"Good morning, Sir Paulo!" malanding bati ni Diana nang dumating na ang kanyang boss.
"Good morning!" ganting bati naman ng boss niya. Bago ito tuluyang pumasok sa sariling opisina nito ay napalingon pa ito kay Diana dahil kapansin-pansin ang sobrang iksing suot ng babae. Muntik na ring lumabas sa suot nito ang malulusog na dibdib. Nginitian lang siya ni Diana na halatang nang-aakit.
Si Diana ang bagong sekretarya ni Paulo dahil nag-resign ang dati nitong sekretarya. Si Paulo ang may-ari ng kompanyang ZNZZ, Inc.–isang manufacturing company. May asawa na ito at ayaw nito sa mga babaeng nang-aakit ng may asawa na.
Pagkaupo niya ay kinuha nito ang resume ni Diana at binasang muli. Huminto ang kanyang mga mata sa work experiences ng babae. Nagtataka ito kung bakit ganoon na lamang karami ang work experiences nito. Hindi man lang umabot ng isang taon o kaya'y siyam na buwan man lang.
Lihim naman siyang nagreklamo kung bakit agad niya itong i-hire noong araw ng interview. Hindi niya ito gaanong tinanong noon dahil nagmamadali siya para makaabot sa flight niya palabas ng bansa. Isa pa ay magaling sumagot si Diana sa kaunting tanong niya noon kaysa sa ibang applicants kaya pinili niya ito agad.
Sa hindi malamang dahilan ay may kakaiba siyang kutob sa babae. Tingin niya ay may nakatagong katauhan dito. Naalala pa nito kung paano siya nito tignan at ngitian kanina.
Hindi na lamang niya muna ito pinansin at nagsimula na sa kanyang trabaho. Makalaon ay tinawagan niya si Diana upang ipagtimpla siya ng kape. Nais niya ring malaman kung totoo ang kanyang hinihinala sa babae.
"Here's your coffee, Sir," pahayag ni Diana at binigay kay Paulo ang hawak nito.
"Miss Villagracia?"
"Yes, Sir?" matulin nitong sagot nang tawagin siya ng boss niya.
May itatanong sana si Paulo ngunit hindi na lamang niya tinuloy dahil personal ito at wala itong kinalaman sa trabaho. "Thank you," sabi na lamang nito.
"You're welcome, Sir." Ngumiti naman si Diana at tumalikod na. Sinadya naman nitong kumembot nang maglakad paalis upang makita ng boss niya ang pwet niya at ang hubog ng kanyang katawan. Kita pa ang kinis ng legs nito kaya napaisip si Paulo.
"Mukhang tama nga ang hinala ko," sabi ni Paulo sa sarili. Hindi ito nag-assume na inaakit siya ng kanyang sekretarya ngunit malakas ang kutob nito na ganoon nga. "Kung akala mong maaakit mo ako kagaya ng mga dati mong boss, nagkakamali ka," dagdag pa ni Paulo sa sarili. Napa-smirk na lamang ito at humigop na ng kape.
Lihim namang napangiti si Diana pagkabalik niya sa desk niya. "Mukhang type din ako ni Sir Paulo. Wala talagang kawala ang mga lalaki sa alindog ko," wika niya sa sarili. Nakangisi siya sa kanyang isip dahil hindi magtatagal ay matitikman niya rin ang boss niya. "In fairness, medyo gwapo rin si Sir Paulo. Pwede ipanglaban kay William. Pero I think mas gwapo talaga si William," dagdag pa nito sa sarili. Medyo nalungkot naman siya dahil nami-miss na niya ang lalaki.
Nakaisip naman siya ng paraan kaya muli itong napangiti at ginawa na ang kanyang trabaho dahil baka mahuli siya ng boss niya na walang ginagawa. Hindi na makapaghintay si Diana sa mangyayari mamaya.
Pagsapit ng tanghali, nag-lunch si Diana sa restaurant kung saan naroon si William. Hindi niya alam kung saan ito kaya tinanong niya kanina sa mga kasamahan niya sa trabaho.
