Isha's POV
Paliko na sana ako patungo sa faculty nang mapansin ko ang mabilisang pagtakbo ni Lindsy. Kasunod niya ay ang grupo ni Moneth. Na halatang ipinahahanap niya sa kaniyang mga galamay ng pinaroroonan ni Lindsy.
Napabuga ako ng hangin. Kahit ano pang gawin ko upang baliwalain 'yon ay may parang naudyok sa akin na alamin ko kung ano ang nangyayari. Kaya palihim ko silang sinundan.
Ilang saglit pa ay na-corner nila ni Moneth si Lindsy. Wala na siyang takas pa. Lahat ng pathway na maaari niyang takbuhan ay naharangan na ng mga galamay ni Moneth. This girl is really a demond.
Pinagmasdan ko lang ang kasunod nilang gagawin kay Lindsy. Wala kasi siyang lakas na kalabanin sila ngayon. She's not in the position anymore. And besides, she can't think of an excuse at this point, her mind has already blown away.
Galit na nakatuon ang pansin ni Moneth sa kaniya. Alam kung may pinag-uusapan sila, 'yon nga lang 'di ko na marinig.
"Hep! Hep! " Pagtigil ko sa gagawin sanang pagsampal ni Moneth kay Lindsy. Animo'y isa akong pulis na nakahuli ng salarin. "What do you think you're doing? "
Parang nakakita ng multo ang mukha ni Moneth sa gulat. But that didn't last long, she then suddenly flashed her devilish smile, "why? It's none of your business. "
"Ahhh! " Napasigaw si Lindsy habang sapong-sapo ang kaniyang pisngi dahil sa sampal ni Moneth.
"Damn you! "
"Hahahhah! " Nakakakilabot na pagtawa ni Moneht. Na sinundan din ng mga alipores niya. "Does it hurt? Kulang pa nga 'yan! "
"Stop that! Gusyo niyo ba'ng makatanggap ng detention? " Malakas kong sigaw sa kanila.
"Detention? And who are you to say so? " Panghahamon niya.
"Tsk! " I chuckled. "C'mon Moneth, kilala mo ako. Don't tell me you've forgotten. "
"And so? As if I care. Hindi mo naman maloloko nang gan'on si dean. " Kumpyansa niya.
"Oh? What I'm trying to say is, you know my family, right? " I winked.
"Hahaha! Are you threatening me? Nakalimutan mo na yatang isinabutahi ka rin ni Lindsy noon, " mukhang may balak pa siyang magkwento.
"At... Nakalimutan mo ring kasabwat ka niya. " Pagtatapos ko sa sasabihin niya. Her eyes widened. Linapitan ko siya, "what made you so surprise, dear? Alam ko ang lahat! " Saka ko binitiwan ang isang malakas na sampal sa kaniya.
"What the hell! " Bulalas niya.
"Oh my God! Villareal, you mess with the wrong person! " Sigaw ng isa sa mga alipores niya.
"Seriously? Actually, you mess with me. You'd better get out of my sight right now, before I'll slap your ugly faces! " Mukhang natakot naman sila sa sinabi ko dahil agad silang nagsialisan. Tsk! Kung makatahol akala mo aso, mahihina naman pala!
"Ouch! " Reklamo ni Moneth na hanggang ngayon ay nakahawak parin sa kaniyang mukha.
"Gusto mo dagdagan ko sa kabila? Para pantay. " Sarkastiko kong tanong.
"F*ck you! " Malakas niyang mura pagkatapos ay lumayas din.
"Ayos ka lang ba? " Hinawi ko ang buhok niya.
"Oo. Ayos lang, salamat. " Tugon niya.
"Malala ang natamo mo. Mabuti pa'y sasamahan muna kita sa rest room. " Pag-aalok ko sa kaniya.
"S-segurado ka? " Klarong-klaro sa boses niya ang pagdududa.
Tumango ako, "tara na. "
"Ito, ointment. " Good thing at dala-dala ko ang bag ko. Kinuha naman niya ang iniabot ko.
"Thanks, " humarap muli siya sa salamin upang ilagay 'yon. "Bakit mo nga pala ginagawa 'to? "
"Ang alin? " Tanong ko.
