Ang weird sa pakiramdam. I remember what happened last night. Ericka kissing Xavier and me kissing Nick.
Bakit kung kailan ko dapat makalimutan ang mga nangyari saka pa ako nakaalala?
Napabuntong-hininga na lang ako habang sinasalat ang mga dokumentong na kailangan kong pirmahan. Napatingin ako pinto nang bumukas at may pumasok mula rito.
"Goodmorning Gabby," bati niya sa akin.
He was grinning ear to ear.
Di ako makatingin sa kanya ng diretso. Ewan ko ba nahihiya ako sa ginawa ko kagabi. Itinutok ko ang paningin sa mga papel.
"Bakit ka ganyan, bakit ayaw mo akong tignan?" Tila nang aasar pang tanong niya.
"H'wag mo na ako bwisitin." Ngayon ay nakatitig na ako sa kanya.
"Uy si Gabby acting shy," pagpapatuloy niya sa pang-aasar sa akin.
"Wala kang pake kung mag pabebe ako."
Anong sinasabi ko?
"So tama nga hinala ko," he confirmed.
Umupo siya sa upuan na nasa harap ng table ko. Nakapangalumbaba habang nakapatong ang siko sa ibabaw ng table ko. Parang timang na nakatitig sa akin.
"Lagi kang tumatambay dito, buti hindi ka nasisisante," saad ko.
"Much better para mabantayan kita all the time," sabi niya not leaving his eyes on me.
"Bakit mo ako babantayan?" tanong ko habang pa tuloy lang sa papirma.
"Baka may salisi gang dito," pagbibiro niya.
"Tinutukoy mo ba sarili mo?"
"Very funny Gabriela," dismayadong sagot niya sa akin.
"Hala! Nick. isda you?" tanong ko dahil first time ata niya akong tinawag sa real name ko. Napatingin ako sa kanya, mamaya hunyango na pala kausap ko.
"Does it sound good when I call your name?" nakakalokong tanong niya.
"Bahala ka kung anong gusto mo," pagsuko ko sa kakulitan niya.
"Babe kaya itawag ko sayo?" tanong niya.
"Ehh kung hampasin kaya kita ng sandamakmak na papel?" Pagbabanta ko para tigilan niya ang pang-iinis niya.
"Warfreak ka talaga." Tumayo siya mula sa pagkakaupo.
"Mauna na nga ako, nag pakita lang ako. Alam ko naman na oras-oras mo akong namimiss," sabi niya.
"Kapal talaga ng mukha mo," I retorted.
"You'll miss me soon," biglang sabi niya.
"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong Ko bigla.
"One week vacation leave," nangiinggit na sabi niya.
"Hala! Bakit ikaw lang? Di ka nag-aya? Saan ka pupunta? Kailan alis mo? Kailan balik mo?" sunod sunod na tanong Ko.
"See, miss mo na ako agad," conclude niya.
"Hindi, mang hihingi lang ako ng pasalubong."
"Dalhan kita ng Arabo," sagot niya sa akin.
Siraulo din to ehh.
"Ayy langya! Hwag na oy! Middle East ka pupunta?"
"Just kidding, Hong Kong."
"Hala! Disneyland!" excited na sabi Ko.
"Pasalubong ko si Goofy sa'yo," sabi niya.
Alam ko namang nagbibiro lamang siya.
"Nainggit ako bigla," pag-amin ko at napanguso.
"Pwede naman ka naman ilagay sa bagahe ko," suhestiyon niya.
Bwisit din 'tong isang 'to ehh.
"Oo na alam ko na maliit ako pero ayoko makulong pag nahuli ako dun."
"Kailan ba alis mo?" tanong ko.
"Mamayang sabi na," sagot niya.
"Ayy wow! Iba din, lakas sa management ahh." May halong panunuya ang pagkaka-sabi ko.
"Well, perks of being a pretty boy," pagyayabang niya.
"Langya! Lumayas ka na nga," pagtataboy ko sa kanya.
Pareho kaming natawa sa sinabi niya.
