CHAPTER THIRTY FOUR

Mikay's POV

After kong mahimasmasan ay bumalik na ako sa room ni tito Ralph.

Pagkapasok ko roon ay naroon pa rin sila Kristan at Kuya Marco.

"Oh Mikay andito ka pala." Sabi ni Kuya Marco. "Hey! Kristan sumama ka na nga lang sa kanila at hindi yung pinepeste mo ako rito." Sabi niya kay Kristan.

"Ayaw ko maging third wheel. At saka mas maganda dito eh." Sabi niya at ngumiti ng matamis kay Kuya Marco.

Lumapit naman sa akin si Oliver.

"Mikay tara na?" sabi ni Oliver. Tumango naman ako kaya nagpaalam na rin kami sa lahat ng taong naroon.

Pagbaba namin ng parking lot ay hindi naman kami nahirapang hanapin yung kotse ni Oliver since kokonti lang yung nakaparadang mga sasakyan.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Oliver sa akin pagkasakay namin ng kotse niya.

Nag-isip naman ako ng malalim.

Saan nga ba ang magandang puntahan ngayon?

Then an idea strucked me.

"Pwede ba tayong pumunta sa Lingayen Gulf?" tanong ko habang tinitignan yung oras.

Since ilang minutes lang naman yung byahe papunta doon, siguro maaabutan pa namin iyon.

"Sige, walang problema." Sabi ni Oliver at inistart na yung sasakyan at nagsimula na siyang magmaneho.

Tahimik lamang kami sa buong byahe, hindi nagkikibuan, at nakatingin lamang sa daan.

I can feel the awkwardness slowly eating us up.

"Saan ka galing mung Monday?" Basag ni Oliver sa katahimikan.

Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Kumain kami sa labas nila Fredriech. Birthday niya kasi." Sabi ko. "Hindi ba nagtext naman ako sa inyo non?"

"I'm just curious. We're here na." sabi niya at pinark na yung kotse niya.

Lumabas naman ako at naglakad palapit sa dagat. It's been awhile since I came to a sea.

Noong bata kasi ako, sa dagat ako naglalabas ng frustrations ko.

Kahit walang dagat sa amin, minsan sa ulan ko inilalabas ang nasa loob ko.

Water always make me comfortable. Yung tipong makakita lamang ako ng alon ng tubig ay nafefeel kong nasa tamang lugar ako.

And I badly need to calm right now.

"Bakit mo naisipang pumunta dito?" tanong ni Oliver at umupo sa may buhangin.

Umupo na rin ako sa tabi niya at pinagmasdan ang alon na humahampas sa mga paa namin.

"Wala lang, I just want to calm myself a little bit." I said, playing with the sand using my hand. "Nakakapagpagaan kasi ng loob ko ang dagat."

"Bakit? Is there anything that is bothering you?" tanong niya at napatingin sa akin.

Nagkasalubong ang mga mata namin at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ipinukol sa dagat ang mga mata ko.

"Hindi ko kasi alam kung….I'll regret everything na itinatago ko." Simula ko. "Hindi ko alam kung sakaling mabunyag iyon, makakapag-explain pa ba ako."

"Alam mo Yemika na kahit ano pa man yan ay tatanggapin namin." Sagot ni Oliver. "You've been like that since we were young. Meron kang mga bagay na itinatago sa amin because you have to."

"You don't have to stress yourself thinking about what we will think about you when that time comes. What's important now is that we are happy right now. Umuwi na si Kristan at magkakasama na ulit tayo ngayon." Sabi ni Oliver at inakbayan ako. Marahan niya ring hinaplos ang likod ko.

Napangiti naman ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Thank you..for being the most caring friend na meron ako. I promise na kung ano man ang itinatago ko sa inyo ay meron akong sapat na reason."

Hindi na siya sumagot at nanatili na lamang kami sa ganoong posisyon at pinanuod ang paglubog ng araw.