Chapter 11

Exiguous

Katatapos ko lang tawagan si Herrick, ngayon kasi ang date namin. Ewan ko kung anong date 'to kasi pinapabihis niya ako ng maganda. Bahala na kung anong iisipin nila mama basta friendly date lang 'to.

"Ma, maganda ba?" tanong ko.

Saglit siyang napatakip sa bibig niya. "Ang ganda anak."

"It's not good Amasia. Magbihis ka nga," sabi ni kuya sabay iwas ng tingin.

Tinignan ko siya. "Ang KJ mo kuya. Maganda kaya, 'di ba ma?"

Bumaling ako kay mama. Tumango naman siya. Napaka kill joy talaga nitong kuya ko. Ano bang gusto niyang suotin ko, 'yong sarado lahat tapos hanggang hanggang tuhod ang skirt. No way.

"Willbohr, 'wag mo ng guluhin ang isip ng kapatid mo. Suportahan mo na lang siya," si mama.

Huminga ng malalim si kuya. "Okay,"

Matapos akong makapag bihis. Sinuportahan rin naman ni kuya ang suot ko. Hinihintay ko si Herrick ngayon. Saan na kaya 'yon?

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Herrick na naka suot ng tuksedo. Napansin ko ring naka gel ang buhok niya. Parang ang gwapo niya ngayon.

"Kanina ka pa ba naghihintay sa 'kin?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo."

"Pasensiya ka na ha. May pinag-usapan lang kasi kami ni Mr. Felez," sabi niya.

Ngumiti ako. "Okay lang, alam ko namang importante 'yon eh,"

Lumapit siya sa akin sabay lahad ng kamay. "Tara na?"

Kinuha ko ang kamay niya. Ngumiti siya at sabay kaming naglakad palabas ng bahay.

"You look gorgeous tonight Amasia," sabi niya sabay ngiti.

Nginitian ko na lang siya. Pagklabas namin ng gate, pumunta siya sa sasakyan sabay buksan niya ng pintuan. I smiled at him saka pumasok sa loob ng sasakyan niya.

Pagkapasok ko, umikot siya sa driver seat. Ngumiti siya sa'kin pagkapasok niya. Ang mapula niyang labi ay nakaka attract sa mga mata.

"Are you ready?"

Tumango ako. "Ready."

Ngumiti siya sabay buhay sa makina ng sasakyan niya.

— — —

Maya-maya, nakarating kami sa isang restaurant. Pamilyar sa 'kin 'tong lugar na ito. Hindi ko alam kung nakapunta na ako dito. Pero parang ang gaan ng loob ko sa lugar na ito.

"May naalala ka?" sabad niya.

Tumango ako. "Oo, pero... 'di ko matandaan eh. By the way naka-usap ko si Mr. Faciano kanina. Sabi niya sa 'kin, free daw siya this thursday."

"Good, how about Mr. Gonzales?" tanong niya.

Oh, I forgot to tell him. Nag-usap kami ni Mr. Gonzales kanina and he'll sign the contract tomorrow.

"Nag-usap na kami kanina," sagot ko.

"Anong sinabi niya?"

Sumubo ako ng pagkain saka sumagot. "He will sign the contract tomorrow kaya 'wag ka ng problemahin'yon."

Natuwa siya sa sinabi ko. Mr. Gonzales was one of our prominent clients na hinahangad naming maging ka sosyo kaya naiintindihan ko siya kung bakit ang saya niya nang marinig niya iyon.

"Talaga? You're not joking, right?"

Tumango ako. "Oo naman, bakit naman kita lolokohin? He will sign the contract tomorrow."

Ngumiti ulit siya. "You're my angel, Amasia. God brought you here to give me blessing,"

Ngumiti ako. "No worry, I'm not an angel. I'm Amasia Cortez,"

"Whatever you are saying but for me you're my angel." Hinawakan niya ang kamay ko.

