Chapter 25

Friendly Date

Hindi pa rin maalis sa isip ko 'yong sulat at singsing na binigay sa 'kin nang hindi ko kilala. Sino kaya siya? Sa isip ko.

Umalis si SIR Zazdrick, pupunta daw siya ng Milan. Ano naman kayang gagawin niya do'n? Baka mang chi-chicks— Teka lang, ano bang pakialam ko sa kaniya? Eh 'di hamak na katulong lang naman niya ako at isa pa, I don't like him.

"Amasia," malamig ngunit nakaka-akit.

Lumingon ako at nakita ko si sir Stanford. Nagkakilala kami kahapon no'ng naglilinis ako sa sala. Masayang kasama si sir Stanford, makulit, mahangin at higit sa lahat malambing.

Ngumti ako. "Ano pong kailangan niyo, sir?"

Ngumiti siya sa 'kin. "Samahan mo naman ako oh. Pupunta akong El Dariso, eh hindi ko naman memoryado ang daan dito. Bihira lang kasi akong pumupunta dito, 'di katulad ni Zazdrick."

"Po? Eh..?"

Hinawakan niya ang kamay ko sabay tingin sa mga mata ko. "Sige na, ngayon lang naman eh. At saka 'di ka naman siguro busy ngayon, 'no?"

Tumango ako. Ngumiti siya sa akin. Ang mala obalo niyang mukha at ang mapulang labi nito ay nakakapag gising ng diwa. Isama pa ang nanghihigop nitong mga mata.

Ngumuso siya. "Sige na."

Hindi ko itinatanggi. Ang ga-gwapo ng mga amo ko. Nalaman ko kay ma'am Lishia na magka-away sila ng kapatid niyang papuntang Milan ngayon. Hindi ko alam kung bakit, 'di rin naman kasi nagkuwento si ma'am Lishia basta ang sabi niya lang sa akin, magka-away sila ni SIR Zazdrick.

I sighed. "Fine."

Namilog ang mukha niya at bigla akong niyakap. Napaka overwhelming naman nitong taong 'to? Pero sa totoo lang, mas gusto ko si sir Stanford kaysa kay SIR Zazdrick.

Papunta na kami ngayon sa El Dariso. Dalawang kilometro lang naman ang layo galing sa mansion. Busy si sir Stanford sa pag li-lip-sync ng mga kanta. Ako naman, busy sa kakaisip kung paano namin mababayaran ang utang namin kay aleng Nina. Kung hindi lang sana ako na ospital baka wala kaming utang ngayon.

"Anong iniisip mo?" sabad ni sir Stanford sa pag-iisip ko.

Huminga ako ng malalim. "W-Wala po."

Ayokong may maka-alam sa problema ko. Problema namin magkaka-pamilya 'yon. Labas na ang mga boss ko do'n. Alam kong nag-aalala na 'yon si Herrick sa akin pero kailangang 'di niya malaman ang problemang ito.

Nakarating na kami sa El Dariso. Inalalayan ako ni sir Stanford sa pagbaba. Sinara niya ang pintuan at sabay kaming naglakad papasok sa El Dariso.

Huminto kami sa isang table na malapit sa counter.

"Dito tayo."

Umupo si sir Stanford sa tapat ko. Naka shades siya ngayon at pinagtitinginan siya ng mga tao. Napaka attractive nga naman ng lalaking ito oh, sa bagay gwapo naman talaga si sir Stanford.

"Amasia," mahina ngunit maganda sa pandinig.

Hinarap ko siya. "Po?"

Ngumiti siya sabay hawak sa kamay ko. "Thank you, for... joining with me here."

Ngumiti ako. "Wala po 'yon."

Ngumiti ulit siya. Tumayo si sir Stanford at naglakad papuntang counter lane para makapag-order. Naiwan ako ditong mag-isa, 'di maalis sa isipan ko 'yong nangyari kahapon. Did we kiss? Sa isip ko.

