Chapter 7: Introduce

HAJI'S POV

Next subject na kami pagkatapos ni Miss Emma, Pero wari ko may galit sa akin ang tanda na yun pero wala naman akong ginagawa sa kanya sadyang mainit lang talaga ang ulo nun sa akin.

Hi class!~

Andyan na yung kasunod na teacher pero wala man lang bumati, Kasi tuloy pa rin sa pagbabatuhan ng mga eroplanong papel ang mga ito at busy din ang iba sa pagkukwentuhan. Pati nga itong si Kathy nakikipagkuwentuhan na sa katabi at sobrang lakas pa ng boses, Kung makahagikhik naman pati ito.

tsk!!!tsk!!!tsk!!tsk!!

Ito namang katabi ko ayun wala pa ring pinagbago naka tingin pa rin sa bintana ano kaya tinitignan nun, at nag papaka emo nanaman.

"Class Quiet!!!" pero wala pa ring nakikinig, pero itong teacher na ito hindi pa rin siya nagagalit

"Hoy mga bingi ba kayo o sadyang tadtad lang ng tutuli ang mga tenga niyo!!" sinabing magsitahimik daw kayo eh! dagdag ko pa.

Kaya naman nagsitahimik ang karamihan sa kanila at ang iba naman ay nagalit . Yung natitira nabigla yata. Maski ako nabigla sa ginawa ko. Nakakapikon naman kasi sila . Pero lahat sila tumahimik. Mabuti naman akala ko ay hindi ito uubra pero mukhang natakot naman sila este tumahimik .

"Ah class ako ang magiging adviser niyo this school year so sana makioperate kayo ako nga pala si Mr. Benjamin Virtucio or you can call me sir Benj. May asawa at anak na ako 37 years old na ako 15 years na akong nagtuturo. So please respect. Alam kong gutom na kayo at gustong gusto niyo nang mag recess pero gusto ko muna kayong kilalaning lahat. Di na ako magpapaligoy ligoy pa, Kaya gusto kong introduce niyo ang sarili niyo dito sa harapan."

Kaya naman excited ang mga kaklase ko tapos yung iba pa ay nag papractice ng sasabihin big deal ba talaga yun.

"Pero may twist!" kaya naman napatingin kay sir Benj ang lahat except sa katabi ko. d-_-b

"Gusto kong gawin niyo ito ng PATULA and dapat tapos niyo na yan within 5 minutes. At kung magrereklamo pa kayo mauubos lang ang 5 minutes niyo at mas lalo kayong mawawalan dahil 1st activity niyo yan."

"Sir ba't may paganon pa! Kung pwede namang--"

"Kinekuwestiyon nyo ba ang pagtuturo ko?" nakakatakot din pala ito si sir akala ko mabait.

"Ahhhh!!

"Wahhh ang hirap"

"Kasi Naman sir!"

"Okay timer starts now! " Agad namang nag sipag isip ang lahat kaya pati ako kasama habang nagmamadali ako napansing ko namang na nang gagawa na rin itong katabi ko balak ko pa saana itong tingnan pero agad niyang tinakpan sus ang raming arte makikita at makikita ko rin yan.

Okay tapos na ang time mag sisimula tayo sa unahan okay ikaw muna!

Kaya nauna Naman Yung babae na nasa unahan.

"Wow!"

Thumbs up!!!!

d0_0 b

Wah! anong nangyayari?!

Mark Yohan Lacerna

Ako si Yohan.

Ako ay mayaman.

Maraming nagkakagusto sakin.

Mapababae o lalaki man.

Hindi sa pagmamayabang.

Ako si Yohan.

"ANG TARZAN!!!!"

At saka niya pinagpupukpuk ang kanyang dibdib na parang so Tarzan at ang mga kaklase naman namin nagsitayuan at palakpakan. Siyempre ako din

d^_^b

"Akala ko chicks, Sayang!!"

"Kyahhhhh, ang pogi niya!"

"Yohan babes akin ka lang!"

"Wala bakla yan"

"Go Yohan! Ako si chita"

"Whoo!!"

"Class! Keep down your voice!"

Next

Charlotte Diaz

Ako ay Diaz.

Pamilya ng mang aawit.

Sabi nila ako daw ay masungit.

