Chapter 6

Forget Me

It's been 4 weeks and 5 days since Amasia pushing me away. Hindi ko na kaya 'to. Gusto ko siyang ipaglaban pero nakakapagod na rin. Sana maintindihan niya ako.

"Zazdrick," called mom.

Lumingon ako sa kaniya. "Yes mom?"

Pumunta siya sa gawi ko. "Ready ka na ba sa flight niyo bukas?

Sa totoo lang, hindi pa talaga ako ready umalis. Ayokong iwan si Amasia. I love her, pero kasi iba na ang sitwasyon namin ngayon eh.

Bumuntong hininga ako. "Hindi ko alam mom. I don't want to leave Amasia pero kailangan. I don't know mom, I'm thorn,"

Tinapik niya ang likod ko. "Anak, 'wag mo ng pahirapan ang sarili mo. You deserve to feel joy."

Ngumiti ako kay mommy. "I don't deserve to that joy mom. I deserve to out of my problems,"

Matapos kaming mag-usap ni mommy. I packed all of my important things na dadalhin ko bukas. Matagal-tagal na rin since no'ng nakapunta ako ng Italy. Hindi ko malilimutan 'yong mga panahon na 'yon.

After Stowing all my things. I took my passport and give a glance on it. Hindi ko alam kung kaya ko bang iwan si Amasia. Mahirap gawin ang mga bagay na alam mong masakit para sa 'yo. Ibinalik ko ulit ang passport sa side table ko.

Naglakad ako palabas ng aking silid. I went downstairs sabay labas sa bahay. Pumunta ako sa garrage at pumunta sa gawi ng sasakyan ko. Pagkapasok ko, pinaharurot ko ito.

Maya-maya, nakarating ako sa bahay nila Amasia. Naka-uwi na kasi si Amasia no'ng nakaraang linggo pa.

Nalaman ko iyon nang dahil kay kuya at ngayon nandito ako para magpa-alam. Masakit man pero kailangan kong gawin ito. Hindi madali para sa akin 'to, pero para rin 'to lahat sa kaniya.

Bumaba ako at naglakad papasok sa bahay nila Amasia, open kasi ang gate. Sana nandito siya.

"Tao po," mahina kong sigaw.

Ilang saglit lang, lumabas si kuya Willbohr. Nagulat siya nang makita ako. Ilang linggo na rin kasi akong 'di nagpapakita sa kanila. Sinunod ko lang naman ang sinabi niya.

"Zazdrick? What are brings you here?"

Nagkipagkamayan ako kay kuya. Alam kong nag-aalala siya sa 'kin pero hindi ko pinapakita iyon sa kaniya. Masakit mang magpaalam sa kanila pero maiintindihan rin nila ako balang araw.

"Kamusta, bro?"

Ngumiti ako. "Okay lang ako kuya."

Yumuko siya. "Mabuti, bro."

Matapos kaming mag-usap ni kuya about sa kalagayan ni Amasia. About do'n sa lalaking dumalaw sa kaniya na boyfriend daw niya. Sabi ni kuya, boss niya daw 'yon.

Nandito ako ngayon sa sala nila, naghihintay sa pagbaba ni Amasia. Kinakabahan ako at the same time na e-excite.

Para akong umaakyat ng ligaw pero ang kaibahan lang, maliligaw na talaga ako sa landas niya. Sana naman makabalik ulit ako.

Maya-maya, narinig kong may bumababa sa hagdan. Akala ko si Amasia na iyon pero si tita Lira lang pala. Tumayo ako saka nagmano sa kaniya.

"Magandang gabi po tita."

Ngumiti siya. "Magandang gabi rin sa 'yo hijo. Anong ginagawa mo dito?"

Yumuko ako saglit saka ibinalik ang tingin sa kaniya. "Nandito po ako para kausapin si Amasia kung okay lang sa inyo."

