Ako yung taong akala mo seryoso
Ngunit guluhin mo lang tatawa na nang todo.
Ako yung tipong pag iyong lambingin, maglalambing din
Ngunit sa isipa'y sobrang lito.
Ako yung tipong gustong sumabay sa uso
Ngunit may malalim na pinaghuhugutan.
Ako yung tipong akala mo wala lang pakialam sa nararamdaman
Datapwat marunong ding makiramdam
Ako yung tipong akala mo wala lang ngunit sa kaloob-looban kay pait ng nararamdaman
Ako yung tipong pag may problema ka, tutulungan ka sa abot ng makakaya ngunit sa sarili'y hindi magawa.
Hindi mo mawari katangian ng isang tulad ko ngunit alamin mo ang sarili mo malalaman mo pareho lang tayo.