Chapter 35

Nagising ako dahil sa lakas ng ulan. Kung gaano kaganda ang panahon kahapon ganun naman kasama ang panahon ngayong araw. Napa-upo na lang ako sa kama ko.

Okay na din siguro 'to para di mabugbog ang paa ko.

Nag-iinat ako nang biglang lumabas si Xi mula sa banyo ng topless at nagpupunas ng buhok.

Holy Sheep!

Hindi ito ang first time na makakita ako ng topless male. Napunasan ko pa nga katawan ni Nick dati, pero kasi first time kong makita ang katawan ni Xavier. Nung nakiligo siya sa bahay naka-tshirt siya agad paglabas ng banyo.

At uso na ba talaga ang biceps at abs ngayon?

Putek! Manyakis na ba talaga ako? I've been stained, kaka-dikit sa'kin ni Nick 'to ehh.

"Are you okay?" tanong ni Xi. Di ko namalayan naka lapit na pala siya sa akin.

"Do you like what you're seeing?" ngisi niya.

"Hindi! Nakakarimarim, magbihis ka na magka-pulmunya ka pa."

"Hindi raw, nakanganga ka nga," pagpparinig niya.

"Malamang nag-iinat ako at inaantok pa."

Ito ba ang other side ni Xi, away from the serious and silent him?

"May pupuntahan ba tayo?" tanong ko sa kanya.

"Wala cancelled, ang lakas ng ulan. It's better if we stay here," sabi niya habang nag-susuot ng t-shirt.

"How's your foot?" tanong niya sa akin.

"Mas okay na kesa kahapon. Galing manghilot ni Kuya Jun," inikot ikot ko pa ang paa ko bilang prueba.

"Stop that, mamaya bigla na namang sumakit yan. Sabi ni kuya Jun may naipit lang daw na ugat. Good thing you didn't have a broken bone," pagbibigay alam niya sa akin.

***

Gaya nang ginawa niya kagabi ay dinalhan niya ulit ako ng pagkain sa kwarto. I find it sweet of him, at least i get to experience na pag-silbihan ng isang lalake. Di lahat nabibigyan ng ganitong pagkakataon, bonus na lang na gwapo ang gumagawa nito sa akin. 

Ano ba?

Matagal ko nang na-appreciate ang kagwapuhan ng impaktong 'to. Kahit pa inaapi niya ako noon.

Mag-tigil ka Gabriela!Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa utak mo.

"Okay ka lang ba talaga?" tanong niya sa akin.

"Ha? Oo okay lang ako," wala sa huwisyong sagot ko.

"Bakit tulala ka?" tanong niyang muli.

"Nag-iimagine lang," pagpapalusot ko saka ako sumubo ng pagkain mula sa kutsara.

"Imagining me?" Nakakalokong tanong niya.

Nabilaukan ako sa sinabi niya at napa-ubo, di ko malunok ang nakabara sa lalamunan ko Pinukpok ko ng kamay ko ang dibdib ko baka sakaling makahinga ako ng maluwag.

Paano ba niya nababasa ang iniisip ko?

Inabutan niya ako ng baso ng tubig na agad ko namang kinuha at ininom habang hinihimas naman niya ang likod ko. Nang lumuwag na ang paghinga ko ay napa buntong hininga na lang ako.

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong niya.

"Kasalanan mo to ehh," paninisi ko sa kanya.

" I'm at fault?" nagtatakang tanong niya.

"Kung anu-ano kasing sinasabi mo," inis na sabi ko.

"I was just asking if you're imagining about me, did I guess it right?" ayon na naman ang nakakalokong ngiti niya.

"Ewan ko sayo Xi! Bakit ka ba nakiki-upo sa kama ko? May kama ka naman," sabi ko.

"I find it comfortable sitting across you."

"Lumayo ka nga kahit isang araw lang," sabi ko sa kanya.

"I only have few days left to have you alone by myself, I won't waste it."

Haay naku ang impaktong ito. Bakit ba nahihirapan akong barahin siya? Possessive nga daw kasi siya.

Sumimangot na lang ako at muling kumain. Habang siya naman naka-upo sa tabi ko at pinapanood ako.

"Bakit mo ba ako pinapanood?" naaasiwang tanong ko.

"Because I love to."

"Nakaka-asiwa, di ka naman ganyan dati ahh. Ano bang gusto mo mangyari?"

"Go out with me," sagot niya sa akin.

"Lagi naman tayo lumalabas ahh. Kasama mo nga ako ngayon," sarcastic na sabi ko.

"I want us to be a couple," mariing sabi niya.

"Couple, bakit?" na-uutal na tanong ko.

"Ganun naman dapat. If you love someone you want to mark them as yours," paliwanag niya.

"I want the whole world to know that you are mine," seryosong sabi niya.

"Ehhhh?" Nakangiwing baling ko sa kanya.

"Anong Ehhhh?" takang tanong niya.

"Ayokong mag-jowa, masakit sa ulo at sa puso kapag iniwan ka," sabi ko trying to reject him immediately.