"Kung sinuswerte nga naman," sabi niya sa sarili dahil nakita nga niya si William na kumakain din. Nakaupo si Diana sa may sulok sa pinakagilid. Kitang-kita niya si William na nakaupo sa hindi kalayuan. May kasama itong lalaki at kasalukuyan silang nag-uusap. Hindi nakita ni Diana ang lalaking kasama ni William dahil nakatalikod ito.
Sa wakas ay nagtama ang mga mata nila ni William kaya kumaway si Diana at ngumiti. Nagulat naman si William dahil hindi niya inasahag dito kakain ang babae. Hindi na lamang niya ito pinansin at patuloy na lamang silang nagkwentuhan ng lalaki kasama niyang kumakain. Ang lalaking iyon ay si Paulo. Magkaibigan ang dalawa.
Napapaisip naman si Diana kung sino ang kausap ni William dahil pamilyar ito sa kanya. Sa huli ay winaksi na lang niya ito sa isipan niya dahil wala siyang pakialam.
"You know what, pare? I have a new secretary and ngayong araw siya nag-start," pahayag ni Paulo nang maalala nito si Diana.
"And what?" tanong naman ni William.
"I just don't like her," tugon ni Paulo. " I don't want to assume but I feel like she's into me. She's like... uhm... seducing me?" patanong pa nitong sabi. "I don't know what's the exact word to describe it."
Natigilan naman si William sa sinabi nga kaibigan. Naalala niya ang sinabi ng asawa niyang si Gianna. Naalala niyang lumipat ng pagtatrabahuan ang kaibigan ng asawa niya. Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan si William dahil maaaring si Diana ang babaeng tinutukoy ng kaibigan niyang si Paulo.
"Kapag ginawa ulit niya 'yon ay baka i-fire ko na siya," patuloy pa ni Paulo. "Pare, I have this feeling na there's something wrong with her at sa kompanyang pinagtatrabahuan niya noon. Hindi siya nagtatagal doon eh."
"And why did you hire her? Baka isang buwan lang 'yan diyan sa kompanya niyo."
"I already said to you the reason noon."
Na-curious naman si William kung sino ang tinutukoy ng kaibigan niya kaya tinanong niya. "Who is she, by the way?" Kinabahan naman si William sa isasagot ni Paulo. Hinihiling niya na sana hindi si Diana ang sekretarya nito.
"Diana," tipid na sagot ni Paulo.
Nanlaki ang mga mata ni William sa gulat. "Diana, who?" ani pa nito na hinihintay kung ano ang apelyido ng babae.
"Diana Villagracia," muling sagot ng kaibigan niya. "Do you know her?" dagdag pang tanong ni Paulo.
Naalala naman ni William na hindi niya alam ang apelyido ni Diana at wala ring nabanggit ang asawa niyang si Gianna tungkol dito. "I don't know her," sagot na lamang niya sa kaibigan. Muli siyang napatingin kay Diana na mag-isang kumakain sa sulok. "Is that the one you're talking about?" tanong ni William kay Paulo.
Lumingon naman si Paulo sa likuran niya at sinundan ang tingin ni William. Nagulat si Paulo nang makita nga niya si Diana. Humarap siya ulit kay William na ngayon ay nakatingin na sa kanya.
"Siya ba?" muling usisa ni William.
Tumango si Paulo. "Oo, pare. Siya nga. Teka, kilala mo siya?" nakakunot ang noong tanong pa nito sa kaibigan.
"Yeah. She's my wife's best friend," nakasimangot na tugon ni William.
Nagitlang muli si Paulo. "Ang liit talaga ng mundo."
"Be careful with her. Hindi siya kagaya ng asawa ko at ng asawa mo," paalala ni William sa kaibigan.
"I can't believe na kaibigan 'yon ni Gianna," napailing na wika ni Paulo.
Natapos na ring kumain ang dalawa. Nagpaalam na si Paulo na umalis. Nagtungo naman si William sa restroom. Lalabas na sana siya pagkatapos niyang gumamit ngunit nagulat siya dahil pumasok sa loob ang hindi niya inaasahang tao. Si Diana.