"Mauuna na talaga ako," pa alam niya. Kinawayan ko siya saka siya lumabas ng office ko. Muli na naman tumahimik ang paligid.
Isang linggo akong ganito. Napabuntong hininga na naman ako at nagsimulang mag pirma ulit. Habang nasa kalagitnaan ako ng concentration ay bumukas ulit ang pinto.
"Ano namiss mo na naman ako? Kaloka ka talaga Ni--"
Nahinto ako sa pagsasalita nang hindi pala si Nick ang pumasok sa office ko. Napataas ako ng kilay nang makita ko si Ericka na ngayon ay nakatayo na sa harap ng table ko.
"Ms. De Guzman, would you just please keep you distance with Xavier." Nakataas din ang isang kilay na utos niya sa akin.
Ano bang pinagsasasabi ng pala kang ito? Namimintang na naman.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Ang layo kaya ng office namin sa isa't isa paano ako makakalapit kay Sir Xavier? Siya kaya ang sabihan mo na lumayo sa akin. Tsk!" Asik ko sa kanya.
Ayoko talaga nang pinagbibintangan ako sa mga bagay na di ko ginagawa.
"You better behave yourself, kung gusto mo nang tahimik na buhay."
"Now you're threatening me? Gawain mo ba talaga yan?" tanong ko.
"I'm just protecting what is mine," sabi niya.
"Saksak mo siya sa lungs mo, at kung wala ka nang sasabihin lumayas ka na. Lakas maka hatak ng masamang energy ang aura mo." pang aasar ko.
Wala akong planong mag paapi sa kanya. Sabi nga nila 'pag may naiinis sayo. Inisin mo lalo para mamatay na. Nag walk out na siya, we'll ganun talaga. Mabuti na yun para mawala na siya sa paningin ko.
***
Two days na simula nang mag bakasyon si Nick, ang loko walang paramdam.
Busy akong kumakain ng potato chips habang nanonood sa Netflix nang mapansin ko si Goofy na kanina pa pabalik balik sa paglalakad sa harap Ko at di mapakali.
"Goofy okay ka lang?" tanong ko.
Nilingon niya lang ako at dun ko napansin na hinihingal siya. Inilapag ko ang chips sa sofa at saka ko nilapitan si Goofy na ngayon ay nakahiga sa sahig. Malalim ang bawat paghinga niya.
"Goofy okay ka lang ba?" tanong Ko ulit kahit alam kong hindi. Dali-Dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Kuya.
"Kuya si Goofy," simula ko.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"Kanina pa hinihingal hindi naman siya naglalalaro."
"Ehh bakit?" tanong niya.
"Hindi ko alam, ipacheck natin siya sa vet. Baka may nakain na kung ano," sabi ng kuya ko.
"Gabriela hindi pa ako makauwi. Mag taxi ka muna papunta roon," sabi niya.
"Kuya," nabasag ang boses ko nang napansin ko si Goofy. Pinutol ko ang tawag sa kuya ko.
Dinial ko ang number ng vet niya. Mabuti na lang at sumagot ito agad and advised me na dalhin agad si Goofy sa clinic niya.
Pinutol ko na ang tawag kinuha ang wallet at cellphone ko at kahit pa alam kong mabigat si Goofy ay binuhat ko siya.
Umiiyak akong lumabas ng bahay habang buhat siya. Natataranta akong nag-aabang ng taxi na dumaan.
"Goofy, just breathe okay, you love me right pupunta na tayo sa vet. Magiging okay ka din."
Naririnig ko ang mahinang pag-iyak niya. Gusto kong magwala. Bakit walang dumadaan na taxi.
Dahil sa adrenaline at takot ay nag simula akong tumakbo sa kalsada patungo sa clinic ng vet niya. Baka sakaling may makasalubong akong taxi.
Humahagulgol ako habang tinatahak ang direksyon patungo sa clinic. Ayaw kong huminto ng unit maging ako ay nahihirapan ng huminga.
Hanggang sa may humintong sasakyan sa tapat ko, lumabas ang driver nito. Ewan ko kung bakit ako lalong na iyak nang makita ko si Xavier. I saw shock in his face. He didn't bother asking. He just opened the back seat door and let us in.
