Chapter 3

Nasa loob na kami ng sasakyan ngayon at pauwi na. And as usual the two boys and Sarah are so loud lalo na at may kalasingan na sila. Gabrielle is the one who is driving dahil siya lang naman ang mahirap lasingin sa tatlo.

"By the way, Yana is turning 18 next month. Hindi pa ba siya makakauwi? Si ate Oleah?" tanong ko sa nagmamanehong si Gabrielle.

"Mom is working on it already and ate Oleah si planning on coming back next week"

Napatango ako. Yana is in korea right now. Simula nung tinanggap siya sa isang sikat na agency doon ay hindi na siya nakakauwi dito kaya kami nalang ang bumibisita sa kanya paminsan-minsan. She wanted to pursue her dreams in there. She was told so many times to just finish her studies in here pero ayaw niyang magpapigil. Hindi ko alam kung bakit niya pinipiling magdusa doon na may maganda naman siyang buhay dito.

"Her agency is kind of strict. I doubt it's good for her"

"It's her choice. If something goes wrong then it's a lesson for her"

Wala akong magawa kundi sumang-ayon nalang sa kanya. I just can't help but to get worried. The last time we visited her, she was very skinny and looks anorexic. Is that what it takes to fit on their beauty standards? That sucks.

"Love is so... soo putangina" sabi ni Sarah na halatang lasing na. Natatawa ako at the same time nasasaktan. She's like this everytime she's drunk kaya hindi ko siya hinahayaang uminom mag-isa.

"Stop being bitter. It's not the love, it's guy you are dating" ani Daxton.

"Tsk. I'm not even dating him"

"Dapat lang! You deserve more than that." ani Johary

I sighed. It hurts knowing that I might be the reason why she's hurting at wala akong magawa. I'm trying my best to avoid hurting her pero parang wala pa rin itong epekto.

Isa-isa namin silang hinatid sa kani-kanilang bahay. Tinanong pa ako ng mommy ni Sarah kung nasaan si Eisen at bakit kami ang nag-uwi sa kanya. Ako pa tinanong e errands lang naman ang sinabi niya sa'kin.

"Bye, Gab. Ingat ka" pagpapaalam ko nang nasa tapat na ako ng bahay namin.

Pagkapasok ko sa gate ay agad kong napansin ang sasakyan ni kuya na naka park. He's here? Why?

Nasa tapat palang ako ng pintuan ay dinig ko na ang sigawan nila. Not new to me but seriously, when will they stop?

"I am still your father, Ax!" sigaw ni Daddy. Agad ko namang dinamayan si kuya.

"But you never act like one!"

"Because you never give me a chance. How many times did I told you to stay here with me?"

"Para saan? Para sa negosyo mo? No, thanks Dad. Just give it to Rey. I'm not interested"

"She's not interested either. You're the eldest, Ax. It's your responsibility."

"I am not responsible for anything. Bakit hindi nalang kayo gumawa ng anak niyang si Valentina total pinapatira mo na naman yan dit---"

Hindi pa natapos sa sasabihin si kuya ay pinaunlakan na siya ng suntok ni Daddy.

"Dad!"

"Hon! That's enough!"  sigaw ni tita Valentina

"You don't talk to me like that!" sigaw ni Daddy habang tinuturo-turo ang kuya kong naka-upo  na sa sahig at pinapahiran ang dugong nasa gilid ng kanyang mga labi.

"Kuya, tama na please..." pagmamakaawa ko.

He just tsked at agad na tumayo para umakyat sa kanyang kwarto.

"Why would you do that?" galit na tanong ko kay Daddy.

"He's disrespectful, Rey. Ganyan ba siya pinalaki ng nanay mo?"

Agad na nag-init ang ulo ko nang marinig ang mga katagang iyon.

"Wag mong pagsasalitaan ng ganyan si mommy kasi sa katunayan may ambag pa siya sa pagkatao namin kaysa sa'yo" madiin na sinabi ko.

How dare he talk to my mom like that? Wala na siyang ibang ginawa kundi patunayan na hindi namin siya karapat-dapat respetohin. He first cheated to my mom at ngayon siya pa ang may gana na kuwestiyonin ang pagpapalaki ni mommy sa kuya ko?

Inirapan ko sila at tinalikuran. Nagtungo ako sa kitchen para manghingi sa katulong ng first aid kit.

Pinihit ko ang doorknob sa kwarto niya at doon nakita ko siyang nagyoyosi habang pinagmamasdan ang labas ng aming bahay.

"Kuya..." I called.

"Hmm?" ani niya nang nilingon ako.

"You didn't told me na uuwi ka pala dito"

"Napadaan lang ako dito. Uuwi din ako sa condo maya-maya"

Tumango ako.

"Tama na nga yan! That's not good for your health"

"Minsan lang ako nagyoyosi, Rey"

"Kahit na"

Napangiwi siya at itinapon ang sigarilyong hawak niya bago umupo sa kama na inuupuan ko. Agad ko namang idinampi ang bulak sa gilid ng kanyang labi.

"Ah" ungol niya.

"OA neto. Hindi yan masakit oy!"

"Masakit konti"

"Tsk. How's Mom?"

"She's good. Nagtatampo yun. You didn't visit her last week"

"Something happened kay Gabrielle. He needed my help so I helped. Alam naman yun ni mommy at bibisita naman ako bukas."

Nagkibit-balikat lang siya.