"Hi, William!" malanding bati ni Diana.
"What are you doing here? This is for men only! Nasa katabi ang restroom niyo!" naiinis na saad ni William at lumapit sa kay Diana upang itulak ito ngunit bago pa mangyari 'yon ay naisara na ni Diana ang pintuan at ni-locked.
"Nababaliw ka na bang babae ka?" galit na wika ni William at akmang hahawakan nito ang doorknob pero humarang si Diana at agad na inikot ang mga kamay niya sa batok ni William at hinalikan niya sa labi ang lalaki. Inilayo naman ni William ang mukha ni Diana at tinulak ito kaya napaatras at muntik nang matumba sa sahig si Diana. "Ano bang problema mo, Diana? Bakit mo ba ginagawa sa 'kin 'to? Akala ko ba mag-best friends kayo ng mahal kong asawa? Why are you doing this?" usal ni William na nanlilisik ang mga mata sa galit.
Napangiwi naman si Diana. Tumatak pa sa isip niya ang sinabi ni William na mahal nito ang asawa. Tinitigan niya sa mga mata si William. "Because I like you, William," matapang niyang sagot. "I want to taste you. And I want you inside me."
Napa-smirk naman si William at hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Diana. "Nahihibang ka na talaga! You're really lunatic! A whore!" giit pa nito. "Hindi mo ba iniisip si Gianna?"
"Hindi." Ngumiti si Diana. "Okay lang sa 'kin mawasak ang friendship namin. Okay lang naman 'yong buhay ko sa mga nakalipas na taong hindi kami magkasama at hindi kami ganoon kadalas mag-communicate. I can live without a best friend. I'm willing to bury our friendship ever since I met you, William."
Nagulat ulit si William sa sinabi ni Diana. Sa isip niya ay kung anong klaseng tao at kaibigan ang babaeng katulad ni Diana. Magsasalita na sana siya ngunit nagsalita ulit si Diana.
"So are you planning to tell her na layuan ako?Or kung ano'ng ginagawa ko sa 'yo? Fine. Sasabihin ko rin sa kanya na may nangyari sa atin. Let's see kung sino'ng masasaktan."
Tinignan nang masama ni William si Diana at akmang sasaktan niya si Diana nang pigilan niya ang sarili dahil baka mapatay niya ito nang wala sa oras. Napakuyom na lamang siya ng kamao.
"I will lure you, William. Matitikman din kita. Matitikman ko rin 'to," sabi ni Diana at mahigpit na hinawakan ang bakat ni William.
Tinabig naman ni William ang kamay ni Diana. Binuksan na ni Diana ang pinto upang lumabas. sa men's restroom. Nakahinga naman siya nang maluwag nang mapansing walang tao sa labas. Bumalik na rin siya sa kompanya kung saan siya nagtatrabaho.
Naiwan naman si William sa loob ng restroom. Hindi pa nagsi-sink in sa utak niya ang lahat ng sinabi ni Diana. Hindi talaga siya makapaniwala na may ganoong klase ng tao at siya pa ang napili ni Diana na gawan ng mga bagay na bawal at mali. Nasangkot pa siya at ang asawa niya sa kahibangan ni Diana.
Dahil sa labis na galit at pagkairita ay malakas niyang sinipa ang pinto. Hindi na niya alam ang gagawin.
Nasa opisina na siya at hindi siya makaisip nang maayos. Nagdadalawang-isip din siya kung sasabihin ba niya ito sa asawa niya. Ngunit sa isip niya rin ay baka isipin ni Gianna na may nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Diana. Ayaw rin nitong makitang nasasaktan si Gianna dahil baka labis itong magdamdam kapag nasira ang pagkakaibigan nito at ni Diana. Labis pa man ding pinahahalagahan ni Gianna ang pagkakaibigan nila ni Diana. Gusto mang sabihin ni William kay Gianna ang lahat pero hindi pwede.