Hindi na ako nag-inarte I would rather swallow my pride than to risk Goofy's life. He was driving hindi ko na nga alam kung pasok pa sa speed limit ang takbo niya.
"He will be fine," He said reassuring me.
Tumango na lang ako. Nang makarating kami doon ay inasikaso nila agad si Goofy. I was just pacing back and forth while waiting for the vet to come out.
"Relax Gab, Goofy will be fine."
Doon ko napagtanto na kasama ko nga pala si Xavier. Hindi ko siya pwede tarayan I owe him one. Napabuntong hininga na lang ako at naupo sa sofa.
"You look tired, you should rest."
"Mmmm," sagot ko.
Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Thank you," I made it sound as sincere as possible.
"You're welcome."
Hindi ko alam Kung bakit sinasamahan niya ako. Pwede na siyang umalis Kung gus niya, pero ayaw kong itaboy siya. Somehow his presence made me at ease.
***
Naalimpungatan ako nang may narinig akong nag uusap.
Kumurap-kurap ako to clear my vision. Nakatulog na pala ako. Napatingin ako sa sarili ko, only to find out naka sandal pala ako sa balikat ni Xavier.
Umupo ako nang matuwid at dumistansya sa kanya.
Langya! Wala ako panahon para kiligin. Galit ako sa kanya.
"Gising ka na pala Ms. Gabe,"
Uh-Oh
Yeah I let them call me by the nickname Xavier gave me. Sana di niya napansin iyon.
"Kamusta po si Goofy?" tanong ko na lang.
"He's fine now but he needs to stay under observation."
I sighed out of relief.
"Ano po ba ang nangyari?"
"Suspected poisoning, good thing nadala mo siya agad dito. Incase nahuli ka pa baka wala na siya ngayon.
"Food poisoning?" kunot noong tanong ko.
"May nakain ba siya na kung ano?" tanong niya.
Napakunot ako ng noo, wala akong matandaan.
"Hindi ko matandaan doc ehh,"
"Nirereklamo ba siya ng mga kapitbahay?" tanong pa nito.
"Hindi po, mabait po si Goofy, mukha lang hindi," sabi ko.
"Hmmm baka na pagtripan ng mga bata," sabi niya.
I doubt it, mababait ang mga bata sa lugar namin, they love Goofy.
"Pwede ko na siya makita?" hingi ko ng permiso.
"Hanggang sa window lang muna ma'am," bilin niya.
Ginawa ko nga iyon at pinanood si Goofy na natutulog. I don't think I could handle it kapag may nangyaring masama sa kanya. Bumalik ako sa pwesto Ko kanina.
"Anyways, you can go home for now and come back tomorrow. Mukhang kailangan nyo na mag pahinga ng boyfriend mo."
Langya nakikichismis pa tong vet na 'to.
"Hindi ko siya boyfriend, kapitbahay ko siya," paliwanag ko.
"So yung kasama mo nung nakaraan ang jowa mo?" Usisa niya.
Medyo chismosa din or bet niya si Xavier?
"Wala akong jowa," sabi ko na lamang.
Kunwari natatawa ako pero ang awkward na.
"Let's go now," sabi ni Xi.
Napalingon ako kay Xavier na tumayo na sa kinauupuan niya. Kaya 'yun na rin ang ginawa ko sinundan ko siya hanggang sa sasakyan niya at pareho kaming sumakay doon. Walang umiimik sa aming dalawa, which is kind of new. I was looking outside the window the whole time.
"How did it happened?"
"Hindi ko alam, masigla pa siya pag uwi ko. I'm just happy that he's safe. I know he'll die eventually but I'm not ready to lose him," sabi ko.
"Does Nick know what happened?" tanong niya.
"No, he's overseas," sagot ko.
"I see, what you said earlier," tila alangan na sabi niya.
"What did I say?" tanong ko, di ko alam ang tinutukoy niya.
"Uhh, nevermind," he hesitated.
Muli na naman na tahimik ang paligid.
