Chapter 9: Peace

HAJI'S POV

TITIRITTIT TI DORA RINGTONE

7:00 AM

d 0_0 b

Waahhhhh!!!! Kathy!!!

---------------------School-------------------

Pagkababa ko pa lang ng bag.

Kanina pa ang sama ng tingin sa akin ng klase pero lahat yun ay babae at mga binabae,

Rawr' yan ang sinasabi ng mga mata nila, hehehe peace pero mukhang lalo pa silang nagalit tumingin naman ako sa dako kung saan nandun si Kathy, at siyempre ano pa bang inaasahan may kaLARO nanaman. Siguro naman gets niyo ang gusto kong sabihin.

Tsk! Tsk! Tsk!!!!

CLASS DISSMISSED

Pagkalabas ko pa lang ng pinto, agad nakita ng mata ko si Dean at mukhang may hinahanap yata ito, tumingin na ito kung nasaan ako.

Lagut tago at uurong na sana ako ng biglang may paa sa harap ko na nakaharang pagtingin ko kung kanino iyon, ay walang iba kundi si Ethan nanaman.

Tinesting ko pa sana itong itulak pero matibay ampotek.

"Ano ba umalis ka nga sa daan!"

"Ako, baka Naman ikaw!, Ikaw ang nasaharang eh"

"Ikaw bwisit--"

"Miss Sandoval!" agad akong napatigil sa aking ginagawa at napapikit, pagkaharap ko kay dean agad akong ngumiti at tumawa sa harap nito

hehehe

d-_-b

d>_

"Hi dean! kamusta"

ngumiti lang ito ng tipid. saka ito tumingin samin parehas ni ethan.

"Do you guys still remember the punishment?"

Napayuko naman kami sa hiya ng maalala ito.

"I'll get to the point, Miss. Sandoval and Mr.Gomez. , i hope that the both of you are aware of our school campaign and i want the two of you to to be the one in position to supervise it. You'll be the one who will take action on things which accomodate our school and to make our student neat at it is."

"And if there are meetings or project or coastal clean up you two will be the one to assist it. I want you to be the leaders of the group."

"And may I remind you that it is already settled and been discussed with the the board. And in this coming week you two will be having a camp fire and you will be join by some of your classmates and other chosen student on other section. So please act as leaders okay?!"

"I'll be busy and this is your schedule book it means you'll start your work tomorrow. " What the f!"

Ang haba naman nitong nasa listahan.

"I' leave it to you guys so good luck!"

.

literal akong napanganga sa mga sinabi ni dean at parang ang hirap i absorb sa brain. At literal ding isinara ng hayop na Ethan na ito ang aking bibig.

At mukhang nautwa pa si dean ngumisi lang ang hayop na ito eh kung Ethanpon ko kaya kita sa south china sea.

Magrereklamo pa sana ako ng pagtingin ko ay nakalayo na sa amin si Dean. Gusto kong tumutol pero anong magagawa ko Kung Kung..

Pout

Pagtingin ko naman kay Ethan wala na ito sa likod ko at nakalayo na rin ito. Ano ba yan.

Balak ko sanang umuwi na, pero nakakita ako ng biliihan ng ice cream kaya agad akong pumunta.

O_o

Wow ang daming flavors.

Agad akong kumuha ng kumuha, at pumila sa may counter pagkababa ko ng mga ice cream na iba ibang flavor. Kinuha ko ang bag ko at kinapakapa ang bulsa ko.

Ba't ganon ba't di ko mahanap ang wallet ko.

Shit lalintekan na.

Waaa. Ba't Ganon Alam ko'y dito ko lang nilagay yun.

"Miss may pambayad ka ba eh Kung wala ibalik mo yang mga kinuha mo. Kita mo naman ang rami pa ng nakapila." hindi niyo naiintindihan

>•< pout

"Miss eto bayad niya. "

Teka. Ba't parang pamilyar ang mukha niya sa akin

O_o

"Logan" sandali ng, di kaya iniistalk na ako nito o hindi naman kaya balak ako nitong tambanan

"Hi" wow pang mala commercial din pala ng toothpaste ang batang ito.

"Kung tungkol nanaman ito sa-"

"Hindi!, yun huwag ka mag alala!"

"Eh ano ito utang?! pwes wala akong pambayad" naku po baka pag umutang ako dito baka making Kung ano ang making kapalit nako huwag ako utoy iba ako.

"Hindi peace offering yan diba nung kinulit kita hindi mo na nakain Yung pagkain mo gawa ko. Ibig sabihin lang yan yung kapalit."

Napatango lang ako . Pati wala din naman akong pera. Might as well take the opportunity hehehe

Pati kung sabagay may punto siya diba? Ito talagang mga eto, Hindi ako mukhang pera ah!

Author: Weh wala naman akong nabanggit ba't defensive ka!

Naglakad lakad kami hanggang sa nauwi sa kuwentohan. Ako na ang nagsimula ng usapan dahil mukhang magiging awkward kung tahimik lang kami.

"Ano bang nagustuhan mo sa akin?!"

"No offense, pero-" nagtakip pa siya ng mukha habang namumula ang pisngi

Cute

Weyt don't take me wrong guys!

"Nagustuhan kita nung unang pasok mo pa lang yung tipong agaw pansin"

"Alin, dun yung baduy kong bangs at damit?"

"Mukhang ganun na nga!"

"ANO?' eh gago pala itong animal na ito eh

Chuckles!!

"Oo, nagustuhan kita dahil dun weird ba?" aba'y kung sa iba mo iyan itatanong ay talagang oo

"Oo, baliw!"

"Eh ikaw hindi mo ba ako gusto?" natahimik ako ng sandali saka ako napangisi. Tumigil ako

"Ba't ka tumigil" hinarap ko siya at tinitigan umiwas naman siya.

"Eh ikaw, sigurado ka bang gusto mo ako."

Sandali siyang natigilan at napayuko. lumapit ako sakanya at niyakap ko siya, "Huwag mong pilitin ang sarili mong gustuhin ako at ang kung sino man para lang maramdamang hindi ka nag iisa. dahil sa huli ikaw ang talo."

Natigilan siya, na parang nanigas ng makinig ang mga iyon, sabay ganti ng yakap sa akin. Na siya ko namang inalo. "Try mo kayang tumingin sa paligid mo pero hindi lang basta tingin ang gawin mo ha. pakiramdaman mo sila, ang manhid mo kasi eh." tumawa naman ito sabay kalas sa yakap

"Sino ka ba talaga?" nagkibit balikat ako dito.

Nauna na akong maglakad sa kanya "Oo nga pala salamat sa ice cream" saka ko ito binigyan ng matamis na ngiti. Para ipahiwatig na nagpapasalamat ako at saka ako sumakay na ng dyip para maka uwi.