Chapter 8

Italy

Lumipas ang labing-dalawang oras. Nakarating na rin kami sa Italia. Sobrang convenient ko sa lugar na ito. Siguro, dahil dito ako pinanganak. Naunang naglakad si Stella habang hila-hila niya ang holdall niya. Nakakainis talaga 'tong babaeng 'to.

"Hoi, Stella hintayin mo naman ako," sigaw ko.

Pero ang kinainis ko, naglakad siya ng mabilis palabas ng airport. Napa buntong hininga na lang ako sa ginawa ng babaeng 'yon.

"Benvenutto Italia," rinig ko sa speaker. (Welcome to Italy.)

Nakalabas na kami ni Stella sa loob ng airport at nandito na kami sa labas, hinihintay namin ang magsusundo sa amin.

"Matagal pa ba 'yong magsusundo sa atin Zazdrick?" naiinip niyang tanong.

Nagkibit balikat ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung sino ang magsusundo sa amin basta ang sabi ni papa sa akin kanina pagkababa namin. May magsusundo sa 'min.

Maya-maya, may nakita akong puting volkswagen na huminto sa tapat namin. Bumaba ang isang mid-40's na lalaki at pumunta sa gawi namin.

"Are you Zazdrick? The son of Don. Favino?" tanong ng lalaki sa akin.

Tumango ako. " tu veramente."

Ngumisi ang lalaki. "Get inside signore. I'll bring you to your father,"

Pumasok ako sa loob ng kotse. Kinuha naman ng lalaki ang holdall ni Stella at inilagay sa baggage. Nakita ko si Stella na todo sa kaka-selfie. Kahit kailan napaka laki ng pagkaiba ni Stella kay Amasia. Pumasok na rin siya nang matalim ko siyang tinitigan.

Tinatahak namin ngayon ang daan papunta sa mansion ni papa. Hindi nagtagal huminto ang kotse sa tapat ng isang napakalaking gate. Automatiko itong bumukas. Umandar ulit ang kotse at huminto sa isang napakalaking bahay.

"We're here signore," sabi niya.

Tumango ako. Bumaba kami ni Stella sa sasakyan. Kinuha naman niya ang holdall niya sa baggage. Iniwan ko siya at naglakad papasok sa loob ng manor ni papa.

Pagkabukas ko sa pintuan, bumungad si dad sa 'kin. I miss my dad. Ngayon na lang ulit ako nakabalik.

"Mio figlio." Niyakap ako ni papa.

(My son.)

Niyakap ko rin siya. "Mi manchi, papà."

(I miss you, papa.)

Bumitaw siya sabay tingin sa akin. "Mi manchi così tanto, figlio."

(I miss you so much, son.)

Ngumiti ako. "Mi anche papà,"

(Me too papa.)

Hinawakan ni papa ang mukha ko. "Sei cosi bello, figlio. Sembri maturo ora." (You're so handsome, son. You look mature now.)

Ngumiti ako. "Gratzie papà. Anche tu. Sembri ancora un papà ventina," (Thank you papa. You too. You still look 20's papa.)

Tumawa ng mahina si papa. Matagal-tagal ko na ring 'di nakikitang tuamatawa si papa ng ganito. I love my father the way he loves me with all his heart.

Matapos kaming magyakapan ni papa, dinala niya ako sa kwarto no'ng bata pa lang ako. I saw my portraits since when I'm infant until when I become matured and handsome. Nakaka miss ang mga panahon na naglalaro lang ako sa labas ng bahay habang hinahabol ako ni manang Fanche.

"Ti recordi qualcosa?" si papa.

(You remember something?)

Ngumiti ako sabay tango. "Si papà. Ricordo la nostra cameriera, Fanche. A proposito, è lei adesso?" (Yes papa. I remember our housemaid, Fanche. By the way, where is she now?)

Yumuko si papa. "È morta." (She died.)

Nagulat ako sa sagot ni papa. No way. Ilang saglit lang naramdaman kong may tumulong likido sa gilid ng mga mata ko.