Hinawakan niya ang mukha ko. "Okay lang sa amin, hijo. At saka matagal ko na ring gusto kang makita."

Umupo ulit ako sa sofa nila, umupo rin naman si tita. Matagal ko na ding 'di nakikita si tita. Alam kong masaya na si tita ngayon kasi naaalala na sila ni Amasia. Masaya ako para sa kanila.

"Hijo, ano ba talaga ang pinunta mo dito?" nag-aaalala niyang tanong.

Huminga ako ng malalim. "Ano kasi tita..."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin kasi bumaba na si Amasia. Nakita ko na muli ang mala anghel niyang mukha.

"Sinong naghahanap sa akin, 'ma?"

Tinignan ako ni tita. Napansin naman iyon ni Amasia. Ito na talaga. Kailangan kong maging matapang sa harap niya.

"Maiwan ko na muna kayo." Tumayo si tita at naglakad palabas.

Pumunta si Amasia sa gawi ko. "Anong ginagawa mo dito?"

Tinaasan niya ako ng kilay. Mahirap isipin na 'di na siya ang Amasia na kilala ko noon kasi nagbago na talaga lahat sa kaniya.

Huminga ako ng malalim. "Nandito ako para kausapin ka. Kung okay lang sa 'yo?"

"Anong pag-uusapan natin?" walang gana niyang tanong.

"Puwede ba 'di tayo dito mag-usap? May alam akong coffee shop," nginitian ko siya.

Tinaasan niya ulit ako ng kilay. "Bakit ayaw mong mag-usap tayo dito?"

"Gusto kong tayo lang. Kung okay lang sa 'yo," sagot ko.

Ngumiwi siya. "Fine, lead the way."

Ngumiti ako saka naglakad palabas ng bahay nila. Napansin ko namang sumunod siya. Lumabas kami ng gate sabay punta sa sasakyan ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Salamat," malamig niyang sabi.

Pagkapasok niya sa loob. Umikot ako papunta sa driver perch. Pagkapasok ko, tinignan ko siya sa rear mirror. Ang ganda niya talaga kahit walang make-up.

"Why are you looking at?" mataray niyang tanong.

Umiling ako. "Nothing."

Nakita ko naman siyang ngumiwi habang naka tingin sa labas ng bintana. Her existence makes my heart beats fast.

Maya-maya, nakarating kami sa coffee shop na palagi naming pinupuntahan ni Amasia. Dito rin niya ako sinagot kaya memorable sa 'kin ang shop na ito.

Hininto ko ang sasakyan sa parking. Nagtatakang tumingin si Amasia sa 'kin. This is the time to say goodbye to her.

Liningon ko siya. "We're here."

Huminga siya ng malalim. "Anong ginagawa natin dito? At saka ano ba talaga ang pag-uusapan natin?"

Nakita kong kumunot ang noo niya. Nginitian ko lang siya. Alam kong hindi madaling gawin 'to sa kaniya pero balang araw maiintindihan rin niya ako.

"Basta," sabay kindat ko.

Tinignan lang niya ako ng masama. Ang sarap talaga niya titigan.

— — —

Nandito na kami ngayon sa loob ng shop. Umorder na rin ako ng kape namin. Ito na talaga ang tamang panahon.

Tinignan niya ako. "Ano bang sasabihin mo?"

Huminga ako ng malalim. "Forget me,"

Kumunot ang noo niya. "Huh?"

"Alam kong hindi ito madali sa akin. Pero Amasia, kalimutan mo na ako. Balang araw maiintindihan mo rin ako kung bakit ko 'to ginawa."

"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong niya.

Tumayo ako at niyakap siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero wala na akong pakialam. Ito na ang huli kong pagkakataon para mayakap siya.

"Forget me, mi amore." Bumitaw ako.

May nilagay akong pera at credit card sa lamesa niya saka ako naglakad palabas ng shop. Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilang 'di maiyak. Goodbye, ngit. Till we meet again.

— —

ShineInNightt