Naputol ang pag-iisip ko nang may biglang umupo sa tapat ko. Nang tingnan ko ito, napansin kong hindi ito si sir Stanford. Naka shades rin siya, pero nang ngumiti siya napagtanto kong si SIR Zazdrick ito.

I sighed and then shun on his presence. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba pupunta kang Milan ngayon?"

"Ano kasi eh... tinamad ako. Kaya pumunta na lang ako dito para kumain ng ice cream? Mag-isa ka lang?"

Umiling ako. "May kasama ako, kapatid mo."

Yumuko siya. "May date pala kayo. Sige, baka naistorbo ko kayo."

Naglakad siya at huminto sa 'di kalayuan sabay upo. Nakikita ko pa rin siya at naka-tingin siya sa 'kin ngayon. Hindi kalaonan, bumalik si sir Stanford na may dalang tray. Inilapag niya ito sa mesa sabay upo.

"Pasensiya ka na kung medyo matagal ako, ha? Ang taas kasi ng pila."

Kumuha siya ng isang ice cream at ibinigay ito sa akin. Kinuha ko naman ito. Ngumiti ako bilang pasasalamat. Chocolate ang flavor ng ice cream pero pinagtataka ko bakit parang mas gusto ko ang cookies and cream. Tinitigan ko lang ang ice cream. Napansin naman ito ni sir Stanford.

"Why you're not eating? Hindi ba masarap?"

Umiling ako. "May naalala lang po ako. 'Wag niyo na lang po akong pansinin."

Tumango naman siya. Tumingin ako sa gawi ni SIR Zazdrick. Napansin ko siyang unti-unting lumalapit sa amin. Kanina lang naka-upo siya sa ika-apat na mesa pero ngayon, nasa ikalawa na siya at malapit na siya sa amin.

Umiwas ako ng tingin ng nagtagpo ang mga mata namin. Napansin naman iyon ni sir Stanford.

"Are you okay?"

Hindi ako sumagot sa halip tumango na lang ako. Hindi na rin naman niya ako tinanong at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream.

Maya-maya, natapos na rin kami sa pagkain ng ice cream at hindi ko inasahang naka tatlo siya, habang ako nahihirapan pang ubusin ang isa. Eh pa'no ba naman, hindi maalis-alis ang tingin niya sa akin.

T'wing napapatingin ako sa gawi niya, kinikindatan niya ako. Nag stretch si sir Stanford sa braso niya at sabay tingin sa akin.

"Amasia."

Napa-tingin ako sa kaniya sa gulat. "P-Po?"

Huminga siya ng malalim. "C'mon, tell me. May problema ka ba?"

Tinignan ko si SIR Zazdrick na tumayo at naglakad papunta sa amin. Ano na naman ang gagawin mo SIR? Sa loob-loob ko. Napansin ni sir Stanford na naka-tingin ako sa gawi ni SIR Zazdrick na papunta na sa gawi namin.

"Anong tinitingnan mo, Amasia?"

Lilingon sana siya nang pinigilan ko. "Wala sir, ang ganda dito, 'no? No wonder maraming pumupunta dito."

Nang nasa tapat na si SIR Zazdrick sa amin, akala ko hihinto siya pero linagpasan niya kami. Pero too bad kasi tinawag ni sir Stanford si SIR Zazdrick.

"Zazdrick?"

Lumingon si SIR Zazdrick kay sir Stanford sabay hubad ng salamin. Bumungad sa 'kin ang gwapo niyang mukha. Umiwas ako ng tingin nang tignan niya ako.

"Stanford? May date pala kayo? Sorry kung naistorbo ko kayo. Pero 'wag kayong mag-alala, paalis na rin naman ako eh."

"A-Ah, Oo," sagot ni sir Stanford sa kapatid.

"O-Okay, enjoy." Tinignan niya ako at saka sinuot ang salamin.

Naglakad ito palabas. Nakita ko ang likod niya. Bakit ba siya nandito? Sa loob-loob ko.

"Amasia," pagtawag ni sir Stanford.

Lumingon ako sa kaniya. Nginitian lang niya ako.

"Are you okay?"

Tuamango ako. "Yeah."

— —

ShineInNightt