"Helping me. Sa laki ng kasalanan ko sa'yo... For sure, untill now, you still hold a grudge to me. " Nakalumbaba ang mga balikat niya sa mga sandaling 'yon. "I'm really sorry, Isha. " At dahan dahan ko na ngang narinig ang pag-iyak niya. "Masyado akong nagpauto kay Moneth noon, na lalamangan mo ako. Kaya sa sobrang takot ko ay nagawa kitang siraan sa iba. Little did I know, that you can't do it. And aside from that, it's normal. I'm so stupid to do such thing and ruined our friendship. I'm very sorry. "
Niyakap ko siya, "shhhh... Tahan na. Pumapangit ka! "
"Grabi ka naman... " Bahagya siyang natawa sa sinabi ko.
"Tumigil ka na kasi... Nangyari na 'yon. Past is past. Ayaw ko na ring balikan 'yon. Ang mabuting gawin ay ang magmove-on. Gan'on talaga, may mga oras na nakakagawa tayo ng mali dahil sa takot natin. Pero ang importanti ay hindi na natin uulitin kung ano man ang pagkakamali noon. And we must learn from it. Kaya ibaon na natin sa limot 'yon. " Ngumiti ako sa kaniya. Nakakagaan pala sa loob kapag nagpatawad ka. "I already forgiven you, Lindsy. "
"Thank you so much, friend. " Saad niya.
"Tse! Libre mo muna ako! " Pagbibiro ko sa kaniya. At sabay kaming nagtawanan sa loob ng C.R.
"Sure! Sky is the limit! Hahaha! " Sagot ni Lindsy.
Ngayon lang kami nagkabiroan ulit. Aaminin ko, na-miss ko rin ang kakulitan nito.
Pagkatapos ayusin ni Lindsy ang sarili niya ay nagtungo nga kami sa canteen. Saktong sakto gutom na ako.
"Ehem! Did we miss something? " Nagtatakang tanong ni Legrand.
Naabutan niya kasi kaming tumatawa ni Lindsy sa isang table.
"Hmnnn... 'Di ba halata? " Sarkastiko kong tugon.
"Hoy! Um-order ka nga d'on. " Utos ni Leandre kay Legrand.
"Gago! I wasn't born to follow your
command. " Singhal ni Legrand sa kaniya.
"Sos! H'wag mo nga akong English-in!
Sige na! " Utos ni gago.
"Ulol! Kahit kailan, hinding hindi ako susunod sa'yo! Tandaan mo, mas mataas ako sa'yo! " Panunumpa ni Legrand.
"Mas guwapo ako sa'yo! " Giit ni Leandre.
"Lol! I am every girls dream! " Sagot ni Legrand.
Natingala kaming dalawa ni Lindsy sa kanila.
"I'm the next business tycoon! " Mas lalo pang umangas si Leandre.
"I'm the future hottest architect in
the world! " Hindi rin nagpatalo si Legrand.
"Ako ang mas guwapo, 'di ba girls? " Lumingon si Leandre sa nagkukumpulang babae sa canteen. At kinindatan pa mismo sila ni gago.
Nag-ingay naman ang mga ito. Todo tili pa 'yong iba kulang na lang masira ang ear drums ko.
"How about me? " Legrand asked the crowd.
"You're our prince charming, dear! " Sigaw ng isang babae. Na sinundan ng malakas ng ingay ng iba pa.
Juskooo! Kailan pa ba sila titigil? Nabibingi at iritang irita na ako sa boses nila. Si Lindsy nama'y napatakip sa tainga.
"Wait, why don't we ask these two girls. " Lumingon si Legrand sa'min. "Who's your bet, Lindsy? Isha? "
Sa lahat ng pwedi niyang tanungin, kami pa?
Parehong napaikot ang mata namin ni Lindsy.
"Magsitahimik nga kayong dalawa! Bumili na kayo r'on kung ayaw niyong mamatay sa gutom! " Sermon ko sa kanila.
Sabay silang napakamot sa ulo. Tsk! Ang dami ng problema sa mundo, pati 'yon kailangan pa nilang itanong? Narinig ko pa silang nagturuan.
"Sino nga ba? " Tanong ni Lindsy sa'kin.
"Hah? Anong sino? " Kumunot ang noo ko sa kaniya.
"Sino'ng mas bet mo sa kanila? " Paglilinaw niya.
"Tsk! Malay ko! Bahala sila! " Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa pagkain.
