CHAPTER FORTY

Mikay's POV

Pagmulat ko ng aking mata ay tanging puting kulay lamang ang nakikita ko. Para akong nasa isang puting kahon na tila walang katapusan.

Nagtataka man, ay pilit kong inisip ang nangyayare. At hindi nagtagal ay naalala ko ang mga iyon.

Ang hindi ko pagsagot kay Oliver.

Ang pag-aaway namin ni Cassie

Ang pagkikita namin sa park.

Ang pagsakit ng ulo ko.

Nang maalala ko ang bagay na iyon, ay napagtanto ko kung nasaan ako.

"Nasa langit ba ako?" sabi ko at nagulat dahil hindi ko narinig ang boses kong sinabi ang mga katagang iyon.

Tila ba nakamute ako sa lugar na iyon, at tanging ang isip ko lamang ang gumagana.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad kahit na alam kong wala akong patutunguhan.

Nasa langit nga ako.

Patay na ba ako?

Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang maisip ang bagay na iyon.

Marahil sumuko na nga ang katawan ko.

Gusto kong umiyak, pero hindi ko magawa.

Gusto kong bumalik, para humingi ng sorry.

"Sorry sa lahat, sorry dahil itinago ko sa inyo ang lahat."

Hindi nagtagal ang paglalakad ko nang may namataan akong isang sapa.

Lumapit ako roon at nagulat sa nakita ko.

"Ako ba…..iyon?" tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang isang babaeng nakahiga sa isang hospital bed.

"Ikaw nga iyan." Sabi ng isang matandang lalaki habang papalapit sa akin.

Pilit kong tinitignan ang kanyang mukha upang makilala sana ngunit habang papalapit siya ay unti unti ring lumiliwanag.

"S-sino ho kayo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo na ako kailangang makilala pa, ang mahalaga ngayon ay ang iyong desisyon." Sabi niya sa akin.

"Ano ho ang ibig ninyong sabihin?" tanong ko.

"Yemika, kailangan mo nang magdesisyon kung mananatili ka ba rito o mananatili ka sa lupa." Sabi niya na ikinagulat ko dahil alam niya ang pangalan ko.

"Hindi ko pa po alam…..hindi ko pa po alam kung anong gagawin." Sabi ko nang nanghihina.

"Ayaw ko nang mahirapan, ayaw ko namang iwan sila ng walang paalam." Sabi ko at napaluhod na.

Bigla ring pumasok sa isipan ko ang mga ngiti nilang lahat.

Yung araw na una kaming nagkakilala

Yung araw na sabay kaming grumaduate ng elementary.

The day we celebrated our birthdays together.

Those were the days that I cherish the most.

And I don't want to end those moments today.

Pero…..

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa.

Hindi ko alam kung sakaling mabibigyan ako ng chance mabuhay ay magtatagal rin ito.

"Mikay…..gusto kita. Mikay gustong-gusto kita."

Bigla akong natigilan nang maalala ko ang mga katagang iyon. Naalala ko ang taong nagsabi ng mga iyon.

Si Oliver.

Si Oliver na mahal na mahal ko.

Huminga ako nang malalim.

"Nakapagdesisyon na po ako." Sabi ko.

My decision is for the best… I think.