Ngayong araw na ito, ika-sampu ng Disyembre, ika'y aking na kilala
Sa anim na taon, marami nang naipon na ala-ala
Mula sa unang beses na nakita ko ang 'yong mga mata
Hanggang sa ngayon na wala kana
Anim na taon na ika'y aking minahal
Inakalang hanggang dulo tayo ay magtatagal
Akala'y nasagot na ang aking mga dasal
At mauuwi na sa kasal ang ating pagmamahal
Pero isang araw tayo'y napagod, lumuhod at tila nag pahinga
Nung tayo'y tumayo muli, wala na tayo sa isa't isa
Ang dating pusong masaya ay napunit sa dalawa
Nakatulala sa kisame, nagiisip, alas kwarto ng Umaga
Anim na oras nang nakalipas mula alas dose ng umaga,
Siguro nga oras na para ako ay mag pahinga
Sa pagiisip sa kung anong nangyari, at aking pagkakamali
Oras na para kalimutan ang lahat at mahalin ang sarili
Ngayong araw na ito, ika-sampu ng Disyembre, ika'y aking na kilala
Sa anim na taon, Marami nang naipon na ala-ala
Mula sa unang beses na sinabi kong mahal kita
Hanggang sa ngayon na malaya ka