"Anyway, gusto ko sanang manuod ng movie. " Pagkuway nasabi niya.
"Movie marathon tayo, next time. " Sagot ko.
"Good idea! " Bulalas niya. "Sige ah... Next time kapag 'di tayo masyadong busy. "
"Sure. " Tipid kong sagot.
"Ang dami na pala nang nakain mo? " Nakabalik na sina Legrand at Leandre.
"Ano naman ngayon? " Nakangiwi akong nagtanong sa kaniya.
"Binilhan kaya kita. " Sagot ni Legrand.
"Sa'yo na lang 'yan, busog na ako. " Pagtanggi ko sa pagkain niya.
"Akin na lang 'yan, mokong.
Gutom ako eh. " Wika ni Leandre.
"We're not close. " Pag-iinarte ni Legrand.
"Takti! Ang arte mo! " Reklamo ni Leandre.
"Ano'ng—"
"Ayan! Nagsisimula na naman kayo! Can't you just eat your lunch? Malapit na 1:00 p.m. " Paalala ni Lindsy.
Hindi na sila umalma pa. Nakangiwi si Lindsy habang pinagmamasdan si Leandre na kumakain sa tabi niya. Maging ako'y hindi rin maipinta ang aking mukha na nakatingin kay Legrand.
Para silang baboy na ilang buwang hindi nakakain at maski pinggan ay kakainin na lang din.
"Alam niyo... Ang guwapo niyo nga, pero... Ang burara niyo namang kumain! " Komento ni Lindsy. "Nakakadiscourage! "
"Nagmumukha kayong patay gutom sa inaasal niyo. " Dagdag ko.
"Nakagugutom kaya sa game. " Depensa ni gago.
"Game? You mean, naglaro kayo? " Gulat kong tanong.
"Yup! May rematch nga eh. Bulok kasing maglaro 'tong si mokong. " Mungkahi ni Leandre.
"Wow! Coming from you! Let's see who's the real king on the court! " Alma ni Legrand.
"Tumigil nga kayo! " Bulyaw ko sa kanila.
"By the way, there will be an incoming election for school's students council. Tumakbo ka, Isha. " Pag-iiba ni Lindsy sa usapan.
"Ayuko, may asthma ako. Baka hikain ako sa daan. " Tugon ko.
Dagli niya akong binatukan, "baliw! Tumakbo ka as President and I will be your Vice. "
"Ayyshhh! Pag-iisipan ko. " Saad ko. "Bakit ayaw mo sa president's position? "
"Nakakatamad. " Tipid niyang sagot. "Kaya ikaw na lang. "
"Subukan mo, Villareal. Nandito naman kami, 'di ba mokong? " Nakangisi siya kay Legrand.
"H'wag mo akong tingnan ng ganiyan. We're not close! " Singhal ni Legrand kay gago. Pagkuway humarap siya sa'kin, "you should try, I know you can. "
Ngumiti na lang ako't nagkibit balikat. Noon gusto kong sumali upang maipamukha ko kay Lindsy na naagawan ko siya ng posisyon. Pero ngayon, ayos naman na kami kaya para saan pa? Isa pa, malaking responsibilidad 'yon 'pag nagkataon.
Nais ko ring makapag-lingkod sa paaralan na 'to kaso... Aysshhh! Iwan! Pag-iisipan ko na lang siguro 'pag may libreng oras ako. Sa ngayon, sa klasi muna ang atensyon ko. Periodical exam na next week. Masaya rin akong nagkasundo na kami ni Lindsy.
Kahit gaano pa kahirap ang buhay. Kahit alam mong pagod na pagod ka na. Ilang beses mo mang sinabi na sumusuko ka na. H'wag ka talagang sumuko. Dapat hanggang salita lang ang salitang 'pagsuko'. Sabi nga nila, mas matamis ang tagumpay kong pinaghirapan.
Nakakatuwa lang. Nagkakasundo na kami uli ni Lindsy. Sina Leandre at Legrand, nagkakausap na rin. Nagkaroon tuloy ako ng bagong kaibigan. May isang nadagdag mayroon ding nagbalik. Gan'on ako ka simply. Lahat ng taong nakakausap ko nang madalas ay tinuturing ko ng kaibigan. You only live once, so make friends without limits. Sana magpatuloy pa 'to. Thank God. Indeed, this day is great.