Chapter 1
"Mama, uuwi po ako ng Pilipinas at mag-aaral ako! I can't just stay here to work! Hindi ito ang pangarap ko!" sigaw ko sa kaniya.
Napalunok ako nang magsimulang manubig ang mata ko. Mama shook her head while massaging her temple.
Pinapasakit ko na naman ang ulo ni Mama. Kakagaling lang niya sa trabaho tapos mag-aaway na naman kami?
"Bakit hindi ka dito mag-aral? Nang sa ganoon, maalagaan kita dito, Che. Hindi pweding mag-isa ka doon sa Pilipinas! Nandito ako sa France, nagta-trabaho para sa'yo kaya pweding dito ka na rin! "
Umiling ako. Hindi niya maiintindihan.
"Cheyenne-"
"Ni hindi niyo nga mapangalagaan ang sarili mo kaka-trabaho! Kahit dito, hindi mo magawang pagtuunan ako ng pansin. Sa Pilipinas, masaya ako doon! Mama, nandoon ang buhay ko. " giit ko.
Tumayo siya at nagpunta sa kusina. Sinundan ko siya at halos manlumo ako nang makitang kumuyom ang kamao niya habang nakatitig sa maliit na table. Shit, hindi ako nakapagluto.
"You don't even know how to cook. " malamig na bumaling siya sa'kin. "I can provide all your needs, I can enroll you to a prestige University here if that's what you want, anak. Dito ka nalang kay Mama. "
Inis na pinahiran ko ang luha at umiling sa kaniya. Hindi talaga niya maiintindihan. She started working here in France when I was still in 14. Wala na si Papa kaya mag-isa si Mama sa pagkayod.
Doon ako kay Tita tumitira habang nasa ibang bansa si Mama at ngayon lang ako nakapunta dito.
Kung alam ko lang na ayaw na niya akong pauwiin ay hindi na sana ako pumayag na dito mag-bakasyon. France is a nice place, alright. Pero sa Pilipinas parin dapat ako babalik.
Nagpunta ako sa park at doon namahinga. Nandoon lang ako hanggang sa magsawa. I was checking my wallet if there's a money left inside but I suddenly bumped into someone.
"Je suis désolé, monsieur. (I'm sorry, Sir. )" yumuko pa ako.
Hindi naman ako pinansin ng lalaki. Naka-shades siya kaya hindi ko masyadong kita ang mukha niya. Sinundan ko ang lalaki ng tingin at napailing-iling na lang.
Tumingin ulit ako sa wallet ko at doon lang napansin na nahulog pala ang mga barya ko.
I bend-over to get those coins. May umubo bigla sa likuran ko kaya napaayos ako ng tayo. Nakapalda pala ako!
May nakaupong lalaki doon sa may bench at naka-shades na naman. He's crossing his arms across himself. Hindi ko alam kung umubo ba siya dahil may nakita siya habang naka-bend over ako o baka dahil wala because he's blind?
Lumapit ako sa lalaki at nilagay sa tabi niya ang mga coins ko.
"Bonjour. Take this money. "
I feel proud of myself. Parang ngayon lang ako nakagawa ng mabuti. Sa French man pa. Mama would be proud if I tell her what I did tapos papauuwin na ako sa Pilipinas.
"Hé, je ne suis pas aveugle! Ni pauvre! Toi, idiot! Comment oses-tu?! (Hey, I'm not blind! Nor poor! You, dumb! How dare you?!)" may sumigaw bigla.
Akala ko may nag-aaway na mga French na naman pero may tumamang parang barya sa ulo ko kaya humarap ako.
May nakatayo ng lalaki hindi kalayuan sa'kin at masama na ang tingin. Hindi blind 'yung lalaking binigyan ko ng Euro!
"Me?" I pointed myself.
Hindi makapaniwalang suminghap siya. He turned his head sideway habang hinahawakan ang panga niya. Ang ganda ng side profile niya. Matangos ang ilong, ang cute ng mata, matangkad. Para siyang hindi French. He's more like... Korean or Pinoy?
"Comment osez-vous me prendre pour aveugle et pauvre?! Zut. (How dare you mistaken me as blind and poor?! Damn. )"
"What?"
I only know and understand few French words. Hindi kami magkakaintindihan dito!
"I'm sorry, I didn't know! I-If you don't mind, you can just give me back the coin-" hindi na ako nakatapos dahil maangas na hinulog niya ang mga barya sa mismong harapan ko.