Sabi ko naman at least Hindi pangit.

Maganda siya Yun lang masasabi ko. And nakita ko yata siya na kausap si Sophia yung si SOPISTIKADA GIRL! ika nga nila kaganina pero mukhang magka away ata.

Marjorie Torres

Maraming nagsasabi mukha raw akong lalaki.

Hinaharap ko raw ay di ganun kalaki.

Ako si Marjorie Torres at Wala akong PAKE!!!

Logan Villanueva

I am Logan.

Mahilig magbasa.

Matalino sa matematika.

Masungit para sa iba.

Pero mabait Naman talaga.

a.k.a Handsome Nerdy

Guwapo yes. Nerd yes halata pero kung aalisin niya yun sobrang pogi niya kung tutuusin.

Pero hindi ko siya crush ha. Kasi naman kanina pa kung makatitig.

Dea Verdera

Ako si Dea.

At ako ay diyosa.

May nakikita akong di nito nakikita.

Multo kung tawagin.

Mga matang parang lawin.

Lumayo kayo sa min.

MGA ESPIRITU HUWAG NIYO NA KAMING GAMBALAIN!!!

Hala putek yan nagsisitaas balahibo ko. Wah siyete otso nuebe astig.

Pero bakit parang yung teacher namin ay pinag papawisan eh naka air condition naman.

Ok guys next miss verdera you can take your seat now. Ani nito habang pinupunasan ang kanyang pawis.

Boxter Perez

I love cooking.

But not good at cleaning.

I am kind of shy.

But still a cutie pie.

I am Boxter Perez popular as Boy Next Door.

Wink!!!

Kyahhh

Kathyrine Conception

Kathy in the house.

Ako si Kathy Conception.

I may not be KC.

But who cares DAHHH!!!

Napatampal na lang ako sa aking noo. Hindi ko na alam ang gagawin ko dito sa batang it. Tanong ko nga lang Tula pa ba Yun?!

Miss Sandoval it's your turn!

Ay ako na pala.

Haji Sandoval

a.k.a Dora

Haji Hindi kagandahan

Haji Hindi Asin

Haji hajinimoto

Haji sobrang corny

Hi I am haji.

.

.

.

.

Is that all miss Sandoval

Si-sirrr

What is it?

Hajing!!!

Pfft!!!!

Huwahahaha

Hahahaha

Patawa Rin ito

Nagsitawanan ang buong klase pero ayos lang, Wala naman talaga akong mai prepresent eh, sadyang yun lang ang kinalabasan ng 12345 years na pag iisip ko. Pati yung pagbahing gawa yun ng walastik na feather na hairband ni Kath. Napinasasalamatan ko baka kasi mas mag mukha lang akong katabagan kanina kung hindi ako bumahing. Pero naiinis pa rin ako sa hairband niya dahil akala niya mukha siyang fairy pero sa katunayan mukha siyang manok. tsk tsk tsk.

Enough you may sit down miss,

Tatawagin pa lang sana ni Sir si Sungit ay inunahan niya na ito at saka pumuntang unahan pero parang galit siya normally naman siyang galit ang ibig sabihin ko ay kakaiba ang galit niya kumpara sa usual niyang mukha ah basta yun yun tapos nakatitig pa kay sir. Pero bigla itong tumingin sa akin at agad ko namang kinutingting ang gamit ko. Kasi naman ba't siya ganun, parang gusto niya na ata akong balatan ng buhay eh, hindi ko naman siya inaano tapos ganiyan siyang makitungo.

Ethan Gomez

a.k.a Mr.Baldado

Ethan is perfect

Ethan is Good

Ethan is popular

Ethan is Rich

Ethan has everything

And Ethan is me.

Walang gumagawa ng anumang kilos,

Tsk!tsk!tsk!

Hanggang sa pagpapakilala ang yabang parin ng taong ito feeling niya ang perfect perfect niya. Wala na yatang masHAHANGIN pa sa araw na ito.

Hanggang sa nag isip ako Ng Tula para sa kanya

Take note: Magdala ng jacket ng Hindi lamigin. Sa kahanginan ni Ethan ika'y Hindi babanasin, At sa kanyang kalandiang agaw pansin. Kung sa iba ay anghel Kung tawaging para sa akin siya ay ubod ng sinungaling.