawin natin dito? " Tanong ni gago.
"Tsk! Bumili ka ng kape. "Sagot ko sa kaniya.
"Sure! " Inilahad niya ang kaniyng palad. "Bayad? "
Itinuro ko ang sarili ko, "bakit ako? Ikaw ang magbabayad. "
"Ok. What flavor do you prefer? " Tanong niya bago umalis.
"Hershey's dark chocolate. " Sagot ko.
Masyado pang maaga kaya sa 7/11 muna kami tumambay. Third week ko ng kasama 'tong si gago. So far, so good. Minsan kahit hindi ko siya inuutusan nakasunod parin sa'kin. Ang hilig mang-asar!
"Ang sabi ko, Hershey's! Bakit iba 'to? " Singhal ko sa kaniya.
"Kalma... Ito na... " Saka niya iniabot sa akin ang kape. "Bakit ka ba palaging galit? "
Napatigil ako sa pagsigop ng aking iniinom. "Galit? Hindi naman ako galit. "
"Anong hindi? Palagi nga'ng mataas ang boses mo. " Giit niya.
"Mataas lang ang boses ko, pero hindi ako galit! " Pangangatuwiran ko.
"Ok. Sabi mo eh. Ano nga pala issue mo kaya Haughes? " Tanong niya.
"Chismoso ka talaga eh noh? I told you, it's none of your business! " Singhal ko sa kaniya.
"OA... " Pabulong niyang saad.
"Ano?! " Tinarayan ko siya.
"Wala! " Sagot niya. "Mahilig ka ba sa basketball? "
"Hindi! " Tipid kong sagot.
"Ah... Ok. " Binaliwala ko na lang siya. Iniisip ko kasi ang debate namin mamaya. "Occupied yata ang utak mo. "
"Naghanda ka na ba sa debate mamaya? " Tanong ko sa kaniya. Potspa! Kagrupo ko to eh.
"Ofcourse! Ako pa! " Pagmamayabang niya.
"Wow hah! Ang yabang mo! " Saad ko.
"Wew heh! Ang OA mo! " Ginagaya pa niya ang boses ko.
"Tse! " Inirapan ko siya.
"Group 3 and 4! " Tawag ni sir sa amin.
Medyo maingay ang buong paligid ng aming room dahil sa debate na gagawin.
"Tara na! " Yaya ko sa mga kagrupo ko.
Ako lang ba? Ang kabado sa debate na to? Chill lang kasi mga kagrupo ko eh! Take note mga lalaki ang mga kasama ko. Haysstt! Si sir kasi...
Four groups has only eight members, while the other two groups has nine. Since we're all fifty in class. One member for the first speaker. Two for the second speaker. And lastly one for the third speaker. The rest will prepare the questions.
Naka pwesto na kami nang sumenyas si sir na simulan na ang debate. Naunang magsalita ang first speaker ng pangatlong grupo, which is grupo nina Lindsy.
"Good morning, sir! Good morning classmates. And ofcourse to our opponent! Our topic is, 'Phillipines should approve divorcement'. We on the affirmative side would say 'yes' and our stands will be discuss by our second speaker. Thank you! " Napairap na lang ako sa aking mata. Tsk! Hindi ako intirasado sa ganitong bagay.
'Yon na nga nagsimula na silang magtanong. Mula sa ganoong topic hanggang sa hugotan ang kinalalabasan ng debate. Sabi ko na nga ba eh! Ito namang si sir nag-e-enjoy din. Samantalang tudo sagot naman itong mga ulopong na kasama ko. Ako naman nakaupo lang at nakikinig. Out of place is me. Ako lang kaya ang babae sa grupo namin.
"Dapat lang talaga na may divorcement dito sa pilipinas, nang sa gan'on ay may kalayaan ang ibang mag-asawa na humiwalay sa kapares nila kung ayaw na nila. Ipipilit pa ba natin ang relasyong hindi natin gusto? 'Di ba guys? " Pangangatuwiran ng kagrupo ni Lindsy.
