Chapter 14

Visitor

Lumipas ang tatlong araw mag-isa na ako dito sa bahay ni papa. Umuwi na kasi si Stella kinuha ni Daken. Hindi ko man gusto pero wala akong magagawa kasi sabik na sabik na si Daken na umuwi sila ni Stella.

"Zazdrick," tawag ni papa sa akin.

"Si papà?" sagot ko.

Umupo siya sa tabi ko. Napansin ko si papa na palagi siyang nagsusuot ng fitting shirt. Pansin ko rin, nagkaka muscle na siya. Si papa talaga, feeling teenager.

"I'll go to the gym. You wanna join, figlio?"

I shook my head. "It's okay papà, I'm fine here."

"If you say so, son. But if you wanna join with me. Just call me." He patted my back.

Ngumiti ako. "I'm fine here papà. Just bought me some ice cream,"

Tumayo si papa sabay lakad patungo sa pintuan pero nagulat ako nang huminto siya at lumingon sa akin.

"Arrivederci, son," sabi niya sabay labas ng bahay.

Huminga ako ng malalim pagka-alis ni papa. Tumayo ako at pumunta sa kitchen. Tanging ako at sila manang Risa at Fario lang ang kasama ko.

Pagkabukas ko ng pintuan, tumambad sa 'kin si manang na nagluluto ng ulam. Sa pintuan pa lang alam na alam ko na amoy nito.

Pumunta ako sa gawi ni manang. "Ang bango naman, is that adobo, manang?"

Tumango si manang. "Opo sir. Gusto niyo pong tikman?"

Tumango ako. "Sige po."

Kumuha siya ng konti sa niluto niya at inilahad sa akin. Kinuha ko naman ito saka tinikman.

"Ang sarap manang,"

Ngumiti si manang. "Nagustuhan niyo po ba?"

Tumango ako. "Opo manang. Kakain na nga po ako eh. Napaka sarap kasi."

Hinawakan niya ang buhok ko. "Sige, ipaghahain kita ng kanin."

Umupo ako sa isang stool at naghintay kay manang. Matagal na rin si manang Risa dito sa 'min pero 'di na siya naka-uwi sa pilipinas. Na sanay na siya sa kultura at paniniwala ng mga tao dito.

Maya-maya, inilapag ni manang ang plato na may kanin. Umalis ulit si manang dahil ti-timplahan niya daw ako ng juice. Napaka sweet talaga ni manang.

Bumalik ulit si manang, dala-dala ang baso na may lamang juice. Manang Risa was one of our maids here. Noong nabubuhay pa si manang Fanche, siya talaga 'yong close ko. Close rin naman kami ni manang Risa pero iba si manang Fanche. Kambal kasi si manang Risa at manang Fanche pero may pagkakaiba sa mukha nila.

"Ito po 'yong juice niyo sir." Nilapag ni manang sa mesa 'yong juice na tinimpla niya.

Naiisip ko pa rin si manang Fanche. Sana masaya na siya sa langit. Sana bantayan niya ako dito. Huminga ako ng malalim saka uminom ng juice.

Inilapag ni manang ang niluto niyang adobo sa mesa. Ang bango talaga ng niluto niya. Na miss ko tuloy ang pilipinas. I miss eating palabok and so more. Kumuha ako ng isang pirasong manok nilagay sa plato ko.

Nagsimula akong kumain at wala talaga akong masabi sa luto ni manang. Feeling ko tuloy, nasa pilipinas ulit ako dahil sa luto niya.

Umupo si manang sa tabi ko, umiinom ng tubig. "Ano sir? Masarap po ba? Pasensiya na po kayo sa luto k—"

"Don't say that manang. Masarap! My tongue cannot resist the scent of your dish," sagot ko.

Ngumiti naman siya sa sinabi ko. "Salamat po,"

"Walang anuman manang. Luto pa po kayo ha," sabi ko sabay ngiti.