Niyakap ako ni papa. "Mi dispiace, Figliolo." (I'm sorry, son.)

Pinunasan ko ang mga luha ko. Bumitaw naman si papa sa pagkakayakap sa akin. I saw on his eyes that he feel sad about the tragic incident happened to manang Fanche.

"Non c'è bisogno di dire papà dispiace. Non è colpa tua." (You don't need to say sorry papa. It's not you're fault.)

Yumuko siya. "Ho provato pietà per lei."

(I felt pity for her.)

— — —

Matapos akong dinala ni papa sa dati kong kwarto. Nandito na kami ngayon sa sala, kasama ko si Stella na busy sa kaka-cellphone. Si papa naman, umalis kasi may bibilhin ata siyang golf bat. Mahilig kasing mag golf si papa.

"Hoi Zazdrick. Na bo-bored na ako dito sa mansion niyo. Labas naman tayo oh. My treat. Marami kaya akong dalang pera," sabi niya.

"Saan mo gusto? May bilihan ng ice cream dito. Kaso... kini-kidnap yong palaging nag si-selfie dito eh. Pa'no ba 'yan, in danger ka," tumawa ako ng malakas.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Anong nakaka tawa?"

I forced myself not to laugh. "Nothing,"

"'Yong bilihan nga ice cream. Saan 'yon?" She asked eagerly.

"Samahan na lang kita bukas. By the way, may pupuntahan ako bukas. Importante, sorry kung 'di ka makakasama. 'Di bale, mag a-ice cream tayo pag-uwi ko," kinindatan ko siya.

She winced. "Fine,"

Masayang kasama si Stella pero mas masayang kasama si Amasia. Nandito na nga ako sa Italia pero iniisip ko pa rin siya. Hindi rin naman kasi madaling kalimutan 'yong taong mahal mo eh. Mahirap, lalo na't matagal na kayong magkasama.

Lumipas ang ilang oras. Oras na ng tanghalian at wala pa rin akong ganang kumain. Naka balik na si papa pero nasa kwarto siya, natutulog. Napagod kasi siya sa paghahanap ng golf bat.

May narinig akong yabag na pababa ng hagdan. Lumingon ako at nakita ko si papa. Wearing his favorite polo shirt. Hindi halata kay papa na nasa 40's na siya kasi ang tikas pa rin kasi ng tindig nito. Sabi pa nga niya kanina sa 'kin, nag ge-gym siya para magkaroon daw siya ng abs.

"Figliolo."

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Natutuwa ako kasi ginagamit niya 'yong binigay ko sa kaniya. Binigyan ko kasi siya ng polo shirt no'ng birthday niya. Pinadala ko kay mommy.

"Papà. Hai già fatto mangiato?" (Papa. Did you ate already?)

Tumango siya. "Si figliolo, tu?" (Yes son, you?)

I shook my head. "Non ho fame papà." (I'm not hungry papa.)

"Devi mangiare il figliolo," said dad. (You need to eat son.)

I sighed. "Va bene, papà," (Okay, papa.)

Naglakad ako papunta sa dining room at nagulat ako nang makita ko si Stella na kumakain na. Hindi man lang niya ako hinintay. Sa isip ko. Huminga ako ng malalim saka umupo sa tabi niya.

"You hungry?" pang-aasar niya.

Kinunotan ko siya ng noo. "Shut up gal,"

"Pikon," bulong niya.

Akala niya naman makakatakas siya sa pandinig ko. Ang talas kaya ng pandinig ko.

"Anong sabi mo?" tumaas ang boses ko.

Ngumisi siya. "Wala, ang sabi ko ang gwapo mo. How to be you po?"

Hindi ko na lang siya pinansin. Kumain na lang ako at inisip na wala siya sa tabi ko. Na miss ko tuloy ang pilipinas lalo na't nando'n si Amasia. 'Di bale, babalikan ko rin naman siya sa madaling panahon.

— —

ShineInNightt