ETHAN'S POV
"Hello, pare!" May tumawag sa akin sa telepono.
"Ano yun Jake?" si Jake ay hindi ko masasabing kaibigan ko pero hindi ko rin siya kaaway. He is an acquaintance actually. Sa pagkakaalam ko hindi siya yung tipong tatawag ng walang kailangan.
"Pinapasabi ng girlfriend ko na kayo na daw ba nung Sandoval ba yun ang bagong magiging campaign leaders." Yung girlfriend niya ay isa sa mga senior dito sa school at dating namumuno sa mga campaign na yan.
Agad namang nangunot ang noo ko ng malaman ito. Bwiset kasi yung babaeng yun eh, ako na nga yung na agrabayado tapos ako pa itong naparusahan
"Yes and why?"
"Great, hindi kasi kami makapagdate ng gf ko gawa ng campaign na yan eh. Salamat bro ha" tch hindi ko yun ginawa para sa kanila kung wala lang ito sa telepono siguro naupakan ko na ito. Bago pa man makapag dagdag ito ng sasabihin binaba ko na ang linya at saktong nakita ko si Sandoval sa hallway.
Lumapit ako dito
"Pahiram muna sa kanya." sabi ko sa kaibigan niya na sa pagkakaalam ko ay kaklase namin.
"Ah ganun ba! sige kunin mo na siya ah weyt lang eto na rin pala yung bag niya. Kung sakaling matagalan kayo ako na ring bahala sa mga subject teacher. Take your time. Oh sige una na ako sa inyong dalawa ha!, Bye best Fighting." kakaiba rin pala itong best friend niya.
"Huy Kath ano bang ginagawa mo!" dagdag pa niya sa kaibigan niya
"Ano ka ba go lang mukhang IMPORTANTE iyan you knows!" sabay kindat nito sa kaibigan
Pagkaalis nito iniharap ko siya sa akin
"Oh ano nanaman yang pautot mo?" d>_
Inihagis ko sa kanya ang schedule ng sa campaign
"Oh ano ito?"
"Malamang papel!"
"Alam ko!"
"Alam mo naman pala eh ba't nagtatanong ka pa?"
"Hindi yun ang ibig kong sabihin!, kundi para san"
"Basahin mo kaya" sigurado akong pikon na ito dahil namumula na ang mukha nito kaya napangiti ako ng konti.
"Oh! ayan na nabasa ko na" sabay hagis nito sa akin
"Ibig sabihin lang niyan magkakaroon ng coastal clean up the day after tomorrow at ngayon tayo magdididkit ng mga poster para malaman nila o kaya naman magkakaroon ng meeting mamaya."
"Eh sino ang manggagawa ng mga ididikit."
"Pwedeng tayo na lang!"
"Ano kamo?"
"Parehas tayo kung baga ikaw gagawa ng letter sabay ako ang magxexerox tulungan tayo ng mas madali. You understand what i mean?"
"Ah okay, edi pupunta na ako sa comlab para makagawa na ako!" agad naman itong naglakad
"Not so fast woman, you forgot what i've said earlier."
"Ha alin dun, diba sabi mo ako mangagawa ng letter?"
"Oo, at sinabi ko ring tulungan tayo diba!"
HAJI'S POV
Nakakasura naman si Kath parang binubugaw niya pa ako sa lalaking ito. Kahit na alam niyang magka away kami nito. tapos itong lalaking naman na ito ay ang sakit lagi sa bangs wala bang araw na Ethan free ako seesh!!!
"Huy Kath ano bang ginagawa mo!" dagdag ko pa dito ng hindi magets.
"Ano ka ba go lang mukhang IMPORTANTE iyan you knows!" sabay kindat nito sa akin. Sabay karipas nito ng alis. Bwisit mamaya ka sa akin.
Iniharap niya ako sakanya. Ako'y sawang sawa na rin sa pakikipagtalo sa batang ito eh.
"Oh ano nanaman yang pautot mo?" sabay may inihagis siya sa akin
"Oh ano ito?" tanong ko dito
"Malamang papel!" d>_
"Alam ko!"
"Alam mo naman pala eh ba't nagtatanong ka pa?" isa na lang talaga papatayin ko na ito
"Hindi yun ang ibig kong sabihin!, kundi para san" sigh!!!!
"Basahin mo kaya"nakakapikon. breathe in, breathe out. huwag mong mong hahayaang masira ang araw mo gawa ng lalaking yan. Kahit alam mong sira na talaga ito.
"Oh! ayan na nabasa ko na" sabay hagis ko sakanya
"Ibig sabihin lang niyan magkakaroon ng coastal clean up the day after tomorrow at ngayon tayo magdididkit ng mga poster para malaman nila o kaya naman magkakaroon ng meeting mamaya." blah blah blah
"Eh sino ang manggagawa ng mga ididikit."
"Pwedeng tayo na lang!"
"Ano kamo?" parang nabingi ako sa kasunod na sinabi niya
"Parehas tayo kung baga ikaw gagawa ng letter sabay ako ang magxexerox tulungan tayo ng mas madali. You understand what i mean?" hindi kasi inaayos, hindi sa pag aasume ha
"Ah okay, edi pupunta na ako sa comlab para makagawa na ako!" agad naman akong naglakad para maiwasan ito.
"Not so fast woman, you forgot what i've said earlier."
"Ha alin dun, diba sabi mo ako mangagawa ng letter?"
"Oo, at sinabi ko ring tulungan tayo diba!"
Magaling, magaling sige lusot ka ng potek ka
COMLAB
HAJI'S POV
Papunta pa lang kami. Binabantayan niya na ang bawat galaw ko. Weew!
Ang kulit sinabing hindi naman ako tatakas. Pasulyapsulyap ako sa kanya, mas nauuna akong maglakad pero parang sinasabayan niya ako kumbaga left right, left right!.
Ngayon ko lang napansin na may itsura din pala siya. Oops huwag kayong magisip ng kung ano ano walang malisya yun.
Author: Oh! Pano ba yan defensive ka nanaman. Tsk! tsk! tsk!
Author naman eh, ba't ikaw ang Rami mong crush tapos Yung iba may expiration date pa.
Author: Guys huwag kayong maniwala diyan. Yan ang sinasabing fake news. sige basa na ulit kayo
Hay salamat nakarating din kami. Hindi ko alam kung bakit parang ang haba ng nilakad namin. Kahit na malapit lang ito. Kanina pa ito nakakunot ang noo. Problema nito tipusin talaga kahit kailan eh!
Pero ang sarap ng hangin ng makapasok kami.
Breathe in
"Ah fresh air!"
Tugsh!
"Araouch!, Ang sakit ha, sorry! DI KO SINASADYA makadangil itong baklang ito" ang lakilaki naman kasi ng daan. Talagang nanadya eh!.
Mamaya ka sa akin