Chapter 3: Place

HAJI'S POV

Papunta na ako sa lugar na sinend sa akin ni Kath. Pagkatapos akong ihatid ng driver niya ng pamilya niya siguro ay alam na nilang dumating ako. Ibinigay lang sakin nito yung susi pagkatapos umalis na ito. Masyadong malaki ito sa inaasahan ko. Ayoko naman nga sanang tanggapin. Ngalang saan naman ako titira? pati nakakahiya naman kay kath kung mag iinarte pa ako di ba, so might as well be it.

At pag pasok ko pa lang mas malaki pa pala ito napaka spacious niya at high ceiling pa.

sunod ko namang tiningnan ay ang kuwarto.

Wowww!!!! d 0.0b

"Napaka galing talagang pumili ng babaeng yun!", at hindi na ako nag aksaya ng panahon saka ako tumalon pahiga "kyahhhhh!!!!" Ang lambot at ang bango bango pa amoy lavender mukhang pinaghandaan niya talaga ang pagdating ko ha.

Bigla ko tuloy na alala yung lalaki sa eroplano kaganina, Galit kaya siya o naalala niya Kaya Yun o baka naman pinapaembistigahan na ako nun, di naman siguro. Habang inaalala ko lahat naisip ko Yung mga ginawa ko. Isa na yung nangyaring yun sa pinakanakakahiyang pangyayari sa buhay ko .

Hayyyy!!! Ba't ko nga ba iniisip yun, Kung sabagay di ko naman siya makakasama habang buhay diba. Mukhang gutom lang ito ikakain ko na nga lang, kaysa naman magmukmok ako tungkol dun.

Pagpunta kong kusina agad akong lumapit sa ref at binuksan ito ,ang saya saya ko dahil makakain na ako.

d^o^b

ETHAN'S POV

"Pare ba't parang bad trip ka yata ngayon, ay mali let me replace that. Ba't badtip ka nanaman" tanong sa akin ni chance ang pinsan ko na walang ibang magawa sa buhay niya kundi ang bulabugin ako "Wala kana dun!" pero mas lalo pa itong ngumisi "Weh!, di kaya yung babaeng kasama mo kanina ang iniisip mo ha? whuyyy!!! ,Sino yun?." hindi ko na lang ito pinansin pa at nag handa na lang ko ng mga kakailanganin ko para bukas.

Bukas kasi ang simula ng klase kaya naghahanda na ako 3rd year high school pa lang kami ni Chance childhood friend ko siya at ang kanyang

"TOK !TOK! TOK!TOK!TOK !TOK" magkakasunod na pagkatok sa pinto " Sandali lang" sinilip ko muna ito ng mapag alaman ko kung sino ito nagdadalawang isip pa sana ako kung papapasukin koi to. "Oh sino yan ba't di mo papasukin?" tanong pa ni Chance habang hawak ang stick na pinapaikot niya sa daliri.

Saka ko naman unti unting binuksan ang pinto at saka naman

POK!!!!

Pagbagsak ng stick ni Chance sa sahig dahil sa pagka bigla "CHASE!!!" sigaw nito "Wasssup brother!!!!!!" anang ni chase na agad ni lapitan ang kapatid niya at saka naman nag yakapan ang dalawa. Ano ba yan! Ang babakla naman ng mga ito.

"Wow salamat sa mainit na pagsalubung ha!, Halatang miss na miss mo na ako ano?"

"Wala sakin you bro ikaw pa ba eh ta.." bago pa man matapos nito ang sasabihin naghampasan na ang dalawa.

"Gago!"

"Mas Gago ka huwag ka magpapatalo."

Balak ko na sanang iwan sila ng

"Pards andiyan ka pala!" akmang yayakapin din ako nito pero agad ko naman itong pinigilan "oppppsss!!! Huwag munang subukan kung hindi malilintikan ka sakin" duro ko dito pero nahabol niya pa rin ako at saka niyakap. d-_-b

Kambal sila pero fraternal twin sila ibig sabihin kambal sila pero hindi magkamukha kung si Chance pare ang tawag sakin, si Chase naman pards masasabi kong kambal sila dahil parehas silang mongoloid para sakin makulit sila parehas pero kumpara kay Chase manyakis itong si Chance si Chase naman jejemon kumbaga. Marami silang pinagkaiba tulad na lang sa pananamit.

Bumalik ako sa ginagawa ko kaganina pero hindi ako maka pag focus gawa ng kambal ang ingay kasi nila dito pa napili sa kuwarto ko magkuwentuhan "Huy ano ba lumabas nga muna kayo at ang iingay niyo."sabi ko pero mukhang walang naririnig ang dalawa at tuloy parin sa kuwentuhan kaya naman nakisama na lang ako.