Napamaang ako at tumitig sa mga baryang nagkalat sa paanan ko. Sisigawan ko na sana siya pero agad siyang tumalikod at iniwan ako dito.
"Arogante kang Pranses ka! Akala mo gwapo ka? Oo na, gwapo ka!" natigilan ako sa pag-sigaw dahil bumabaling na sa'kin ang tingin ng mga tao.
Inis akong naglakad palayo. Umuwi akong kuyom ang kamao. Hindi ko nakita si Mama sa loob ng maliit na apartment. May binilin siyang sticky notes doon sa fridge at may ulam na rin sa table.
Bukas ang uwi ko. Go to a Restaurant nearby if you don't want to cook. Wag ka lang lumayo.
-Mama
The side of my lips turned up and went out to the kitchen.
Nitong nakaraang linggo pa ako nandito pero ito palagi ang nangyayari. Aalis si Mama, hindi agad uuwi at naiiwan akong mag-isa. Ni hindi ko pa nalilibot ang France! Baka maligaw ako pag mag-isa akong bumyahe.
Kinabukasan, hindi maagang nakauwi si Mama. Ang alam ko sa trabaho niya, katiwala siya sa isang Hotel at paminsan-minsan siyang nashi-shift sa ibang lugar.
Lumabas ako nang maumay sa Netflix. Nagpunta ako doon sa isang kainan para kumain. I stared at my plate and sighed heavily. Gusto kong magpunta sa mga fairy-tale castles, Cathedrals, Côte d'azur, tingnan ang Eiffel tower. Paano ko ba gagawin mag-isa 'yun?
"Nous manquions d'employé. Que devrions nous faire? (We lacked of employee. What should we do?)"
"We can find ways, Madame. We'll put signboard at the door-"
"No, no. We don't do that here. It would grime our restaurant. Oh, I'm so stressed. I need rest. "
Pinagmasdan ko si Dexie na mukhang may malaking problema. Madalas ako dito kumakain kaya nakilala ko si Dexie na server dito.
She's a Filipina and she's good to me. Matanda siya ng ilang taon sa akin at may anak na rin siya. I think she started working here 2 years ago.
Kumaway ako sa kaniya nang makita siyang nagse-serve malapit sa table ko. Ngumiti siya ng malaki sa'kin pero hindi na lumapit. May mga table sa labas kaya doon ako nagpahinga.
"Cheyenne!" Nakita ko si Dexie na lumabas at naka-uniform pa rin. "Anong ginagawa mo sa labas? Wala na naman ba ang Mama mo?"
"Nagpapahinga lang. At mamaya pa 'yun uuwi si Mama. You know, Dexie, I'm so bored!" I playfully wiped my invisible tears.
Tumawa siya. Kung hindi lang siya busy ngayon, baka nahila ko na siya at ginawa kong tour guide.
"Stress na stress din ako. Nakakaloka si Madame. Ayaw magpalagay ng 'finding server' sa pintuan dahil madudumihan daw ang Restaurant. Paano kami makakahanap ng empleyado niyan?" problemadong sabi niya.
"Naghahanap kayo ng server?"
Lumingon pa ako sa Restaurant nila at ang uniform ng server. The uniform is not that nakakahiya to wear.
"Kakasabi ko lang, 'diba?" ang sungit niya.
"What if I'll apply?"
Humagalpak siya ng tawa. Ni-head to foot pa niya ako sa pagtingin. I wore my flare pant and wrap top. I used my minimal sandals at naka-floppy hat pa ako. Feel ko lang mag-OOTD.
"Sige na, Dexie. Bored na bored ako kaya nga nag-suot ako ng ganito. Try ko lang naman. Kapag nagkamali ako, ayos lang kahit wala ng sahod. " pamimilit ko.
Humagalpak na naman siya ng tawa. Sa huli, napapayag ko siya. Tumatalon-talon ako at niyakap pa siya. Sa pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko si Mama na nagluluto.
I went to her and kissed her on the cheeks. She looked at me from head to toe like what Dexie did earlier.
"Saan ka galing?" she asked.
Naupo ako sa table at nangalumbaba.
"Nag-apply akong server sa isang Restaurant. Malapit lang dito. Malalakad ko lang. "
Akala ko magagalit siya pero nabigla ako nang lumapit siya sakin para yakapin ako. Sa akin mapupunta ang sahod ko pero parang mas masaya pa siya sa'kin.
