A/N: Hi guys! It's me yellowgeek. In this story the year dates back to 2013. So, I hope you like my story.
[BLAIRE]
May 17, 2013; 12:00 nn
"Now that you are all here, I need you all to listen to me." sabi ni mama.
We all stayed in silence. Well, alam ko na kung ano ang pag-uusapan namin, pero sila 'di nila alam kasi hindi pa sinasabi ni mama sa kanila. Sa akin lang muna kasi minsan OA ang mga kapatid ko especially si Rachel. Oo, OA talaga. Pati pangalan kasi dapat tawagin siya na Rachel Lee na may intonation with matching action ng kamay niya. Diba, OA?
Huminga muna si mama ng malalim bago siya nagsalita.
"This job I'm giving you can be challenging dahil alam ko wala kayong experience sa ganitong bagay. Per-"
Tuwang-tuwa na sinabi ni mama pero hindi na natapos ang susunod na sasabihin niya nang biglang sumabad si Rachel.
"Mom, don't tell me may bagong kapatid na naman kami."
"About that, hindi kayo magkakaroon ng bagong kapatid. Bakit? Gusto niyo pa ba?"
"Ummmmm....about that mom, are you serious? Kasi busy kaming lahat sa maraming bagay. I think we're not ready," sabi ni Rachel.
"Tsk. As if may ginawa ka. Puro fashion lang naman alam mo, pero hindi mo naman hinuhugasan ang plato mo. Ako pa yung pinapahugas mo dahil sabi mo 'Ah Chico, pwede ikaw na lang ang maghugas ng plato ko? Kasi baka ma ano yung nails ko. Sayang naman yung nail design na ginawa ng nail technician ko eh. Maganda kasi yung design at may upcoming fashion show pa 'ko. Alam mo na...ayokong makita ng mga tao na ang nails ko ay nag-brittle na dahil sa kakahugas ko. So, thank you Chico. Nighty!' Pinakonsensya mo pa ako. Nakakainis!" galit na pabulong ni Chico.
"Hmp!"
"Hmp ka rin!"
"Hmp ka rin ulit!"
"Hmp ka rin 1,2,3! Oh? Aangal ka pa?"
"Whatever!" galit na sabi ni Rachel and she rolled her eyes.
Hayssstt! Wala pa ring pinagbago. Parang mga sirang plaka.
"Now, now. Rachel, Chico tama na yan. Hindi ko kayo tinawag dito para mag-away. Tinawag ko kayo dahil may trabaho akong ipapagawa sa inyo. Are we clear?" seryosong sabi ni mama.
"Yes." both of them replied but they lowered their heads because they were embarassed.
"Good!"
At biglang nag-iba ang kanyang mood. From serious to cheerful ulit.
"So, back to our topic. Like I said earlier, this job isn't just a walk in a park because you have no experience on this thing or should I say these things, kasi marami kayong gagawin doon. I hope you understand. Your father and I will be going on a business conference sa Italy. This is so important na walang mag-mamanage sa hotel natin. 'Di ba alam niyo yung hotel na pinatayo namin ng papa niyo?" mom said.
"Doon? At hotel? You mean Dream Luxe Hotel mom?"Allie asked.
"Yes, darling. The one and only, Dream Luxe Hotel," mom answered Allie.
"Ahhhh..." sabay sabay naming sabi.
"Now that you know na walang mag-mamanage sa hotel natin dahil pupunta kami sa Italy, you six will be the one to maintain the status of our hotel. Is that clear?" mom informed us.
"Umm....for how long ma?" tanong ni Rachel kay mama.
"Two weeks." tipid na sagot ni mama.
"Two weeks??!!!"
At nagulat kaming lahat sa biglaang sigaw ni Rachel. Hayssst. Rachel 'di ka pa rin natututo no? Na bawal mag-ingay dito sa bahay. Tumango lang si mama sa kanya, senyales na two weeks talaga kaming mag-mamanage ng hotel.
"Bakit two weeks ma? 'Di ba pwedeng three days lang?" sunod-sunod na tanong ni Rachel.
Umiling ang ulo ni mama.
"Five days?" tanong ulit ni Rachel.
At siyempre umiling ulit si mama. Rachel, two weeks nga. Hindi three or five. May sinabi ba si mama na 'okay, mga anak pagbibigyan ko kayo. Five days na lang. The rest will be taken care by my secretary.' Diba wala? Bingi ka ba?
"How about 1 week na lang ma? 2 weeks is kinda long and marami pa kaming gawain since it's summer. We usually go to the beach or may fashion show or may photoshoot ako. 'Di pwede yan," giit ni Rachel kay mama.
"Oo nga ma. May car race ako minsan kasama ang mga kaibigan ko. Sometimes occupied ako dahil maraming nag-lilinyahan para maka-date ako," sabi naman ni Colie habang naka-smirk.
Tsk. Andiyan na naman yung kapatid kung GGSS. Gwapo naman talaga siya kaso parang na-overdose siya sa kanyang kagwapuhan. Hahaha. Sorry ha. Parang bina-backstab ko na sila. Hahaha. At sumunod naman si Allie nag-salita.