"Ba't nga pala naisipan mong pumunta dito" tanong ko dtto dahil sa pagkaka alam ko di siya pupunta ditto ng walang dahilan .

"Kasi nga po di ba sabi mo uuwi ka na rin galing japan pagkatapos ng deal mo."

" May mga tinapos kasi akong mga papeles."anang ko ditto

"Kaya nga!"

"Di ako naniniwala." Sabi ni Chance

"Edi huwag di ka naman pinipilit."

"Ano kasi yun?" pamimilit pa ditto ng kakambal niya

"Sabing yun na nga yun ang kulit."pinilit pa rin ito hanggang sa mapa amin ito

"Oh ano sasabihin mo na kung bakit dito ka na rin ulit mag aaral?" sa ibang bansa kasi nag aaral ang mokong na ito tapos sasabihin niyang mag aaral siya dito gawa ko tsh! May tinatago kasi ito at kung minsan o madalas pala siyang lukohin ni Chance dahil sa mga sikreto nito na sasabihin din naman pinapa tagal pa.

"Ganito kasi yan may nakilala akong babae tapos di ko na maialis yung paningin ko sa kanya alam mo yun parang love at first sight kung baga." Wala kaming reaksiyon ni Chance dahil normal na sakanya yan ang magkagusto basta maganda si chance kasi manyak at walang sineseryoso pero itong si Chase mabilis magkagusto sa babae.

"Oh di ba kayo magtatanong?"

PPPPFFFFFFTTTTTT!!!!!! tawa ni Chance dahil kilalang kilala niya na yung kambal niya.

"Bro alam ko!"

"Ha alam mo!"

"Siyempre lagi naman eh" saka naman binatukan ni Chase si Chance

"Ouch!!!! Problema mo"

"Eh ba't nagtatanong ka pa alam mo naman pala" oo nga naman "Wala lang gusto lang kitang asarin" saka akmang babatukan ulit ito ng maka ilag ito. "Oh ano naman ang meron sa babaeng yun ha?" tanong ko dito para makuha ang atensiyon nito.

"Sa school niyo din kasi siya mag aaral!" sabi nito "Ah okay!' maikling sabi ko dito dahil baka humaba pa ang usapan at saka sila pina alis sa kuwarto pero pilit paring may sinasabi ang dalawa pero sinarado ko na ang pinto at saka tinapos ang ginagawa at saka ako humiga sa kama at pinatay ang ilaw.

HAJI'S POV

Ding! dong! Ding! dong! Ding! dong! Ding! dong!,

Baka si Kath na yun. Antagal Naman niya, kanina ko pa kasi siya hinihintay nakakainis at nakapagligpit na ako ng mga damit ko. Pagkabukas ko ng pinto.

d0_0b

Ba't may mga ganyan?

"Guess what!."

ha ano daw? Ba't kasi ang rami niyang dalang gamit parang aalis siya ng bansa at daig niya pa ako.

Dalawang maleta isang backpack na di ko mawari kung anong laman. Ang laki kasi.

"Buntis ka kaya pinalayas ka na sa inyo." Siyempre concerne lang ako sa kanya.

"No, of course not. How do you even end up with that idea."

"Eh ano pala?"

"Well mom and dad give me permission to live with you for a year."

"Ha?"

"Hayyy basta huwag ng maraming tanong. Papasukin mo kaya ako at ang bigat nito."

Muntik ko ng malimutang marami siyang bitbit kaya naman pinapasok ko na siya

Pagkatapos naming ayusin yung mga gamit niya agad kaming nagkuwentuhan tungkol sa kung bakit ako nandito ngayon.

"Oo nga pala since your staying here for good. Paano ang pag aaral mo?"

"Ah, tungkol ba dun napagplanuhan ko na rin yan kaya mag aaral na rin ako kung saan ka mag aaral."

pagkasabing pagkasabi ko pa lang agad siyang lumundag sa kama na parang timang hay ba't ko ba siya naging kaibigan.

"Kyahhhhh!!!!" baliw d-_-b

"Ibig sabihin pwede kana agad pumasok bukas?"

"Oo pero wala pa nga lang akong uniform na gagamitin."

"I'll lend you mine na lang."

"Paano ka?"

"Ah Basta huwag ka mag alala ako ng bahala din matulog na tayo dahil bukas ang first day natin and I'm so excited!. Kaya matulog na tayo dahil ayokong mahagard sa first day of school natin." Kaya nagpunta na kami sa sariling naming kuwarto at natulog. Bago pa man ngumiti muna kami sa isa't isa bago pumasok. Pagkahiga higa ko pa lang naramdaman ko na ang pagod kaya di na ako nag atubiling patayin ang ilaw at hanggang sa bumagsak na ang dalawang talukap ng aking mata.