"Why are you jumping into conclusions,"  bigla na lamang kumunot ang noo niya.

"Ganun naman diba? 'yon napapanood ko sa T.V. Somehow you'll get tired of each other and fall-out of love. Kasi kung di ganun bakit madaming single, tumatandang dalaga, worst nagpapakamatay 'yung iba. Ayokong mabiktima ng love na 'yan."

"You're just scared of getting hurt, but I have no plan of hurting you. It wasn't my plan to fall in love with you but I don't plan on falling out of love with you either."

Napakagat na lamang ako sa labi ko. Masyadong sincere ang pagkakasabi niya kaya sandali akong nanahimik bago muling magsalita.

"Sabi nila wala kang karapatan magmahal kung di ka handang masaktan. I don't deserve your love, I don't deserve you kasi duwag ako," paliwanag ko.

"But you are the bravest person I know."

"You don't know me well then," sabi ko.

"I know you well enough that I didn't question myself why I love you." 

Napatingin na lamang ako sa mga mata niya, wala na akong maisip na isasagot sa kanya.

Bakit ba ang kulit niya? Bakit mas makulit pa siya kay Nick?

Pinag-patuloy ko na lang ang pagkain, at di pinansin ang sinabi niya. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano. Nandito kami para magbakasyon at di para ma-stress.

Napabuntong hininga na lamang siya nang matapos akong kumain, kinuha niya na lang ang pinagkainan ko at lumabas ng kwarto. Pinili kong Mag-stay sa kama ko at mag soundtrip ayoko muna makipag-usap kay Xi. Pagbalik niya ay di niya ako sinubukang lapitan pa. Sumampa siya sa kama niya at naupo doon.

Nagsa-soundtrip lang ako habang inaalala ang mga sinabi niya kanina. Masaya akong marainig ang mga sinabi niya.

Ewan ko ba bakit kontra ako ng kontra. Pwede naman na hindi diba? Bakit kasi natatakot ako sa mangyayari?

Ang daming tanong sa utak ko, paano kung maging kami tapos infatuated lang pala siya tapos ako hulog na hulog na kawawa naman ako. Siyempre pag nag-break kami magre-resign ako kasi ayoko siyang makita masasaktan lang ako. Mamaya makasalubong ko siya tapos may kasama na siyang iba. Edi mado-double kill pa ako. Ayoko, baka bigla na lang akong tumalon sa building dahil broken hearted ako.

Pero ganun ba ako ka-weak?

Physical pain kaya kong i-injure. Emotional pain naka survive ko when I saw my parents eyes disappointed because I failed them. Na-curious tuloy ako kung kakayanin ko mag-survive with a broken heart. Pero sabi ni Xi wala siyang plano na saktan ako, na ma-fall out of love. 

Should I take a shot?

No, para ko na din binawi yung mga sinabi ko kanina,. May isang salita ako.

Pero bakit nagdadalawang isip ako? Bakit ko ba sinabi yung mga yun?

Engot mo Gabriela kahit kailan.

Nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko, may kausap siya sa cellphone at naka-ngiti pa.

Tss! Sino naman kausap ng Impaktong to?

Pagkatapos ay inalis niya ang telepono sa tenga niya. Ilang minuto pa ang nakalipas ay tumayo siya at lumabas ng kwarto.

Pagbalik niya ay may kasama na siyang babae, na halos lumuwa na ang dibdib sa suot na sando na may spaghetti strap.

Aba-aba kung makapulupot naman sa braso ni Xi daig pa ang tuko maka-kapit.

Close kayo teh?

Bakit ko ba sila pinapansin? Xi is free to do anything he wants. He is not mine. Makapag-react ako O.A. Jowa mo Gabriela? Di diba? Magtiis ka!

Di ko naririnig ang pinag uusapan nila pero pansin ko ang pagpapa-cute nung babae sa kanya. Nginingitian pa talaga siya ni Xi.

Bwisit ka Xi! How dare you! Mga tampalasan!

Ramdam ko ang pagkunot ng noo ko nang pumasok sa banyo si Xi. Paglabas niya ay nakatapis na lang siya ng twalya. Nanlaki ang mata ko. 

How dare him show his bare chest and abs to that woman whom he barely knows.

Holy Sheep?! Anong gagawin nila?

Balak ba nilang magchuk-chakan habang nandito ako. Kitilin ko kaya ang buhay nila?

Gabriela wala kang karapatan!

Kitang-kita ko kung paano titigan ng malagkit nung babae si Xi.

Putek! Sarap tusukin ng mata niya ng ballpen.

Di ko napigilan ang sarili kong mapatingin sa direksyon nila. Saktong nagtama ang mata namin ni Xi, kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

Inabot ko ang kumot ko at nagtalukbong.

Bakit ako ang kinakabahan sa gagawin nila?

Ano bang gagawin nila? Tanungin ko kaya?

Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa nila. Ayoko naman sumilip baka may makita akong ayaw kong makita. Lalakasan ko sana lalo ang volume ng phone ko nang bigla na lamang itong malowbat.

Wow naman ang timing oh!!