A few minutes later, natapos na rin akong kumain. Nabusog talaga ako sa luto ni manang. Naalala ko tuloy si Amasia. Masarap kasi magluto 'yon. Lalong lalo na 'yong apretada niya.

Naka-upo ako ngayon sa poolside. Reminiscing some folly memories. Ang sarap talaga maging bata, walang problema. Kung maibabalik ko lang ang panahon, babalik talaga ako.

"Zazdrick," rinig kong tawag ni manang sa akin.

Lumingon ako. Nakita ko si manang na may dalang sandwhich. Ang caring talaga ni manang. Pumunta siya sa gawi ko sabay lapag sa sandwhich sa mini table.

"Salamat po manang," sabi ko sabay ngiti.

Umalis si manang at naiwan na naman akong mag-isa. Kung nandito lang sana si Amasia may kasama sana ano ngayon. Kung tawagan ko kaya si kuya Willbohr. Sa isip ko.

Kinuha ko 'yong phone ko sabay dial sa numero ni kuya. Maya-maya, nag ring ito. Hindi rin naman nagtagal, sinagot rin ito ni kuya.

"Hello," panimula niya.

I sighed. "Hello kuya, si Zazdrick po ito. Gusto ko lang po itanong ang kalagayan ni Amasia. Okay na po ba siya? Inaalagaan ba siya ng boyfriend niya?"

"Boyfriend? Huh?" si kuya.

""Di ba po, may lalaking pumunta sa ospital. 'Di ba 'yon po 'yong boyfriend niya?" I asked eagerly.

"Ah... si Herrick ba 'yong tinutukoy mo?" tanong ni kuya.

"Whatever his name is. Sila na ba talaga ni Amasia?" tanong ko ulit.

Tumawa si kuya sa kabilang linya. What's funny? Anong nakakatawa sa tanong ko? Totoo naman kasi eh. May bagong boyfriend na si Amasia.

"Nako Zazdrick 'wag kang mag-alala. Hindi sila," sagot ni kuya.

Hindi sila? Eh nakita ko pa ngang pinagtanggol ni Amasia 'yong lalaking 'yon. Kumukulo talaga ang dugo ko t'wing nakikita ko anf pagmumukha niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

I heard him sighed. "Zazdrick listen to me, okay? Si Amasia at 'yong lalaking tinutukoy mong boyfriend ni Amasia ay magkaibigan lang,"

Parang nabuhayan ako sa sinabi niya. Totoo ba ito? Hindi talaga sila? Sa isip ko.

"Totoo po ba 'yan kuya?" 'di ko mapigilang 'di mangiti.

"Oo, teka lang muna Zazdrick ha. May trabaho pa kasi ako eh. Mamaya ulit," sabi niya sabay baba sa telepono.

Hindi ko mapigilang ngumiti. Ang saya ng araw na ito. Wala pala talagang boyfriend si Amasia. Nasa gano'n akong sandali nang narinig ko ang boses ni papa.

Lumingon ako. "Si papà?"

Nakita ko si papa sa 'di kalayuan. Unti-unti siyang lumapit sa gawi ko.

"Zazdrick, we have a visitor and I want you to treat her well because she's important to us."

"Who is she papà?" tanong ko.

"Go to living room, she's waiting for you there," sagot ni papa.

Sinunod ko ang sinabi niya. Naglakad ako papasok loob ng mansion. Pumunta muna ako sa kitchen para uminom ng tubig. Pagkatapos lumabas ako at pumunta sa living room.

'Di nagtagal ay nakarating ako sa living room. May nakita akong isang babaeng naka-upo sa couch. Buhok pa lang alam ko ng sino ito.

"Lishia."

Tumayo ito at lumingon sa akin. "Kuya."

Sakto namang nakarating si papa sa gawi namin. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko na siya muli.

"Treat your sister well Zazdrick. She's our beloved visitor."

— —

ShineInNightt