Napakatagal na panahon
Noong tayo'y unsang nagkakilala
Ngunit panahon ay lumipas
Tayo'y naging magkaibigan
Nag-uusap, tumatawa,
Nakikinig sa simpatya my bawat isa
Ikaw ang aking payaso,
Sa panahon na ako'y lumuluha
Ikaw ang aking taga-aliw
Nang ang sakit ay aking nahinuha
Pinaniwala mo ako,
na ang buhay ay maganda
At tadhana'y nagdadala
Ng maraming sorpresa.
Ikaw ay angel na nahulog sa langit
Isang regalia galing Kay Bathala
Kayamanang aking inalagaang pilit
Pagpapahalaga sayo'y,
Sumanga at kumuwala.
Ikaw ay mahalaga
Yan ang iyong pinagkaiba
Sa dinami-dami Ng kaibigan ko,
Ang iyong kahinahunan ay nag-uusap
Ito'y iyong kalakasan, ang iyong kaibahan
At ito'y naging rason ng pag-ibig na umusbong.
Na parang ulan sa kalangitan
sa puso ng musmos na kaibigan.
Minahal Kita kaibigan ko,
alam mo at ramdam mo rin ito
Kaibigan Kong mapagmalasakit
Kahit ito'y ibaon sa limit
Ako'y di pa rin lilimot
Sa pagkakaibigang nagsimula
Sa panahon ng pagiging musmos.