Oliver's POV
"Hey, Oliver may prom kang aattendan mamaya hindi ba?" tanong sa akin ni Kuya Marco at tinignan nito ang relo. "4 pm na, hindi ka pa ba maghahanda?" tanong nito sa akin.
"Baka hindi na ako pupunta kuya." Sabi ko at tinignan si papa. "Walang magbabantay kay papa dito."
"Anong tawag mo sa amin ni mama?" tanong ni kuya Marco na natatawa. "Pumunta ka na, andito naman kami para bantayan si papa." Sabi ni kuya Marco.
Hindi na ako nagmatigas at umuwi na rin sa bahay at nagpahinga. Pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung nangyare kay papa lalo na yung narinig ko sa isa sa mga nurses sa may nurse station ng ICU.
Naglalakad ako palabas ng ICU noong may nakita akong dalawang nurse na nag-uusap sa may nurse station.
"Uy bes kumusta yung patient mo?" Tanong nung isang nurse na babae sa kasama niya.
"Yung kakadala lang ba kanina bes? Yung nastroke?" tanong nung isang nurse.
Teka, si papa lang naman yung kakadala dito.
"Oo siya nga. Anong balita sa kanya?"
"Hindi maganda ang lagay niya bes. Kailangan siyang operahan pero hindi pa rin stable yung vitals niya." Malungkot na sabi nung nurse.
"Ay kawawa naman. Ang gwapo pa naman nung isa niyang anak. Hihihihi." Sabi nung isang nurse na nagpipigil ng kilig.
Si kuya Marco siguro yung tinutukoy nito.
I just shaked my head and nagtuloy-tuloy na naglakad palabas.
"BRZZZZZZTTTTT" vibrate ng phone ko. Indication na may nagtext sa akin. Paglabas ko ng phone ko ay tinignan ko kung sino yung nagtext.
From Mikay:
Hey Oliver magkita na lang tayo sa King U. Ihahatid daw ako ni papa eh.
Nireplyan ko na lamang si Mikay at nilagay ko na muna yung phone ko sa may table.
Pumunta naman ako ng cr para magshower at pumunta sa may closet ko para makapili ng suit na gagamitin ko. Pumunta naman ako sa may mirror para mag-ayos ng sarili. After kong mag-ayos ay tinignan ko yung wall clock. Malapit nang mag-9 pm. Meaning nasa school na sila Mikay.
Lumabas na ako ng bahay at nilock ito. Pumunta na ako sa sasakyan ko at nagdrive na papuntang uni.
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_
Mikay's POV
"Mikay!! I'm so excited! Finally masasayaw ko na si George!" sabi ng katabi kong si Cassie. Andito na rin kami ngayon sa venue ng Prom namin. Hinihintay namin sila Oliver at George na dumating. Nung tinext ko naman si Oliver sabi niya ay may inasikaso lang raw kaya siya mahuhuli. Si George naman raw according to Cassie, ay naipit sa traffic.
Ilang minutes lang kami naghintay ni Cassie ay dumating na si Oliver.
"Hello, sorry nalate ako." Sabi ni Oliver at umupo na sa table namin. "Hey Cassie nasan si George?" tanong niya nung hindi niya makita ang boyfriend ni Cassie.
Hindi lamang siya sinagot ni Cassie kaya napangisi si Oliver. "Baka inayawan ka niya? Kasi napakapangit mo. HAHAHAHAHAHAHA." Sabi niya.
"Che! Natraffic raw siya kaya siya mahuhuli." Sabi ni Cassie aat nagpout, inilabas niya naman yung phone niya at nagtype. Baka hinahanap niya si George.
"Mikay anong gusto mong drinks? Ikukuhanan na kita doon." Sabi ni Oliver habang nakatingin sa akin. "Hoy Cassie anong sa'yo?" tanong niya kay Cassie na nakasimangot na.
"Iced tea lang sa akin." Sabi ko. Tumango naman si Oliver at tumayo na muna para kumuha ng drinks namin.
"Aba loko iyong si Oliver. Tinanong niya kung anong gusto kong drinks, hindi naman pala niya ako kukuhanan." Sabi ni Cassie. Nagulat naman siya nang biglang nagvibrate yung phone niya. Tinignan niya kung sino yung tumawag at tumayo na muna siya at lumayo sa table namin para sagutin iyon. Maingay kasi sa venue.
"Here you go." Sabi ni Oliver at inilapag sa table namin yung mga drinks.
Bumalik si Cassie nang nakasimangot at patuloy pa ring nagtatype sa phone niya.
"Hey, are you okay?" tanong ko sa kanya. Binigay ko sa kanya yung iced tea na dinala ni Oliver sa may table namin. "You look pissed."
"Hindi na kasi makakapunta si George." Sabi niya at kinuha yung iced tea at ininom ito.
"Akala ko ba on the way na siya? Bakit biglang hindi na pupunta?" tanong ni Oliver.
"May emergency raw kasi kaya hindi na siya makakapunta." Sabi ni Cassie at tinitigan yung basong hawak niya. Mababakas mo sa kanyang nadismaya siya sa nangyare. Ikaw ba naman naghanda ng sobra-sobra para dito sa prom tapos hindi lang rin pala matutuloy.
Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng hug. "It's okay Cassie, maeenjoy mo pa naman yung party."
"Paano ko naman maeenjoy? Eh wala na akong partner?" tanong niya.
"Bakit? Andito naman si Oliver." sabi ko at tinignan si Oliver, inalis ko rin yung pagkakayakap ko sa kanya. "Partner nating dalawa si Oliver. Kung andito lang si Kristan tatawanan ka nun."
"Heh! Huwag mo na nga akong asarin Mikay. Inindian na nga ako ng partner ko eh." Sabi niya at tumayo. Bigla niya akong hinila papunta sa may center ng auditorium "Tara sayaw tayo!"