"Mmmm...." dinig ko.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto  ko yun mula sa bibig ni Xi.

"Masarap ba?" malanding tanong nung babae na malanding humahagikhik.

"Harder..." Sabi pa ni Xi.

Parang gusto sumabog ng utak ko sa naririnig ko. I can hear Xi's soft moan and that girl's giggles.

Yung babae ba ang nag-iiniciate?

Bakit ngayon pa nalowbat ang cellphone ko?

Kahit pa takpan ko ang ang magkabilang tenga ko ay naririnig ko pa rin sila.

Bwisit ka Xi!

Napuno ako ng inis, at di na nakapag-timpi pa.

"Mga bastos kayo!" Sigaw ko sa kanila sabay alis ng pagkakatalukbong ko ng kumot.

Laking gulat ko nang makita ko ang Kamay ng babae nakalapat sa likod ni Xi at pareho silang nakatingin din sa akin.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko nang napagtanto kong minamasahe lang pala ng babaeng 'yun si Xi.

Pwede time freeze?

"What's your problem Gab?"

Di ako nakapagsalita agad dahil sa pagkapahiya.

Gabriela! Napakamalisyosa mo na!!

Gusto ko na lang magtalukbong ulit. Pero nang marinig ko ang paghagikhik nung babae ay napataas ako ng kilay sa kanya.

Loko tong haliparot na to ahh...

Walang anu-ano'y tumayo ako pababa sa kama ko, kahit di pa ako makalakad ng maayos dahil sa pilay ko ay naglakad ako palapit sa kanila.  I can endure the pain.

"Bakit? Anong problema?"Nakataas ang isang kilay na tanong nito.

Ako pa talaga tinaasan niya ng kilay.

Di ako nagpatalo, tinaasan ko din siya ng kilay. At least lamang ako dahil di drawing ang kilay ko.

"Ikaw ang problema ko."

"Ano bang ginagawa ko sayo?" she smirked at nagpatuloy sa pagmasahe sa likod ni Xi.

"Get those filthy hand of yours off my man's body!" sigaw ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin.

"Ano, your man?" Hinarap niya ako.

Gusto kong sabihin Oo! kung may problema ka sa barangay ka magpaliwanag!

"Bingi ka?" nanunuyang tanong ko.

"I can't believe this!"

Kung makapag-react to, kung di kami bagay sa mata mo. Mas hindi kayo bagay sa mata ko. 

Ganda ka teh?

"Ano pang tinatayo mo diyan? Lumayas ka na bago ko pa Isaksak sa ilong mo ang charger ng cellphone ko!" Pagbabanta ko sa kanya.

Agad naman siyang nag-alsa balutan at lumabas ng kwarto namin. Pag kasarado niya ng pinto ay napahinga ako ng malalim. Then I heard Xi laughing kaya bumalik ang inis ko.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" bwisit na tanong ko.

"You look cute," nakangiting sabi niya.

"Cute mo mukha mo! Umusod ka nga diyan uupo ako sumasakit na paa ko."

Umusod naman siya  at umupo ako.

"Silang."

"Ano?!"

"So I am your man now? Akala ko ba ayaw mo mag-jowa?" nakakalokong tanong niya.

Putek! Sinabi ko nga pala yun kanina!

"Ha? Sinabi ko ba yun kanina?" pag mamaang-maangan ko.

"Yes, I heard it loud and clear."

"Nadala lang siguro ako ng inis! 'Wag mo seryosohin sinabi ko," pagpapalusot ko.

"Really?" di kumbinsidong tanong niya.

"Then,why are you so pissed?"

Bakit ba ang dami na naman niyang tanong? Pulis lang?

"Marinig ko ba naman ang sound effects niyo. Nakaka-aning kaya! May pa harder ka pang nalalaman, malay ko ba kung may ginagawa na kayong milagro," inis na sabi ko.

Pinagtawanan niya lang ako.

"Seriously Gab you think I'm gonna do that?" natatawa pa ding tanong niya

"Ikaw hindi, pero yung babaeng 'yun mukhang may masamang balak. Kung makatitig sayo wagas. Tapos panay pa pagpapacute takot naman sa charger ng cellphone."

"Saan mo ba napulot yun ha?"

"Pinapunta ni kuya Jun kasi nagtanong ako kung may kilala siyang magaling magmasahe ehh di naman daw siya pwede."

"Kasi nga may binuhat ako kahapon buong araw," pagpaparinig niya.

"So kasalanan ko ganun?Maukhang nag-Enjoy ka naman sa pagmamasahe niya."

"Are you jealous?" Naniningkit ang matang usisa niya.

"Hindi!" mabilis kong tanggi sabay tayo ko at dahan-dahang naglakad pabalik sa kama ko.

Mahirap na mamaya magfollow-up question pa siya.

"Deny all you want Gab, I know your jealous." nakangising sabi niya.

"Manahimik ka Xi!" sigaw ko sabay bato ko ng unan sa mukha niya.

Bwisit ka Xi! Kung anu-anong nangyayari sa akin dahil sa kagagawan mo.

< End of Chapter 35>