Naisip din niya na baka totohanin ni Diana ang sinabi kanina na sasabihin niya kay Gianna na may nangyari sa kanila ni Diana. Masasaktan talaga ang asawa niya kapag nalaman nito ang tungkol doon kahit ang totoo'y wala naman talagang nangyari. Lalo na rin at mag-best friends ang dalawa.
Labis na naguguluhan si William. Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Napagdesisyunan niyang pag-iisipan na lang muna niya ito nang mabuti. Sa ngayon ay hindi na lang muna siya magpadalus-dalos ng gagawin. Halos mabibiyak na ang kanyang ulo sa sakit sa sobrang pag-iisip.
Kinagabihan, naglasing si Diana. Naisipan niyang tawagan ang kaibigang si Gianna nang kaunti na lamang ang natirang tao sa bar.
"Yes, Ding? Napatawag ka?" bungad na tanong sa kabilang linya.
"Jing, can you help me?" wika niya kay Gianna.
Napakunot naman ng noo si Gianna. "Are you drunk?" tanong niya.
"I guess so? Can you help me? Nasa bar ako malapit sa condo ko. I can't go home alone. Nahihilo ako kapag tumayo," palusot nito. Hindi naman siya ganoon kalasing dahil kaunti lang ang ininom niya. Nagbabakasakali lamang siya na baka si William ang sumundo sa kanya sa halip na si Gianna kaya iniba niya ang boses niya at nagpanggap na lasing talaga.
"Why did you drink kasi? If you have a problem, you can tell it to me naman, Ding. Hayan tuloy," sermon ni Gianna sa kaibigan. "Ako pa lang ang nasa bahay ngayon kaya hindi kita masusundo dahil walang maiiwan sa mga bata. I'll try to call William para sunduin ka," patuloy pa ni Gianna.
"Thank you, Jing!" tugon naman ni Diana at binaba na ang tawag. Ngumisi naman siya dahil alam na niyang susunduin siya ni William. "Hindi pa sigurado kung masusundo ako ni William pero sana nga," sabi pa niya sa kanyang sarili.
Tinawagan naman ni Gianna ang asawa niyang si William habang buhat-buhat ang anak na si Greisha at nasa kuna naman si Wyler.
"Hello, hon?" wika ni Gianna nang sagutin ni William ang tawag.
"Yes, hon? Miss mo na ako?" sabi sa kabilang linya.
Natawa naman si Gianna sa tinuran ng asawa. "Yeah. I miss you na kaya umuwi ka na pagkatapos mo riyan sa office," saad ni Gianna.
"Sure, hon."
"Pero hon, pwede mo bang sunduin muna si Diana sa bar na malapit sa condo niya? She's drunk kasi and she's alone. Walang maghahatid sa kanya. Hindi ko naman pwedeng iwan ang mga bata."
Nagulat naman si William sa narinig sa asawa niya. "No, hon. Hindi ko siya masusundo," pagtanggi ni William.
"Hon, kawawa naman si Ding. Baka mapano 'yon. Saglit lang naman eh," pagpupumilit ni Gianna.
"Then she should ask for a help sa iba."
"Wala namang ibang kakilala 'yon dito dahil bago pa lang siya."
Napabuntong-hininga na lamang si William dahil hindi siya mananalo sa asawa niya. "Okay, fine."
"Thanks, hon. I love you."
"I love you, too, hon," tugon naman ni William sa asawa niya at binaba na ang tawag.
Hindi alam ni William ang gagawin. Ayaw niyang puntahan si Diana dahil baka may gawin na naman ito sa kanya. Nagdadalawang-isip siya. Ngunit sa huli ay sinundo na lamang niya si Diana dahil wala na rin naman siyang nagawa.
Tahimik namang naghihintay si Diana kay William sa loob ng bar. Nagulat siya nang makita na niyang pumasok ito sa loob ng bar. Lihim siyang napangiti dahil sinundo nga siya nito. Hinahanap siya ni William kaya nagtulug-tulugan siya. "I'm sure na may mangyayari sa atin kapag nasa condo na tayo, William. Kapag umayaw ka, I'm going to tell Giana na may nangyari sa atin," sabi niya sa sarili.