"Wooooooohhhh! Agreeeeeeee! " Sagot ng mga kaklasi ko. Hiyawan na naman sila.
"Nope! Nagpakasal kayo tapos maghihiwalay lang? Dapat sana hindi na lang! Gastos lang kayo eh! Pinagdesisyonan niyong magpakasal kaya nararapat lang na panindigan! " Sagot ng kagrupo ko.
Pumalakpak naman ang mga supporters namin, "tama! Tama! Woooohhhhh! "
"Wow! Talagang nanggaling pa sa inyo ang salitang panindigan hah?! Eh kayong mga lalaki nga ang manloloko! " Singhal ng kagrupo ni Lindsy.
Umapila naman ang kagrupo ko. "Oiii! Teyka! Hindi lahat ng manloloko, lalaki. Minsan nga mas pamanakit kayong mga babae! Kasalanan ba naming nagpaloko rin kayo? Hah? 'Di ba mga pre?! "
"Oo nga! Hahhahah! " Kantyaw ng mga kalalakihan! "Wooohhhhh! "
Kulang na lang ay mabasag ang tainga ko sa ingay nila. Ito namang si sir hindi lang pinigilan. Friday kasi ngayon kaya normal lang ganito ang vibes.
Si Lindsy ay nakiki-debate rin. Talaga lang hah!? Napaka seryuso niya.
"Grabe! Pag manloloko, lalaki agad? Sabagay pag-gwapo, ako agad! Woooohhhhhh! "
At ayon! Kumukulog ang ingay ng upuan dahil sa hiyawan nila. Napasapo ako sa aking noo. My goodness gracious! Ang yabang ni Gago!
"Iba talaga kapag, Melendres! Wohhhhhhhhhhhhhh! " Sigaw ng isa kong kaklasi.
Potspa! Ang daming supporter ni gago!
"Tse! Ang yabang mo! Kaya nga dapat ipapatupad ang divorce rito sa Pilipinas dahil sa mga manlolokong kagaya niyo! Gwapo nga cheater naman! " Banat ng kagrupo ni Lindsy.
"Hindi lahat cheater! Bashtah! Para sa amin bawal ang divorce sa Pilipinas. May malaki kasing epekto 'yon sa mga anak. Sa bawat mga magulang na naghihiwalay, mga anak ang mas kawawa. Kaya NO to divorce! " Giit ni Gago.
Aba! Aba! Magaling din. Maski ako ay napapalakpak sa sagot niya.
"Sige ikaw nga! Kaya mo bang magpakatanga sa taong wala ng gusto sayo? " Tanong ng kagrupo ni Lindsy.
Natahimik ang lahat sa tanong niya. Tiningnan ko si Leandre. Medyo nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
"Sagot group 4! " Demand ng mga kaklasi ko.
Huminga ako ng malalim at tumayo. "Oo! Kaya ko! "
"Woah! Matapang! Bakit naman? Kahit alam mong linuluko ka na? " Sunod sunod na tanong ni Lindsy.
"Oo. Da—"
"Oops! Mamaya na. "Pagpigil ni sir. "Third speaker of the affirmative side, it's your turn. "
Bumalik ako ng upo sa aking pwesto. Napalitan ng katahimikan ang ingay kanina.
"Good morning. I'm Lindsy Haughes, third speaker in our group. " Panimula ni Lindsy. "We agree that our country must approve the process of divorcement. For the fact, that we have the right to be free from abusive people and to live with happiness. Nowadays, there's a lot of cases about women being abused by their husbands or likewise. And they're suffering of it—physically, emotionally and even the mental condition of the person. "
"Furthermore, cheating is one reason why a lot of the families are broken. Gaya ng tanong ko kanina, magpapaloko ka pa ba kahit alam mong linuluko ka na? Kung hindi na maganda ang relasyon ng mag-asawa ay nahahantong ito sa away na may kasamang lakas. Upang makalaya ang mga inaabusong asawa ay paghihiwalay ang sulosyon lalo na kapag hindi nadadala sa pag-uusap." Dagdag ni Lindsy. "But the separation of a married couple should be done through a legal process, and divorcement is the answer. That's all, thank you. "
Pumalakpak kaming lahat sa naging paliwanag ni Lindsy. I must admit, she had a point.