"Are you sure about this? You're growing, Che. Akala ko habang buhay ka lang sitting pretty." sabi niya. Ang judgemental naman niya.
"Mama, 'yung sahod ko, gagamitin kong pang-enroll. Uuwi ako pagkatapos ng bakasyon. Please let me..."
Mabilis siyang tumalikod at bumalik sa niluluto niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Ang tigas talaga ng ulo naming dalawa.
"Let's talk about that tomorrow. " malamig na sabi niya.
Hindi na'ko nagsalita. The next morning, I woke up early to get ready. May trabaho na naman si Mama kaya hindi ko na siya naabutan nang magising ako. May sticky notes na namang nakadikit sa fridge at ulam sa table.
Natanggap agad ako kahapon. Tinanong lang ako ng tinanong ng Madame nila at sinabing papasok na agad ako kinabukasan. Ngayon ang start ko kaya ayokong magpa-late.
"I have a bad feeling about this." bulong ni Dexie sa'kin habang pinagmamasdan akong inaayos ang uniform.
"Ang rude mo. Ita-try ko namang hindi makabasag o ano pang accident diyan. "
"Siguraduhin mo lang dahil ako ang malalagot."
"Yeah, yeah. Trust me!"
Ang aga-aga pero may mga costumer na agad. Karamihan pa doon, hindi mga French. May mga Kano, Chinese, Japanese kaya hirap ako sa pagsasalita.
I just served silently. Hindi ko masyadong nakakausap si Dexie dahil abala din siya.
Nagpahinga ako saglit. Gosh, so tiring. Maghahapon na pero may mga costumers na naman. Mas dumadami pa nga.
"Move, move!" sabi ng Pransesang katrabaho ko din habang tinutulak ako.
Inis akong tumayo. Hawak-hawak ko ang tray para doon sa table na nasa tabi ng glass wall. May lalaking nakaupo doon at baka hindi na naman French.
"Bonjour. " mahinang sabi ko at binaba ang mga plate mula sa tray.
Ngumiti ako sa lalaki pagkatapos. I quickly covered my mouth when I remembered this guy. Madramang humawak ako sa dibdib ko at tinuro ang lalaki.
"You. " matigas kong sabi.
Ang gwapo talaga niya. Pero wala naman siyang modo. Ang malas ko naman ngayon.
"Oui, c'est moi. (Yes, it's me. ) " the side of his lips turned up.
"Ang dami-daming restaurants, bakit dito pa piniling kumain?" anas ko at mabilis na umalis sa harapan niya.
Inis akong nagpunta sa lounge area ng mga employees para magpahinga na naman.
That guy! He maybe saw my cycling nang mag-bend over ako kaya siya napaubo!
"Hoy, Cheyenne! Anong ginagawa mo diyan? Lumabas ka bago ka makita ni Madame diyan!" natatarantang sabi ni Dexie.
Tumayo ako at nag-serve ulit. Nagngitngit ako sa inis nang makitang nandoon pa rin ang lalaki. Nagkataon pang malapit sa table niya ako pupunta. Nag-angat siya ng tingin sa'kin at nakangising uminom sa champagne niya.
It happened again the next day. Nakita ko na naman siyang kumakain at ako pa ang nagse-serve ng mga food niya. Hindi ko na siya binati nang makalapit ako.
"Bonjour. " nakangising bati niya sa akin.
Hindi ako nagsalita at nilapag nalang sa table niya ang mga plates. I secretly rolled my eyes. Nakangisi siya habang pinapanood ako!
It's so uncomfortable. Madalas sa mga French Men, mga manyakis.
"I never expect I'd see a beautiful Filipina working here. Ang dami-daming restaurants, bakit dito ka pa nagtrabaho? I lost my appetite tuloy. " biglang sabi niya.
As far as I remember, I cleaned my ears before I went here. Did he just spoke using my language? Ano daw?
"First, I'm not blind. Second, I'm not a beggar. Third, I'm a Filipino. And lastly, I'm Primo Yuchengco." aniya, naglahad pa siya ng kamay sa'kin.
Napamaang ako. Tiningnan ko ang kamay niya at hindi tinanggap iyon. Agad akong tumalikod at napahilot nalang sa sentido.