CHAPTER THIRTY TWO

Mikay's POV

"Hey, Mikay!!" sigaw ni Alyana mula sa gate ng highschool campus. Papunta pa lamang ako ng room namin for our first subject. Medyo na late ako ngayon dahil ginabi kami mula sa pagcecelebrate ng pag-uwi ni Kristan.

"Oh Alyana!! Hello." Sabi ko habang hinihintay siyang lumapit sa akin. Inangkla niya naman yung mga kamay niya sa akin at nagsimula na kaming maglakad papuntang classroom.

"Himala at late ka ata ngayon?" bungad na tanong sa akin ni Rich pagkarating namin sa classroom.

Never pa kasi akong late dumarating sa classroom since the beginning of the school year kaya siguro naninibago yung mga classmates ko.

"Medyo na late lang ako ng gising hehe." Sabi ko at napakamot na lamang ng ulo.

"By the way, sana makasama ka sa amin ni Alyana mamaya ha." Sabi ni Rich.

"Clear naman ang schedule ko, anong meron?" sabi ko at inilapag na muna yung bag ko sa desk ni Rich at kumuha ako ng upuan.

"Birthday ko kasi ngayon. And balak naming kumain mamayang lunch ni Alyana para magcelebrate." Sabi ni Rich. "We're going to Nick's Dine mamaya. Kaya sana wala kang gagawin nun."

Ngumiti naman ako sa kanya. "But, maraming tao sa ND tuwing lunch break. Gusto niyo ba magpareserve ako ng table natin mamaya?" tanong ko sa kanila.

"Wow naman Mikay! Sige gusto ko iyan!" sabi ni Alyana at bakas sa mukha niya ang excitement.

Sandali pa kaming nag-usap bago ako pumunta sa seat ko. Pagkababa ko ng mga gamit ko at pagka-upo ko sa seat ko ay napansin kong nakatingin sa akin si Kael.

"Hey, stop staring." Sabi ko, napansin ko namang napangisi siya. "If you're going to ask, birthday ngayon ng crush mo."

Muntik naman akong humagalpak ng tawa nang makita kong namumula si Kael.

Kinikilig to panigurado XD

Hindi niya naman ako sinagot at yumuko na lang siya sa desk niya. Matutulog na naman siguro ito.

After ng ilang subjects ay nagring na yung bell. Sign na lunch break na.

Kinuha ko naman ang mga gamit ko at tumayo na. Lumingon naman ako sa katabi ko para ayain sana siya pero mukhang may lakad rin sila ni Vincent.

"Guys, tara na?" tanong ko pagkalapit ko sa dalawa.

"Sige!" sabi ni Alyana at hinila na ako papuntang pintuan. Naiwan naman si Rich na busy pang nag-aayos ng gamit.

"Hey, may mga kasama tayo." Sabi niya ng pabulong.

"Huh? Sino naman iyan?" sabi ko pero agad-agad naman niyang tinakpan ang bibig ko.

"Huwag lang maingay at baka marinig ni Fredriech." Bulong niya sa akin.

Tumango naman ako at inialis niya rin yung kamay niya sa bibig ko.

"So sino nga?" tanong ko sa kanya.

Nang pabulong

"Sila Vincent…..actually ininvite ko sila kasi…" sabi niya pero parang may pag-aalangan sa mukha niya.

"Boyfriend ko na siya." Sabi niya nang namumula.

Napangiti naman ako at naggesture ng thumbs up sa kanya.

"Bagay kayo." Sabi ko trying to suppress my giggle. "Alam mo bang ship ko kayo hahahaha." Sabi ko at mahina siyang hinampas sa braso.

"Anong pinag-uusapan ninyo?"

"AAAAAHHHH!!!" sabay naming sigaw ni Alyana at napalayo sa kung sino man iyong nag-salita.

"Ano ba yan Fredriech Von!!! Nakakagulat ka!!" sabi ni Alyana at nilapitan ito at binatukan.

"Aray! Para saan naman iyon!" sigaw ni Rich kay Alyana at hinawakan yung part na binatukan ni Alyana.

"Para yan sa panggugulat mo sa akin." Sabi ni Alyana at nilapitan ako. Hinila niya naman ako at nagpatuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot ng Kingsley.

"Hey, what are we doing here? Dala mo kotse mo?" tanong ni Rich kay Alyana.

"Uhm…Rich, if you don't mind I have invited 2 other people na kasama natin. Sila na maghahatid sa atin sa ND." Sabi ni Alyana.

Tumaas naman ang kilay ni Rich at tinitigan kaming dalawa ni Alyana.

Ng matagal…as in parang tinutunaw ako ng mga titig niya.

Napabuntong hininga naman siya at yumuko. After ilang seconds ay tumingin ulit siya sa amin.

"So…sino sino sila?" tanong ni Rich. Sa tono ng boses niya parang sanay na siya sa gawaing ito ni Alyana.

"Wait lang ah." Sabi ni Alyana at inilabas ang phone niya. She giggle and lumayo na muna sa akin. After ng ilang minutes ay nakita namin ang dalawang lalakeng papalapit sa amin.

"Tara na! Rich doon ka na sa kotse ni Kael sumakay. Dito na kami ni Mikay sa kotse ni Vincent." Sabi ni Alyana.

"Hah? Bakit kaming dalawa lang nandito?" Tanong ni Rich at tinignan si Kael. "Mikay dito ka na rin." Yaya niya sa akin.

"Huwag na Rich. Makikisabay na lang ako kila Alyana" sabi ko at sumakay na sa backseat ng kotse ni Vincent.

Pinaandar na ni Vincent yung kotse niya at umalis na kami ng university. Sumunod rin naman yung kotse ni Kael sa amin.