Nginitian ko lang siya. Matapos kaming mag-usap. Lumabas siya ng restaurant kasi tumawag daw si Mr. Felez sa kaniya. Sobrang bising tao ni Herrick, kaya minsan hindi gaano ko siya kinakausap kung 'di man lang ito importante.

'Di nag laon, nakabalik ulit siya sa table namin. Kitang-kita sa mukha nito ang saya na nararamdaman niya. Umupo siya sa seat na katapat ko.

"Tumawag si Mr. Felez sa akin at may good news ako sa 'yo..." pangbibitin niya.

"Ano?" naguguluhan kong tanong.

Ngumiti siya. "Pinirmahan niya na ang kontrata,"

Good news nga 'yon. Sino bang 'di matutuwa kung si Mr. Felez ang binalita niya ngayon. Mr. Felez was one of the richest entrepreneurs in the Philippines. He owned 27 malls through out the Philippines and outside the country as well.

"Good news nga 'yan Herrick. Anong plano mo ngayon? Would you celebrate for that?" nginisihan ko siya.

Ngumiti siya sa 'kin ng nakakaloko. "Gusto ko, pumunta tayong La Trinidad Happy land. Ilang taon na rin akong 'di naka punta doo eh,"

La Trinidad Happy Land? Are he even serious about that? Alam niya bang delikado ang mga rides doon. Of course the Sampang Tigang rides as well. Doon talaga ako nahilo ng sobra.

Tinitigan ko siya. "Seryoso ka?"

Tumango siya. "Yes, bakit? I love their rides but sadly I have no time for that."

Mukhang hindi na nga siya magpapapigil. Ayoko pa naman ng rides nila. Lalo na 'yong Bloody Cave nila na sobrang nakaka nerbiyos na akala mo totoo talaga.

"Final na ba 'yan? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" I asked not to sound suspicious.

Tumango ulit siya. "Oo, why? Takot ka ba sa mga rides nila? C'mon Amasia, you don't have to be scared. Nandito lang ako sa tabi mo."

I shook. "Of course not, I'm not scared 'no. I'm just little bit terrified."

"See? Pareho lang 'yon. Amasia, wala ka namang dapat ikatakot eh. Hindi kita pababayaan. I got you," sabi niya sabay kindat.

Okay, mukhang 'di na nga magbabago ang isipi niya. Isipin mo na lang na para ka lang sumakay sa isang eroplano or better sa isang hot air balloon. Sa isip ko.

Huminga ako ng malalim. "Fine, I'll join with you,"

Ngumiti siya ng malawak. "Seriously?"

I nodded. "Total pinirmahan ni Mr. Felez ang kontrata, sasama ako sa 'yo,"

Hinawakan niya ang kamay ko. "Thank you, Amasia."

Ngumiwi. "Ano pa bang magagawa ko? You're my boy slash friend,"

Ngumiti ulit siya. "Thank you talaga,"

"'Wag ka munang magpasalamat dahil chance pang magbago ang isip ko," sabi ko.

Kaibigan ko lang si Herrick. Walang higit o kulang pa man do'n. Masarap maging kaibigan si Herrick. His this type like: happy lang, caring, and lovable. Parang feeling ko ang safe ko t'wing nandiyan siya.

Masarap rin naman kausap si kuya Willbohr pero iba si Herrick eh. Magkasundong-magkasundo kami. He's my boss pero hindi niya tina-take advantage 'yon. Dahil ang gusto niya fair lang kaming dalawa.

"Amasia," pagtawag niya sa akin.

Lumingon ako. "Ano?"

Nagulat ako nang muntik na kaming magkahalikan. Lumayo ako sabay iwas ng tingin.

"Do you love me? Even it's exiguous?" seryoso niyang tanong.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Why he's asking me like that? Sa isip ko.

Tumawa siya. "Just kidding,"

Nabunutan ako ng tinik sa pagtawa niya. Akala ko kasi seryoso siya sa sinasabi niya kanina. Huminga ako ng malalim.

— —

ShineInNightt