Chapter 22

Bella

Nakarating na kami sa Italy. Hindi ko maiwasang ma amaze sa ganda ng siyudad. Nakasakay na kami ngayon ng van na maghahatid sa 'kin sa pagta-trabahoan ko. Si Herrick naman sumama sa amin sa paghatid.

"Amasia," pagtawag niya sa akin.

Lumingon ako sa kaniya. "Yes?"

"Bibisitahin pa rin kita ha?"

Kanina pa siya sa kakasabing bibisitahin niya ako. Malapit lang ang bahay ni Herrick sa bahay ng pagiging amo ko.

"Oo na. Paulit-ulit."

Inakbayan niya ako. "Sorry na, bawal bang magtanong?"

Hinalikan niya ako sa pisngi. Napaka clingy talaga ng lalaking 'to. Hindi naman masama sa 'kin na halikan niya ako sa pisngi eh. Sanay na ako kasi palagi naman niyang ginagawa iyon.

Ilang saglit lang, nakarating na kami sa isang bahay. Ay mali pala, napakalaking bahay. Maganda ang aura ng bahay. Ang mix color nitong white at black ay nakaka-aliw sa mata.

"We're here," sabi ng driver.

Bumaba na kami at si Herrick na 'yong nagbayad sa drayber. Inalalayan ako ni Herrick na mababa ang mga gamit ko. Si Astrid naman, tulog pero okay lang kasi 'di rin naman malayo ang bahay na pagsisilbihan niya.

Niyakap ako ni Herrick. Kung maka yakap akala mo ang layo namin sa isa't isa. Pagkatapos ng yakapan, umalis na sila ni Astrid na tulog pa rin.

Pagka-alis nila, naglakad ako papasok sa loob ng mansion. Ang laki at ang ganda. Labas pa lang nakaka igting panga na.

"Tao po," mahina kong sigaw.

May pumuntang baba sa akin. "Anong kailangan mo hija?"

"Uhm... ako po pala si Amasia, galing po akong pilipinas. Tapos dito ako dinala ng agency na in applyan ko."

"Ah... ikaw siguro ang bagong kasambahay namin dito?"

Tumango ako. "Opo."

Ngumiti siya. "Tu sei bella." (You're pretty.)

Ano raw? Sa isip ko. Nako, hindi pa ako gaanong nakapag-aral ng italian. Pero may dala akong dictionary just in case na may makasalumuha ako.

"Ano po?"

Umiling siya. "Nothing hija."

Ngumiti na lang ako. Nakakapagod kasi twelve hours ang biyahe papunta dito. Na miss ko tuloy sila mama at kuya. Magpakatatag ka Amasia. Kaya mo ito. 'Wag kang susuko. Sa isip ko.

"Ah, pasok ka hija."

Nauna siyang pumasok sa loob ng bahay. Bumuntong hininga ako saka tinulak ang pintuan. Pagkapasok ko, bumungad sa 'kin ang mga naglalakihang mga chandeliers at mga antigong mga kagamitan. Ang ganda.

"Welcome to Fanchio's Mansion, hija. Feel at home."

Tumango lang ako. Naglalakad kami ngayon papunta sa magiging silid ko. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mapa hanga sa mga naglalakihang mga abstract paintings.

Maya-maya, huminto kami sa isang puting pintuan na napansin kong ginto ang door knob. Totoong ginto kaya iyon? Sa isip ko.

Humarap siya sa 'kin. "Ito ang silid mo."

Binuksan niya ang pintuan at bumungad sa 'kin ang isang mala prinsesang silid. Silid ko ba talaga 'to? Ang laki at ang ganda, para akong prinsesa. Sa isip ko.

"Ito ang magiging silid mo, hija. Kumpleto na lahat dito. Hindi mo na kailangang lumabas."

Totoo nga, kumpleto nga ang mga kagamitan. Puwede na akong 'di lumabas. Ang ganda naman ng kwarto ko. Sino kaya ang amo ko? Sa isip ko.

