Dulas pakanan, dulas pakaliwa, tumitig sa kawalan, alas kwatro ng umaga
Naghahanap ng landi, naghahanap ng kausap, naghahanap ng mamahalin
Usap jan, usap doon, hello, hi, kaway kaway, meron ng una, ngayon wala na
Nagkasundo, nagkakwentuhan, ilang oras ang nasayang, sa huli wala din namang paalam
Sa kada kilala, kada panandaliang paguusap, kada pag-asa na baka sakaling siya na
Ay tilang maglalaho siya na parang bula, walang bakas na iniwan
'Di man lang nagsalita, nagpaalam, nagiwan ng mensahe, nagsabing ayaw mo na
Maiintindihan ko naman sana, pero wala na, ika'y multo na ngayo'y kinakatakutan
Multong nagkalat sa kung saan saan, nagdudulas pakanan, nagdudulas kaliwa
Multong 'di umano'y nagaanyong tao, may dalang ngiti, may dalang titig na nakakatunaw
Buhay na buhay, handang magmahal, handang magpasaya
Pero pag ika'y pinagsawaan, lilisaan na, tila patay nagmumulto sa isip araw araw
Ngayon ika'y naka upo, nagtataka kung san ka nag kamali, kung anong nangyari
Nakatulala, alas kwatro ng umaga, sa kisame, sa kama mong malamig
Tila nagtataka kung bakit ka nagiisa, bakit muling naiwan ang puso sa ere
Isa lang naman akong taong naisa mahanap ng taong sakanya'y iibig
Pero wala na tayong magagawa sa taong wala na
Kaya ano pa bang gagawin?
Dulas pakanan, dulas pakaliwa, tumitig sa kawalan, alas kwatro ng umaga
Makakahanap ng kaibigan, makakahanap ng kausap, makakahanap ng mamahalin
Usap jan, usap doon, hello, hi, kaway kaway, hanggang sa mahanap mo siya
Magkakasundo, magkwekwentuhan, ilang oras 'di masasayang, sana hanggang sa huli siya parin