Ciro's POV.
Taguan
Kakaiba ang kinikilos ni AKIO nitong nakaraang araw, palagi siyang tulala at balisa. Parang lagi siyang may tinataguan. Nagsimula ang lahat ng ito nung niyakag namin siyang sumama sa birthday ko sa isang club. Hindi kaya masyado siyang nagpakasarap at nagpadala sa tawag ng laman.
Hindi ko naman siya masisisi masarap talaga ang laman lalo na pag hindi pa ito natitikman o nagagalaw hehe. Baka naman nag-aadik siya? Obserbahan ko na lang lahat ng kilos niya. Hindi niya kami kinakausap ilang araw na magda-dalawang linggo niya na kaming hindi kinakausap, pakiramdam ko may tinatago siyang sekreto sa amin at iyon ang kailangan kong alamin.
Nandito ako sa bahay nina Drei ngayon kami lang tatlo ang nandito wala si KIO, kami lang kaibigan niya ang nakakatawag sa nickname niya, sobrang bait niya sa amin minsan nga naiisip namin hindi namin kaya na wala siya sa paligid. Kapag may babayaran sa school kami na nagbabayad para sa kanya para makabawi kami sa lahat ng atraso namin. Naaawa kami sa kanya dahil puro pag-aaral ang inaatupag niya sa buhay napakaseryoso niya sa buhay malayong-malayo kami sa kanya. Pakiramdam ko tuloy hindi namin deserve ang tulad niya.
"Mga kupalogs, napapansin nyo ba ang lumalayo sa atin si KIO?" Mga kupalogs, napapansin nyo ba ang lumalayo sa atin si KIO?" Sambit ni Ryan sa amin.
"Oo nga pre, ang kapal nga ng mukha ko inutusan ko pa siyang loadan ako makapag-ml lang." Si Drei.
"Mga pre sa tingin may malaki siyang problema na hindi sinasabi sa atin." Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si KIO pero walang sumasagot.
"Napansin nyo ba yung babaeng sumundo sa kanya nung nakaraan?" Sambit ni Drei
"Oo nakita ko siya nung gabing yun hindi ko lang matandaan kung saan." Si Ryan.
"Napansin ko din siya, ang alam ko nung gabing yun tingin siya nang tingin kay Kio," dagdag ko sa kanila.
Nakita ko siya ng gabing yun hindi ko pa siya nakikita sa mga Bar na pinupuntahan ko, madalas ako sa mga parties and events pero hindi ko siya nakikita kahit minsan kilala ko mga mukha sa ganitong klaseng lugar. Iba ang kilos niya sobrang kakaiba lalapitan ko pa nga siya ng gabing yun pero yung mga tingin niya kay KIO lang nakatingin. Ang tanging napansin ko lang ay hindi siya lasing ng gabing yun, alam kong weird pero alam ko kung lasing ang isang tao kung titingnan mo lang ito.
"Ano gagawin natin mga tol, by partners lang ang paggawa ng project, hindi natin makakasama si kio ngayon." Sambit ni Ryan sa amin.
"Ako na lang ang sasalo kayo na lang dalawa ni Drei ang magka-grupo."
"Naks dakilang bayani!" Pangaasar ni Ryan. Hindi ko na lang siya pinansin wala akong oras sakyan ang trip niya. Ang inaalala ko ay si Kio, madalas hindi na namin siya nakakasama.
Umalis na kami sa bahay nina Drei at pinakalman ang sari-sariling buhay. Balak kong hanapin si Akio ngayon kase nagaalala ako sa kanya hindi lang ako kung hindi ang buong tropa. May kakaiba talaga sa kanya. Pupuntahan ko siya sa bahay nila para alamin ang totoo.
Ilang oras din ang biniyahe ko para makapunta sa kanila, sinalubong agad ako ng kanyang ina na nagtu-tutor ng ilang mga bata.
"Ciro, hijo napadalaw ka kumain ka na ba?" Tanong sa akin ni Nanay Carmen, maituturing kong pangalawang ina, palagi niya kaming binubusog pag aalis kami ng kanilang tahanan.
"Nandito po ako para dalawin si Kio, nandyan po ba siya?" Tanong ko sa kanya.
"Hijo, wala siya dito ang paalam niya sa akin gagawa daw siya ng project kasama kayo?" Nagulat ako sa sinabi niya totoo ngang may tinatago siya. Ano tinatago mo KIO?
"Ah oo nga po, pumunta siya sa amin kanina, umalis din kaagad nagalala lang po kami nay, sige po una na po ako." Palusot ko na lang, nagsinungaling ako para hindi na magalala ang mga magulang niya sa kanya alam kong ganito din ang gusto niyang gawin.
Naalala ko pa palagi niya akong pinagtatakpan sa mga babaeng pinapaiyak ko halos araw-araw yun. Kaya ngayon ako naman, oras ko na para may gawing tama sa kanya.
Kailangan kong malaman kung ano ang tinatago niya kung ano man yun sana makatulong ako, sana may magawa ako.
Isa lang ang alam ko ang palagi niyang pinupuntahan, ito ang library o kaya naman ang national bookstore sa MOA.
Pumunta ako ng library malapit sa school namin pero wala siya dito pinagtanong ko na din sa mga kakilala niya doon pero wala akong matinong nakuhang sagot kaya umalis na lang ako ng lugar.
Dumaan ako ng national book store nagbabakasakali akong makikita ko siya. Pero bigo akong makita siya. Para hindi masayang ang oras binilhan ko na lang si Kio ng libro, Harry Potter ang binili ko lahat ng series nangako kase ako sa kanya na ibibili ko siya ng libro kapag sumama siya sa akin. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayare.
Pauwi na sana ako ng may makita akong pamilyar na babae. Siya yun ang babae sa club na tingin ng tingin kay Kio susundan ko siya.
Papalabas na siya ng Mall of Asia para mag-abang ng bus, sumakay siya dito at sinundan ko siya. Maganda siya at halatang galing sa mayamang pamilya. Morena at medyo bilugan ang mga mata sakto lang ang tangos ng ilong niya mahaba ang buhok hanggang balikat niya. Mukha naman siyang desente at ayos din siya manamit.
Itinigil ko ang pagtitig sa kanya dahil nahuli niya akong nakatingin. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Manong dito na ako may manyak na kanina pang tingin ng tingin sa akin," tumingin siya ng masama sa akin nabigla ako dahil sa sinabi niya. Binabawi ko na sinasabi ko hindi siya napalake ng ayos ng magulang niya. Kulang sa aruga ang isang ito. Tumigil ang bus sandali para pababain siya.
Hindi ko na siya sinundan dahil napahiya na ako sa sinabi niya. At mukha namang wala akong makukuha impormasyon sa kanya. Maganda lang siya pero may pagkagaspang ang ugali. Tuluyan na lang akong umuwi at nagpahinga sa bahay.
NAKAKAPAGOD.
#