"Ito po ba talaga ang kwarto ko?" 'di makapaniwala kong tanong.

Tumango siya. "Oo, bakit?"

Nananaginip ba ako? Ang laki ng silid na ito, para na naming bahay ito. Sa isip ko. Umalis na si manang Risa at naiwan ako ditong mag-isa sa magiging kwarto ko. Pinangarap ko lang 'to noon pero ngayon, nandito na.

"Why are you here?" rinig kong tanong sa likod ko.

Lumingon ako at nakita ko 'yong lalaking palaging gumagambala sa 'kin noong nandoon pa ako sa ospital. Bakit siya nandito? Sa isip ko.

Nagulat naman siya sa presensiya ko. "Amasia? You're here?"

Lumapit siya sabay yakap sa akin. Okay, ang weird niya. Eh hindi nga kami magkakilala. Bumitaw siya at tinignan ako.

"Amasia." Hinawakan niya ang mukha ko.

Napaka weird niya. Bakit ba siya ganito? No'ng nakaraang buwan lang, ganito rin siya sa 'kin. Magkakilala ba kami para gawin niya 'to sa 'kin? Sa isip ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "What are you doing?"

"Touching you."

Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi. May kung ano sa parte ng katawan ko na tumalbog-talbog. Bakit ko nararamdaman ito? Sa isip ko.

Pero bigla akong nagising sa katotohanan. Tinulak ko siya ng malakas pero parang 'di man lang siya naalis sa puwesto niya.

"How dare you!"

Nakita ko naman siyang nanlumo sa ginawa ko. Anong karapatan niyang halikan ako? Hindi ko nga siya kilala eh. Sa isip ko.

"Amasia..."

"Don't call me in my name. I don't know you."

Yumuko siya. "Hope you remember me as soon as possible."

Naglakad siya palabas ng magiging silid ko. Pagka-alis niya, umupo ako sa kama ko. Ang laki ng kamang ito. Kasya kahit limang tao ang matutulog dito.

Inutusan ako ni manang Risa na mag vacuum kaya ngayon ay nag va-vacuum ako. Dadating daw amo ko. Naglaro daw kasi ito ng golf.

Habang nag va-vacuum nahagip ng mga mata ko ang isang litrato ng dalawang lalaki at isang babae. Ito ba ang mga anak ng amo ko? Tinignan ko ang lalaking naka tuxedo at naka shades na sobrang gwapo. Ang mga mata nito ay nang-aakit.

Katulad ng lalaking pumunta sa silid ko at hinalikan ako sa labi. Pareho sila ng mata, at higit sa lahat ang ilong nito. Napaka tangos. Napatalon ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"What are you looking at?"

Lumingon ako, nakita ko na naman 'yong lalaking humalik sa akin do'n sa loob ng silid. Anong ginagawa niya dito?

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong pakialam mo?"

Ngumisi ito. Anong nakakatawa? Niliitan ko siya ng mata. Akala niya hindi ko siya lalabanan puwes, nagkakamali siya.

Tumingin siya sa 'kin. "Of course may pakialam ako kasi ako 'yang tinitignan mo eh. Did your eyes caught my greek god existence?"

Siya 'yong nasa litrato? So ibig sabihin... siya ang anak ng amo ko? No! Bakit sa lahat ng taong makikita ko, siya pa?

"I-Ikaw 'tong nasa litrato? Ikaw ang anak ni Don. Faciano?"

Tumango siya. "Yes, bakit may problema ba?"

Hindi ako sumagot. Paano na 'to? Ayoko pa namang makita 'tong lalaking 'to. Bakit ba kasi pinagtatagpo kami ni tadhana? Ano bang meron sa 'min? Ano pa bang kailangan kong dapat malaman? Sa isip ko.

"Hindi ka pa rin nagbabago Amasia. You're still bella." Kinindatan niya ako sabay talikod sa akin at naglakad palayo sa gawi ko.

— —

ShineInNightt