"Tama po sila ma. I always go to the beach every summer for relaxation and for brainstorming my ideas for my painting. Annnnddd... I also promised Vanessa na pupunta kami sa bagong bukas na art museum."
"Mom, may gymnastics practice ako tuwing Monday,Wednesday, Friday at Saturday. I shouldn't miss that," Cherry sighed.
"At syempre ma, as the best child in the family-"
Hindi na natuloy ang sinabi ni Chico nung nagsalita kaming lahat na
"Wow ha! Best chiillld?"
"Oo, best child. Now back to the topic. Gaya ng sabi ko ma, as the best child mo, may practice ako sa volleyball at baseball. Tapos syempre may taekwondo pa ako. Tapos meron pa, I always have time for my books," pakiusap ni Chico na tila isang batang paslit nahumihingi ng candy sa kanyang nanay.
At dito na nagsimula ang rambulan. Yeah. I declare waaarr... Hahahahah..
"Ma 'di pwede yun."
"Ma, summer is here. Vacation?"
"I love volleyball and I can't just miss the practice dahil mag-mamanage kami ng hotel."
"Ma, pwede po yung secretary mo na lang?"
"Ma, nag-promise na ako kay Vanessa."
At tingnan mo ang mukha ni mama. 'Di na niya alam ang gagawin niya. Napailing na lang si mama sa sobrang ingay nila.
"Ma please naman oh."
"Ma!"
"Mom naman eh!"
Sige. Akala niyo kayo lang ha. Babanat din ako.
In 3
2
1
"Stttttttoooooooooooooooooooooooooopppppp!"
*CLAAAASSHHH*
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*CLAAAASSHHH*
May 13, 2013; 8:00 am
At the Fernatalie's mansion
4 DAYS BEFORE THE MEETING
"Manang Dolores! Pwede pahiram ng walis at dustpan?" tawag ko kay manang Dolores.
Arrghh! Nabasag yung baso dahil may nakakalat naman na bagay dito sa kuwarto ko. Pakana naman ito ni Chico. Sige, sa ngayon nagtagumpay ka. Sige magpakasaya ka, hindi rin tatagal 'yan. Hahaahahah.
"Hahahhaahhahaahahah"
"Ma'am? Ma'am, okay ka lang ba?" tanong ni manang Dolores.
I frozed at tumigil sa pagkakatawa. Baka mapagkamalan pa ako ni manang Dolores na nasasapian na ako.
"Ahaha. Okay lang ako manang. Nabasag kasi yung baso na hinahawakan ko dahil may nakakalat na naman na kung ano-ano dito. Kaya yun, nabasag. Heeheeh."
"At tinawag po kita kasi hihiram ako ng walis at dustpan. Lilinisin ko kasi 'to," I added.
"Ay, iha. Ako na diyan. Ako na maglilinis baka mag-alala pa mama mo," sabi manang Dolores.
"Manang, okay lang po. Kaya ko na ito," sabi ko kay manang.
*BAAM*
At biglang bumukas ang pinto.
"Anak! Okay ka lang? Ha? May nangyari ba? Nasaktan ka ba? Nasira ba ang beautiful face ng anak ko? Ha?"sunod-sunod na tanong ni mama.
Hay naku! OA talaga ni mama kahit kailan pero okay lang at least nag-woworry siya sa akin. Pero minsan talagang over na over na talaga ang reaction niya. At ba't masisira ang mukha ko sa simpleng basag ng baso?
"Ma, okay lang ako. At hindi nasira ang mukha ko," mahinahong sabi ko.
"Syempre anak, basag na baso 'yun. 'Di ko gusto na iparetoke 'yang mukha mo....alam mo na."
Talaga? Sa simpleng basag na baso? Pareretoke agad? 'Di ba pwedeng kunting galos lang muna?
"Ma, okay lang ako."
"Talaga ba anak?"
Tumango naman ako.
"Sige, manang Dolores pwede ikaw muna ang maglinis yan? Pati na ang nakakalat na gamit." utos ni mama kay manang Dolores.
"Pero ma?" pagtanggi ko kay mama.
Dapat ako ang maglilinis. I already told manang Dolores.
"No, ngayon si manang Dolores muna maglinis nito. Tingnan mo ang nangyari sa iyo muntik na masira ang magandang mukha mo."
"Fine."tipid na sagot ko.
"Good." At lumabas na si mama.
"Tama naman si ma'am Melissa. Baka mapaano ka pa. Maraming nakalat na bagay dito. Baka madulas ka ulit. Makulit talaga si Chico kahit 15 na siya. Hahaha."
Sus! Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni manang Dolores.
"Manang naman ..'Wag mo naman akong gulatin. Haha."
"Sorry, iha."
"Okay lang po. Hahah." ngiting sagot ko sa kanya. At ngumiti rin siya sa akin.
"Nooooooooooooo!"
𝓣𝓸 𝓑𝓮 𝓒𝓸𝓷𝓽𝓲𝓷𝓾𝓮𝓭....