"We're here," aniya.
Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.
"Thank you," pagpapasalamat ko.
Tumango lang siya sa akin saka ako bumaba ng sasakyan. Pumasok na ako sa loob ng bahay namin, napahawak ako sa dibdib ko. Dumiretso ako nang upo sa sofa. Tinext ko na lang si kuya para ipaalam ang kalagayan ni Goofy. Nag reply siya na baka umagahin na siya nang uwi. Bigla na lang may kumatok sa pinto.
Naka dama ako ng kaba, wala ang aso ko, wala din si kuya, ako lang mag-isa. Paano kung nasamang tao to?
Hawak ang walis tambo ay lumapit ako sa may pinto saka ulit ito kumatok.
"Sino yan?" tanong ko.
"It's me Xavier," sagot niya.
Ha? Bakit? Anong ginagawa niya sa labas.
Binuksan ko ang pinto at sinilip kung siya nga ito. Binuksan ko ito nang tuluyan nang makumpirma kong si Xavier nga ito.
"Anong meron?" tanong ko. Napakamot siya sa batok niya na tila nahihiya.
"Can I just ask for a glass of water?"
Huh? Bakit?
Okay lang naman, I owe him something that's why I'm being nice to him.
"Ahh sige, pasok ka muna," paanyaya ko di naman siya tumanggi.
Hindi ko alam kung bakit siya nang hihingi ng tubig? Naubusan siguro siya ng tubig sa bahay niya? Ipahiram ko muna kaya isang gallon ng tubig namin?
Kumuha ako ng pitsel na may malamig na tubig sa ref at baso saka iyon dinala sa sala.
Binuhusan ko ng tubig ang baso at iniabot sa kanya at pinatong Ko ang pitsel sa ibabaw ng center table.
"Uhhmm, naubusan ka ba ng tubig sa inyo? Kunin mo muna yung isang gallon sa kusina," sabi Ko habang umuupo.
I don't know but his presence right now in our house brings back the memories.
"Uhh no, I'm fine," tanggi niya.
"Ehh? Bakit ka nang hingi ng tubig?" takang tanong ko.
Muli na naman siyang napakamit sa batok niya. Hindi ako sanay, he is acting weird.
"Uhhmm, actually I just need to confirm something," sabi niya.
Alin?
"About what?" takang tanong ko.
" When you said that you're single, does it mean Nick isn't your boyfriend?" tanong niya.
Wait, bakit niya tinatanong?
"We're not yet an official couple, why did you ask?" tanong ko pabalik.
"Nothing," sabi niya.
"Kamusta naman kayo ni Eri?" tanong ko pabalik.
"We're same as before?" He sounded unsure.
"I saw you with her the last, aren't you dating her?" I asked.
It's none of my business but I can't keep the urge to ask.
"We're just hanging out with common friends."
"Okay," I answered.
That's what I wanted to hear but why did I saw them kissing? Is he saying the truth and my eyes just did a trick on me? Or is he trying to make a fool out of me?
Then again there was dead air. I wanted to ask more things about what happened about us. But I chose to keep it in silence. Lumipas ang ilang minuto ay tumayo na siya.
"I guess I have to go," sabi niya.
"Ughh, okay."
Tumayo na din ako para ihatid Siya sa may pintuan. Isasara ko na sana ang pinto nang pigilan niya ito.
"May nakalimutan ka ba?" tanong ko.
"Yes," tipid niyang sagot.
"Ano?" tanong ko.
Tuluyan niyang binuksan ang pinto at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"I'm sorry for the things that I've done. I didn't know how much pain I caused you but I'm hoping that you'll still want to hear me out. I want you to know that those days that I was gone, I never stopped loving you and all I want is to get back to you sooner."
I was astounded hearing what he is saying.
"I love you, always."
Then he kissed my hands. I was just staring at him, di ako makapag react. Masaya ako marining na he always love me but still a part of me needs an answer why he left. Before I could say a word he let go of my hand and left.
Sometimes all we need is a second chance, because time isn't ready for the first one.
< End of Chapter Forty-eight >