"Next! " Pagtawag ni Sir.
Humugot muna ako ng lakas bago tumayo.
"I trust you. " Napalingon ako kay Leandre. Halata sa boses niya ang pagseseryuso niya sa usapin namin ngayon. Tumango ako sa kaniya.
"Good morning to all of us. I'm Isha Villareal, the third speaker in our group. We, on the opposition discussed our opinion in our topic that Phillipines should approve divorcement. I'm here infront to clarify our stand. " Huminga ako sandali.
"Marriage is when the two person decided to tie their relationship and announced theirselves as husband and wife. Along with the legal contract and vows infront of God. The reason why we're not into this separation process because we care the impact of divorcement to the children. Sino ba'ng anak na hindi nangangarap ng kompletong pamilya? 'Di ba wala? May anak ba'ng gustong lumaki na hindi kasama ang mga magulang nila? 'Di ba wala? That's why even our religious sector especially Roman Catholic is against of it. " Pagpatuloy ko.
"Kaya ko bang magpakatanga sa taong hindi na ako ang gusto? Oo! Kakayanin ko. Dahil mahal ko ang taong 'yon. At mahal ko rin ang mga anak ko. Desisyon kong magpakasal, kaya gaya ng sinabi ng mga kagrupo ko paninindigan ko. And besides may pagkakataon pa namang magbago ang taong nanluko sa akin. Sabi nila... Hangga't may buhay may pag-asa. " Tumawa ako ng marahan.
"Mali ang kasabihang 'yon. Dahil hangga't may pag-asa, may buhay! Marami namang nabubuhay na wala na talagang pag-asa. Kung ayaw nating humantong sa puntong kailangan na ng divorcement ang relasyong kinagigiliwan natin, siguradohin na lang nating tama ang bawat desisyon natin. Sa mga kababaihan na madalas biktima ng panloloko, kilatisin niyong mabuti kong siya na ba ang tamang tao. To all the boys, be faithful. I guess, that's all. Thank you! " Saka ako nakahinga ng malalim at umupo.
Nagpalakpakan silang lahat. Sumulyap ako kay Leandre, nag thumbs-up sign pa siya. Tinanguan ko lang siya.
Yes! Buti naman na survive ko ang ganoong debate. Hirap talaga kapag hindi ka nakakarelate sa topic. Huhuhuhu! Nag-congratulate pa sa aming lahat si sir pagkatapos ng debate namin. Todo hiyawan naman ang mga classmates ko dahil nag-eenjoy sila sa ginawa namin.
Nasa gate na ako ngayon at hinihintay si Legrand. Ihahatid niya raw kasi ako sa'min.
"Wala ka ba talagang interes sa basketball? " Tanong ni gago.
"Wala nga! " Sagot ko. Kanina pa'to nagtatanong eh. Hayst! "Bakit ba kasi? "
"Wala lang... " Sagot niya. "Sige mauna na
ako. "
"Sige! " Kumaway pa siya sa'kin habang papalayo siya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Paano kasi tumili ng malakas ang kababaihan sa labas.
"Babyeh papsy, Lean! " Sigaw ng bakla.
Yucks! Kahit bakla adik din kay gago. At mas umingay pa nang ipinarada ni Legrand ang kaniyang sasakyan. Naks! Ang pogi talaga nito! Pero sorry sila! Mukhang nagpaplano pa sa paglaladlad si bakla eh! Bumungisngis na lang ako sa iritang mukha ni Legrand.
"Kaway kaway naman diyan. Dami mong fans oh! " Sabi ko sa kaniya.
"Shits! Get in the car! "
Wala talaga... Bakla nga siguro to. Hayssttt! Hahahha!